Ano ang mga kaibhan sa pagitan ng pagbabago ng disposisyon at ng mabuting asal?

2018-04-21 34

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pagbabago sa disposisyon higit sa lahat ay tumutukoy sa isang pagbabago sa likas na pagkatao ng mga tao. Ang mga bagay tungkol sa kalikasan ng isang tao ay hindi makikita mula sa panlabas na mga paggawi; ang mga ito ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng kanilang pag-iral. Na ibig sabihin ay, tuwirang may kinalaman ang mga ito sa mga pananaw ng isang tao sa buhay at sa kanilang mga pinahahalagahan, sa mga bagay na nasa kaibuturan ng kanilang kaluluwa, at kanilang diwa. Ang isa na hindi kayang tumanggap ng katotohanan ay hindi magkakaroon ng pagbabago sa mga aspetong ito. Kapag naranasan lamang ng mga tao ang gawain ng Diyos, nakapasok nang lubusan sa katotohanan, binago ang kanilang mga pinahahalagahan at kanilang mga pananaw tungkol sa pag-iral at buhay, iniayon ang kanilang mga pananaw sa pananaw ng Diyos, at nakayang lubos na magpasakop at italaga ang kanilang mga sarili sa Diyos saka masasabi na ang kanilang mga disposisyon ay nagbago. Maaaring ikaw ay lumilitaw na nagsisikap nang kaunti, maaaring ikaw ay matatag sa harap ng mga kagipitan, maaaring nagagawa mong magsakatuparan ng mga pagsasaayos ng gawain mula sa itaas, o maaaring nagagawa mong makapunta saanmang dako ka pinapupunta, subali’t ang mga ito ay maliliit na pagbabago lamang sa iyong mga pagkilos, at ang mga ito ay hindi sapat na maging isang pagbabago sa iyong disposisyon. Maaaring nakakaya mong tumakbo sa maraming landasin, magdusa ng maraming mga kahirapan at magbata ng matinding kahihiyan; maaaring madama mo na napakalapit mo sa Diyos, at ang Banal na Espiritu ay maaaring gumagawa sa iyo nang kaunti. Gayunpaman, kapag hinihingi ng Diyos sa iyo na gumawa ng isang bagay na hindi kaayon sa iyong mga pagkaunawa, maaaring hindi ka pa rin nagpapasakop, kundi naghahanap ng mga dahilan, at naghihimagsik at lumalaban sa Diyos, kahit hanggang sa puntong pinupuna mo ang Diyos at nagproprotesta laban sa Kanya. Ito ay isang malalang suliranin! Ipinakikita nito na mayroon ka pa ring kalikasan ng paglaban sa Diyos at na hindi ka nagbago kahit na kaunti.

—mula sa “Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Iyong Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa mga pagbabago sa disposisyon? Ang mga diwa ng mga pagbabago sa disposisyon at mga pagbabago sa paggawi ay magkaiba, at ang mga pagbabago sa pagsasagawa ay magkakaiba rin—ang lahat ng ito ay magkakaiba sa pinakadiwa. Naglalagay ang karamihan ng mga tao ng natatanging diin sa paggawi sa kanilang pananampalataya sa Diyos, bilang resulta ng kung saan mayroong nagaganap na ilang pagbabago sa kanilang paggawi. Pagkatapos maniwala sa Diyos, tumitigil sila sa pakikipagpunyagi sa iba, itinitigil nila ang pakikipaglaban sa mga tao at pang-iinsulto sa kanila, itinitigil nila ang paninigarilyo at pag-inom, hindi sila nagnanakaw ng anumang pag-aari ng publiko—maging ito man ay isang pako o isang mahabang piraso ng tabla—at sila ay humahanggan pa sa hindi pagdulog sa hukuman kapag sila ay nawawalan o ginawan ng mali. Walang pagdududa, ilang mga pagbabago ang nagaganap sa kanilang paggawi. Sapagka’t, pagkatapos maniwala sa Diyos, ang pagtanggap sa tunay na daan ay nakapagdudulot talaga sa kanila ng mabuting pakiramdam, at dahil natikman din nila ang biyaya ng gawain ng Banal na Espiritu, sila ay talagang taimtim, at walang kahit anuman ang hindi nila maaaring talikuran o pagdusahan. Nguni’t pagkatapos makapaniwala sa loob ng tatlo, lima, sampu, o tatlumpung taon—sapagka’t walang naging pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay, sa bandang huli sila’y muling nagbabalik sa dating mga pamamaraan, ang kanilang pagmamataas at kapalaluan ay lumalago, at nagsisimula silang makipaglaban para sa kapangyarihan at kapakinabangan, iniimbot nila ang salapi ng iglesia, ginagawa nila ang anumang bagay para sa kanilang mga pakinabang, labis nilang hinahangad ang katayuan at mga kaaliwan, at sila ay nagiging palaasa sa tahanan ng Diyos. Karamihan sa mga lider, lalo na, ay iniiwang mag-isa. At ano ang pinatutunayan ng mga katotohanang ito? Ang mga pagbabago na hindi hihigit kaysa sa paggawi ay hindi napapanatili. Kung walang pagbabago sa disposisyon sa buhay ng mga tao, sa malao’t madali kung gayon lilitaw ang kanilang masamang bahagi. Sapagka’t ang pinagmumulan ng mga pagbabago sa kanilang paggawi ay sigasig, kalakip ng ilang gawain ng Banal na Espiritu sa panahong iyon, masyadong napakadali para sa kanila na maging maalab, o magpakita ng kabaitan sa loob ng ilang panahon. Kagaya ng sinasabi ng hindi sumasampalataya, “Ang paggawa ng isang mabuting gawa ay madali, ang mahirap ay ang habambuhay na paggawa ng mabubuting gawa.” Walang kakayahan ang mga tao sa paggawa ng mabubuting gawa sa buong buhay nila. Ang kanilang paggawi ay idinidikta ng buhay; kung anuman ang kanilang buhay, gayundin ang kanilang paggawi, at yaon lamang likas na ibinunyag ang kumakatawan sa buhay, at sa kalikasan ng isa. Ang mga bagay na huwad ay hindi magtatagal. Kapag ang Diyos ay gumagawa upang iligtas ang tao, hindi upang palamutian ang tao ng mabuting paggawi—ang gawain ng Diyos ay para baguhin ang mga disposisyon ng mga tao, upang sila ay muling ipanganak na bagong mga tao. Kaya naman, ang paghatol ng Diyos, pagkastigo, mga pagsubok, at kapinuhan ng tao ay lahat para baguhin ang kanyang disposisyon, para maaaring matamo niya ang ganap na pagkamasunurin at katapatan sa Diyos, at ang normal na pagsamba sa Diyos. Ito ang layunin ng gawain ng Diyos. Ang pagpapakabait ay hindi kapareho ng pagsunod sa Diyos, lalong hindi ito katumbas ng pagiging kaayon kay Cristo. Ang mga pagbabago sa paggawi ay batay sa doktrina, at iniluwal dahil sa sigasig—hindi batay ang mga ito sa tunay na kaalaman ukol sa Diyos, o sa katotohanan, lalong hindi dahil sa paggabay ng Banal na Espiritu. Bagama’t may mga pagkakataon na ang ilan sa ginagawa ng mga tao ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ito ang pagpapahayag ng buhay, lalong hindi ito kapareho ng pagkakilala sa Diyos; gaano man kabuti ang paggawi ng isang tao, hindi nito pinatutunayan na sinusunod nila ang Diyos, o na isinasagawa nila ang katotohanan. Ang mga pagbabago sa paggawi ay panandaliang ilusyon, ang mga ito ang pagpapahiwatig ng sigasig, at ang mga ito ay hindi ang pagpapahayag ng buhay. …

Maaaring magpakabait ang mga tao, nguni’t hindi ito nangangahulugan na taglay nila ang katotohanan. Magagawa lamang ng sigasig ng mga tao na sumunod sila sa doktrina at sundin ang patakaran; ang mga tao na walang katotohanan ay walang pag-asa sa paglutas ng mga makabuluhang suliranin, at hindi makakapanindigan ang doktrina para sa katotohanan. Yaong mga nakaranas ng pagbabago sa kanilang disposisyon ay naiiba. Yaong mga nakaranas ng pagbabago sa kanilang disposisyon ay naunawaan na ang katotohanan, nauunawaan nila ang lahat ng usapin, alam nila kung paano kumilos alinsunod sa kalooban ng Diyos, kung paano kumilos alinsunod sa mga prinsipyo ng katotohanan, kung paano kumilos upang mapalugod ang Diyos, at nauunawaan nila ang kalikasan ng katiwalian na kanilang ibinubunyag. Kapag ang kanilang sariling mga ideya at mga pagkaintindi ay naibubunyag, nagagawa nilang makakilala at tinatalikuran ang laman. Ganito ipinahahayag ang isang pagbabago sa disposisyon. Ang pangunahing bagay tungkol sa isang pagbabago sa disposisyon ay na malinaw na nilang naunawaan ang katotohanan, at kapag ipinatutupad ang mga bagay, isinasagawa nila ang katotohanan nang may kaugnay na kawastuan at ang kanilang katiwalian ay hindi ibinubunyag nang madalas.

—mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Yaong mga hindi nagtataglay ng katotohanan ay tiyak na hindi pa nagkaroon ng pagbabago sa disposisyon. Hindi niyon ibig sabihin na ang isang taong nasa hustong gulang na ang pagkatao ay nagkaroon na ng pagbabago sa disposisyon; tumutukoy ito una sa lahat sa panahon na ang ilan sa napakasasamang lason sa likas na pagkatao ng isang tao ay nagbabago dahil sa kanilang kaalaman tungkol sa Diyos at sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan. Ibig sabihin, ang napakasasamang lason na iyon ay nalinis at ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ay nag-uugat sa kalooban ng tao, nagiging buhay nila, at nagiging pundasyon ng kanilang pag-iral. Noon lamang sila nagiging bagong tao, at ang kanilang disposisyon kung gayon ay nagbabago. Ang isang pagbabago sa disposisyon ay hindi nangangahulugan na ang panlabas na disposisyon ng mga tao ay mas mapagkumbaba kaysa rati, na dati silang mapagmataas ngunit ngayo’y makatwiran na ang kanilang mga salita, na dati ay wala silang pinakikinggan ngunit ngayo’y kaya na nilang makinig sa iba—hindi masasabi na ang panlabas na mga pagbabagong ito ay mga pagbabago sa disposisyon. Mangyari pa kabilang nga ang mga kalagayang ito sa mga pagbabago sa disposisyon, ngunit ang pinakamahalagang bagay ay na nagbago ang kanilang puso’t isipan. Ang katotohanang ipinahayag ng Diyos ang kanilang nagiging pinakabuhay, ang napakasasamang lason sa kalooban ay naalis na, ang kanilang pananaw ay ganap nang nagbago, at hindi nakaayon ang anuman doon sa mundo. Nakikita nila nang malinaw ang mga pakana at lason ng malaking pulang dragon; naunawaan na nila ang tunay na diwa ng buhay. Kaya nagbago na ang kanilang mga pagpapahalaga sa buhay—ito ang pinaka-pangunahing pagbabago at ang diwa ng isang pagbabago sa disposisyon.

Sa anong batayan nabuhay ang mga tao noon? Ang lahat ng tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa sarili niya at bahala nang mapasama ang mga naiiwan sa huli—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling mga kapakanan; tinatalikuran nila ang mga bagay-bagay, ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Diyos, at tapat sa Diyos, nguni’t ang lahat ng mga bagay na ito ay ginagawa pa rin nila para sa kanilang sariling mga kapakanan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa layunin ng pagkakamit ng mga pagpapala para sa kanilang mga sarili. Sa mundo, ang lahat ay para sa pansariling pakinabang. Ang paniniwala sa Diyos ay para magkamit ng mga pagpapala, at kaya itinatakwil ng isa ang lahat ay upang magkamit ng mga pagpapala, at ang isa ay makatatagal sa matinding pagdurusa upang magkamit ng mga pagpapala. Ang lahat ng ito ay katibayan mula sa karanasan ukol sa tiwaling kalikasan ng tao. Gayunpaman, yaong mayroong pagbabago sa disposisyon ay naiiba. Pakiramdam nila ang mga tao ay dapat mabuhay upang palugurin ang Diyos, upang gampanan ang kanilang tungkulin nang mahusay, at mabuhay nang makahulugan upang kahit na sila’y mamatay, sila’y makakaramdam na nasisiyahan at hindi magkakaroon ng kahit katiting na panghihinayang—hindi sila nabuhay nang walang kabuluhan. Na nakakaya ng mga tao na sumamba, sumunod at palugurin ang Diyos ay ang saligan ng pagiging tao at kanilang pananagutang tungkulin alinsunod sa hindi-nababagong mga prinsipyo ng Langit at lupa. Kung hindi, hindi sila magiging karapat-dapat tawaging tao; ang kanilang mga buhay ay magiging hungkag at walang kahulugan. Mula sa paghahambing ng dalawang uri ng mga sitwasyong ito, nakikita natin na ang huli ay isang tao na ang disposisyon ay nagbago na, at yamang ang kanyang disposisyon ay nagbago, ang pananaw sa buhay ay tiyak na nagbago na. Taglay ang naiibang mga pinahahalagahan, hindi na siya kailanman muling mabubuhay para sa sarili niya, at ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay hindi na kailanman magiging para sa layunin ng pagkakamit ng mga pagpapala para sa sarili niya. Magagawa niyang sabihing, “Pagkatapos makilala ang Diyos, ano ang kamatayan sa akin? Pinahintulutan ako ng pagkakilala sa Diyos na mamuhay ng isang makahulugang buhay. Hindi ako nabubuhay nang walang kabuluhan at hindi ako mamamatay na mayroong mga panghihinayang—wala akong mga hinaing.” Hindi ba ito isang nabagong pananaw sa buhay? Samakatuwid, ang pinakasanhi ng isang pagbabago sa disposisyon sa buhay ng isa ay ang pagkakaroon ng katotohanan sa loob, at pagkakaroon ng pagkakilala sa Diyos; ang pananaw sa buhay ng isa ay nagbabago, at ang mga pinahahalagahan ay kaiba mula sa dati. Ang pagbabago ay nagsisimula sa loob, at mula sa buhay ng isa; tiyak na ito ay hindi lamang isang panlabas na pagbabago. Ang ilan sa mga bagong mananampalataya, pagkatapos maniwala sa Diyos, nilisan ang sekular na mundo; kapag sila ay nakatatagpo ng mga hindi sumasampalataya kaunti lang ang kanilang nasasabi, at madalang lamang silang makipag-usap sa kanilang mga hindi sumasampalatayang kamag-anak at mga kaibigan. Sinasabi ng mga hindi sumasampalataya ang, “Ang taong ito ay nagbago.” Kaya iniisip nila, “Ang aking disposisyon ay totoong nagbago—sinasabi ng mga hindi sumasampalataya na ako ay nagbago.” Sa katunayan, nagbago ba talaga ang kanilang disposisyon? Ang mga ito ay panlabas na mga pagbabago lamang. Walang naging pagbabago sa kanilang buhay, at ang kanilang satanikong kalikasan ay nagpapatuloy na nag-uugat sa loob nila, ganap na hindi nagagalaw. Paminsan-minsan, ang mga tao ay hinahawakang mahigpit ng lakas ng loob dahil sa gawain ng Banal na Espiritu; ang ilang panlabas na mga pagbabago ay nagaganap, at mayroon silang kaunting mabubuting gawa. Nguni’t hindi ito kapareho ng mga pagbabago sa disposisyon. Ikaw ay walang katotohanan, ang iyong pananaw ukol sa mga bagay ay hindi nagbago, ni walang pagkakaiba mula sa yaong mga hindi sumasampalataya, at ang iyong mga pagpapahalaga at pananaw sa buhay ay hindi nabago. Ni wala kang isang puso na gumagalang sa Diyos, na siyang pinakamababa na dapat mong mataglay. Napakalayo nito mula sa mga pagbabago sa iyong disposisyon.

—mula sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Sa relihiyosong mundo, maraming banal na tao na nagsasabing, “Nagbago na kami dahil sa aming pananampalataya sa Panginoong Jesus. Kaya naming gumugol para sa Panginoon, gumawa para sa Panginoon, tiisin ang bilangguan para sa Panginoon, at hindi namin ikinakaila ang Kanyang pangalan. Kaya naming gumawa ng maraming mabubuting bagay, magbigay sa kawanggawa, bigyan at tulungan ang mahihirap. Malalaking pagbabago ang mga ito! Kaya karapat-dapat kaming madala sa kaharian ng langit.” Ano ang palagay ninyo sa mga salitang ito? Mayroon ba kayong anumang pagkaunawa pagdating sa mga salitang ito? Ano ang ibig sabihin ng malinis? Sa tingin ba ninyo kung nagbago na ang inyong pag-uugali at gumagawa kayo ng mabubuting gawain ay nalinis na kayo? May nagsabi, “Iwinaksi ko na ang lahat. Iwinaksi ko ang aking trabaho, ang aking pamilya at mga ninanais ng aking laman upang gumugol para sa Diyos. Hindi ba ito katumbas ng pagkakalinis?” Kahit nagawa mo na ang lahat ng ito, hindi ito matibay na ebidensiya na nalinis ka na. Kaya, ano ang pangunahing punto? Sa aling aspeto kayo makakatamo ng paglilinis na maituturing na tunay na paglilinis? Ang paglilinis ng malasatanas na disposisyon na lumalaban sa Diyos ang nangangahulugan ng tunay na paglilinis. Ano ang mga palatandaan ng malasatanas na disposisyon na lumalaban sa Diyos? Ang mga pinakahalatang palatandaan ay ang kahambugan, pagiging mapagmataas, mapagmagaling at palalong pagpapahalaga sa sarili ng isang tao, pati na ang kanyang kabuktutan, kataksilan, pagsisinungaling, panlilinlang at pagpapaimbabaw. Kapag hindi na bahagi ang mga satanikong disposisyon na ito ng isang tao, kung gayon tunay silang nalinis na. Nasabi nang mayroong 12 pangunahing palatandaan sa malasatanas na disposisyon ng tao, gaya ng pagturing sa sarili bilang pinakakagalang-galang; pagpapahintulot sa paglago ng mga sumusunod sa akin at pagkapahamak ng mga lumalaban; pag-iisip na tanging ang Diyos lamang ang nakatataas sa iyo, hindi pagpapasakop sa sinuman, kawalan ng paggalang sa iba; paglikha ng hiwalay na kaharian sa sandaling magkaroon ka ng kapangyarihan; pagnanais na maging siyang tanging gumagamit ng kapangyarihan at ang panginoon ng lahat ng bagay at ipasya ang lahat ng bagay nang nag-iisa. Ang lahat ng ito’y palatandaan ng mga malasatanas na disposisyon. Ang mga malasatanas na disposisyong ito ay kailangang malinis bago makaranas ang isang tao ng pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay. Ang pagbabago sa disposisyon sa buhay ng isang tao ay isang muling pagkapanganak dahil nagbago na ang kanyang diwa. Dati, noong binigyan siya ng kapangyarian, nagawa niyang likhain ang kanyang sariling kaharian. Ngayon, kapag binibigyan siya ng kapangyarihan, naglilingkod siya sa Diyos, sumasaksi sa Diyos at nagiging lingkod para sa piniling bayan ng Diyos. Hindi ba ito isang tunay na pagbabago? Dati, ipinagyabang niya ang kanyang sarili sa lahat ng sitwasyon at ninais na hangaan at sambahin siya ng ibang mga tao. Ngayon, sumasaksi siya para sa Diyos sa lahat ng dako at hindi na pinangangalandakan ang kanyang sarili. Kahit paano siya tratuhin ng mga tao, ayos lang. Kahit gaano siya punahin ng mga tao, ayos lang. Wala siyang pakialam. Nakatuon lamang siya na parangalan ang Diyos, sumaksi para sa Diyos, tulungan ang mga iba na magkamit ng pagkaunawa sa Diyos, at tulungan ang mga iba na sumunod sa presensya ng Diyos. Hindi ba ito isang pagbabago sa disposisyon sa buhay? “Tatratuhin ko nang may pagmamahal ang mga kapatid. Magiging maunawain ako sa iba sa lahat ng sitwasyon. Hindi ko iisipin ang sarili ko, at magbibigay ako ng pakinabang sa iba. Tutulungan ko ang iba na isulong ang kanilang mga buhay at tuparin ang aking sariling mga responsibilidad. Tutulungan ko ang iba na maintindihan ang katotohanan at matamo ang katotohanan.” Ito ang ibig sabihin ng magmahal sa iba tulad sa iyong sarili! Pagdating kay Satanas, magagawa mong mauunawaan ito, magkaroon ng mga prinsipyo, gumuhit ng linya ng hangganan dito at ganap na ibunyag ang mga kasamaan ni Satanas upang iligtas ang piniling bayan ng Diyos mula sa pinsalang dulot nito. Ito ang pagprotekta sa piniling bayan ng Diyos, at lampas pa ito sa pagmamahal sa iba tulad sa iyong sarili. Dagdag pa, dapat mong mahalin ang minamahal ng Diyos at kamuhian ang kinamumuhian ng Diyos. Ang kinamumuhian ng Diyos ay ang mga anticristo, masasamang espiritu at masasamang tao. Ibig sabihin nito na kailangan din nating kamuhian ang mga anticristo, masasamang espiritu at masasamang tao. Kailangan nating pumanig sa Diyos. Hindi tayo maaaring makipagkasundo sa kanila. Sino ang minamahal ng Diyos? Minamahal ng Diyos ang mga gusto niyang iligtas at pagpalain. Para sa mga taong ito, kailangan tayong maging responsable, tratuhin sila nang may pagmamahal, tulungan, gabayan, paglaanan at suportahan sila. Hindi ba ito pagbabago sa disposisyon sa buhay ng isang tao? Dagdag pa, kapag nakagawa ka ng ilang paglabag o pagkakamali, o napabayaan mo ang mga prinsipyo sa paggawa ng isang bagay, matatanggap mo ang puna, pangungutya, pakikitungo at pagtatabas ng mga kapatid; matratrato mo ang lahat ng mga bagay na ito nang tama at makakamtan sila mula sa Diyos, tatanggapin ito nang may pagpapaubaya, hindi nagtatanim ng poot, at hahanapin ang katotohanan upang lutasin ang iyong sariling katiwalian. Hindi ba ito pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay? Oo. …

Maaari bang ang pagbabago sa pag-uugali ng isa na pinag-uusapan sa relihiyosong mundo ang kumatawan sa pagbabago sa disposisyon sa buhay? Sinasabi ng lahat na hindi maaari. Bakit? Ang pangunahing dahilan ay dahil nilalabanan pa rin niya ang Diyos. Kagaya lang ng mga Fariseo na napakabanal sa panlabas. Madalas silang nagdasal, ipinaliwanag nila ang banal na kasulatan at sinunod nilang mabuti ang mga alituntunin ng batas. Masasabi na sa panlabas, walang makukutya sa kanila. Walang makita ang mga tao na mga pagkukulang. Gayunpaman, bakit nagawa pa rin nilang labanan at kondenahin si Cristo? Ano ang ipinahihiwatig nito? Gaano man kabuting tingnan ang mga tao, kung hindi nila taglay ang katotohanan at sa gayon ay hindi nila kilala ang Diyos, lalabanan pa rin nila ang Diyos. Sa panlabas, napakababait nila, nguni’t bakit hindi ito maituturing na pagbabago sa disposisyon sa buhay? Ito’y dahil ang kanilang tiwaling disposisyon ay hindi nagbago ni katiting, at hambog pa rin sila, palalo at lalong mapagmagaling. Naniwala sila sa kanilang sariling kaalaman, mga teoriya at naniwala sila na mayroon silang pinakamabuting pagkaunawa sa mga banal na kasulatan. Naniwala sila na naintindihan nila ang lahat at mas magaling sila kaysa sa mga ibang tao. Ito ang dahilan kaya nilabanan at kinondena nila ang Panginoong Jesus noong nangangaral Siya at ginagawa ang Kanyang gawain. Iyan ang dahilan kaya kapag naririnig ng relihiyosong mundo na ipinahayag ni Cristo ng mga huling araw ang lahat ng katotohanan, kinokondena nila Siya kahit na alam nilang ito ang katotohanan.

—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Kaugnay na Content