Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob - Kabanata 12 (Sipi)

Kapag nakikinig ang lahat ng tao, kapag napapanibago at napapanumbalik ang lahat ng bagay, kapag nagpapasakop sa Diyos nang walang kundisyon ang bawat tao, at handang balikatin ang mabigat na pananagutan ng pasanin ng Diyos—ito ang kung kailan lumalabas ang kidlat ng silanganan, pinaliliwanag lahat mula Silangan hanggang Kanluran, sinisindak ang buong lupa sa pagdating nitong liwanag; at sa sandaling ito, muling sinisimulan ng Diyos ang Kanyang bagong buhay. Ibig sabihin, sa sandaling ito nagsisimula ang Diyos ng bagong gawain sa lupa, ipinahahayag sa mga tao ng buong sansinukob na “Kapag kumikidlat mula sa Silangan—na siya ring talagang sandali nanagsisimula Akong magsalita—sa sandaling kumikidlat, ang buong kalangitan ay pinaliliwanag, at ang lahat ng bituin ay nagsisimulang magibanganyo.” Kaya, kailan ang oras na lumalabas ang kidlat mula sa Silangan? Kapag nagdidilim ang kalangitan at lumalamlam ang lupa iyon din ang kung kailan itinatago ng Diyos ang Kanyang mukha mula sa mundo, at ang mismong sandali na malapit nang maligalig ng malakas na bagyo ang lahat sa ilalim ng kalangitan. Sa oras na ito, natataranta ang lahat ng tao, nangatatakot sa kulog, natatakot sa kislap ng kidlat, at lalo pang nasisindak sa pagdaluhong ng delubyo, anupa’t nagpipikit ng kanilang mga mata ang karamihan sa kanila at naghihintay na ilabas ng Diyos ang Kanyang poot at pabagsakin sila. At habang nagaganap ang iba't ibang mga kalagayan, agad na lumalabas ang kidlat ng silanganan. Na ibig sabihin, sa Silangan ng daigdig, na pinagsisimulan ng patotoo sa Diyos Mismo, kung kailan Siya nagsisimulang gumawa, kung kailan nagsisimulang ilapat ng pagka-Diyos ang pinakamataas na kapangyarihan sa buong lupa—ito ang kumikinang na silahis ng kidlat ng silanganan, na sumisinag kailanman sa buong sansinukob. Kapag naging kaharian ni Kristo ang mga bansa sa lupa iyon ang kung kailan paliliwanagin ang buong sansinukob. Ngayon ang panahon kung kailan lumalabas ang kidlat ng silanganan: Nagsisimulang gumawa ang Diyos na nagkatawang-tao, at, higit pa rito, nagsasalita nang direkta sa pagka-Diyos. Masasabing kapag lumalabas ang kidlat ng silanganan ang kung kailan nagsisimulang magsalita ang Diyos sa lupa. Mas tiyak, kapag dumadaloy mula sa trono ang buhay na tubig—kapag nagsisimula ang mga pagbigkas mula sa trono—ay eksaktong kung kailan nagsisimula nang pormal ang mga pagbigkas ng pitong Espiritu. Sa oras na ito, nagsisimulang lumabas ang kidlat ng silanganan, at dahil sa pagkakaiba sa oras, nagkakaiba-iba rin ang antas ng pagpapalinaw, at mayroon ding limitasyon sa saklaw ng kaningningan. Nguni’t habang kumikilos ang gawain ng Diyos, habang nagbabago ang Kanyang plano—habang nag-iiba-iba ang gawain sa mga anak at ng mga tao ng Diyos—lalong ginaganap ng kidlat ang likas na tungkulin nito, anupa’t pinaliliwanag ang lahat sa buong sansinukob, at walang nananatiling latak o linab. Ito ang pagbubuu-buo ng 6,000-taong plano ng pamamahala ng Diyos, at ang talagang bunga na tinatamasa ng Diyos. Hindi tumutukoy sa mga bituin sa kalangitan ang “mga bituin”, kundi sa lahat ng anak at mga tao ng Diyos na gumagawa para sa Diyos. Dahil nagpapatotoo sila sa Diyos sa kaharian ng Diyos, at kinakatawan ang Diyos sa kaharian ng Diyos, at dahil mga nilalang sila, tinatawag silang “mga bituin.” Tumutukoy sa mga pagbabago sa pagkakakilanlan at katayuan ang “magbagong-anyo.” Nagbabago sila mula sa mga tao sa lupa tungo sa mga tao ng kaharian, at, higit pa, kasama nila ang Diyos, at nasa kanila ang kaluwalhatian ng Diyos. Dahil dito, humahawak sila ng pinakamataas na kapangyarihan na kahalili ng Diyos, at nalilinis ang kamandag at mga dumi sa mga ito dahil sa gawain ng Diyos, sa kahuli-hulihan ay ginagawang angkop para sa paggamit ng Diyos at kaayon ng puso ng Diyos—na isang aspeto ng kahulugan ng mga salitang ito. Kapag pinaliliwanag ng silahis ng liwanag mula sa Diyos ang buong lupain, magbabago sa magkakaibang antas ang lahat ng bagay sa langit at sa lupa, at magbabago rin ang mga bituin sa langit, magpapanibago ang araw at ang buwan, at kasunod na magpapanibago ang mga tao sa lupa—na siyang kabuuan ng lahat ng gawaing nagawa ng Diyos sa pagitan ng langit at lupa, at hindi kataka-taka.

Kaugnay na Content