Tanong 21: Nakasulat mismo sa Biblia: “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). Kaya ang pangalan ng Panginoon ay hinding-hindi nagbabago! Pero sinasabi mo na muling pumarito ang Panginoon sa mga huling araw na may taglay na bagong pangalan at Siya ay tinatawag na Makapangyarihang Diyos. Paano nagkagayon?

2018-04-19 129

Sagot:

Sinasabi sa Biblia, “Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man” (Mga Hebreo 13:8). Tinutukoy nito ang katotohanan na ang disposisyon ng Diyos at ang Kanyang diwa ay walang-hanggan at di-nagbabago. Hindi ibig sabihin nito na hindi magbabago ang Kanyang pangalan. Tingnan natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, nguni’t ito ay tumutukoy sa di-nababagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, nguni’t alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, kung gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? … ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi magbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus. Isang tanda ito na ang gawain ng Diyos ay laging patuloy ang pag-unlad nang pasulong.

Ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay mananatiling si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran at Kanyang kamahalan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subali’t, ang Kanyang gawain, ay palaging umuunlad pasulong, laging mas lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan Siya’y nagsasagawa ng mga bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng Kanyang mga nilalang ang bago Niyang kalooban at bago Niyang disposisyon” (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Jesucristo

Makikita natin sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na ang Diyos Mismo ay hindi nagbabago. Nakapatungkol ito sa disposisyon at diwa ng Diyos, hindi sa Kanyang pangalan. Kahit na nagsagawa ang Diyos ng kaibang gawain at gumamit ng iba’t ibang mga pangalan sa iba’t ibang panahon sa Kanyang proseso ng pagliligtas sa sangkatauhan, ang Kanyang diwa ay di maaaring magbago kailanman. Ang Diyos ay mananatiling Diyos. Kaya’t ang pangalan man Niya ay Jehova o Jesus, ang Kanyang diwa ay hindi nagbabago kailanman. Iisang Diyos pa rin ang gumagawa. Gayunman, noong panahong iyon ay di alam ng mga Fariseong Judio na nagbabago ang pangalan ng Diyos kasabay ng pagbabago ng panahon, sa Kanyang gawain. Naniwala sila na si Jehova lang ang kanilang Diyos, kanilang Tagapagligtas dahil sa paglipas ng mga panahon napanatili nila na si Jehova lang ang Diyos, at walang ibang Tagapagligtas kundi si Jehova. Bilang resulta, nang binago ng Diyos ang Kanyang pangalan at dumating para gawin ang pagtubos gamit ang pangalang “Jesus,” buong kabaliwan nilang kinondena at kinalaban ang Panginoong Jesus. Sa huli, ipinako nila Siya sa krus, ginawa ang karumal-dumal na krimen, at dumanas ng kaparusahan ng Diyos. Gayundin naman, ngayong nasa mga huling araw na tayo, kung itatatwa natin ang diwa ng Diyos at na ito ang gawain ng isang Diyos dahil binago Niya ang Kanyang gawain at Kanyang pangalan, iyan ay kawalang-ingat at pagkaignorante ng tao. Napakahalaga ng bawat pangalang tinaglay ng Diyos sa bawat panahon, at lahat ng ito’y nagtataglay ng malaking kaligtasan sa sangkatauhan.

Ang Diyos ay palaging bago, at hindi naluluma. Siya ang Diyos na nakasasaklaw sa lahat ng bagay. Ang bawat pangalan ng Diyos ay hindi maaaring kumatawan sa Kanyang kabuuan. Kaya nga, sa pagsulong ng mga panahon, ang Kanyang mga pangalan ay patuloy ding nagbabago. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehova at si Jesus, nguni’t Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang ganap na makakatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan” (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang pangalang Jesus ba—‘Diyos kasama natin’—ay maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos? Maaari ba nitong malinaw na maipaliwanag ang Diyos? Kung ang tao ay nagsasabi na ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at hindi maaaring magkaroon ng iba pang pangalan dahil hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ang mga salitang iyon ay talagang kalapastanganan sa Diyos! Naniniwala ka bang ang pangalang Jesus, Diyos kasama natin, ay maaaring kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring tawagin sa iba’t ibang pangalan ang Diyos, nguni’t sa mga pangalang ito, walang kahit isa ang makakayang lumagom sa lahat ng mayroon ang Diyos, walang kahit isa na maaaring lubos na kumatawan sa Diyos. At kaya, maraming pangalan ang Diyos, nguni’t ang mga pangalang ito ay hindi maaaring ganap na maihayag ang disposisyon ng Diyos, dahil ang disposisyon ng Diyos ay napakamasagana at lumalampas sa karunungan ng tao. Ang wika ng tao ay walang kakayahan na ganap na mabuod ang Diyos. … Ang isang tukoy na salita o pangalan ay walang kakayahan upang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan, kaya maaari ba Siyang gumamit ng iisang permanenteng pangalan? Ang Diyos ay napakadakila at napakabanal, kaya bakit hindi mo Siya hinahayaang magpalit ng Kanyang pangalan sa bawat bagong kapanahunan? Sa bawat kapanahunan na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, gumagamit Siya ng isang pangalan na naaangkop sa kapanahunan upang lagumin ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ginagamit Niya ang tukoy na pangalang ito, ang isang nagtataglay ng pansamantalang kahalagahan, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa kapanahunang iyon. Ito ang paggamit ng Diyos ng wika ng tao upang ipahayag ang Kanyang sariling disposisyon” (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Diyos ang marunong, ang Pinunong makapangyarihan sa lahat. Siya ay dakila, Siya ay sagana, at saklaw Niya ang lahat. Anumang partikular na pangalan ay hindi maaaring kumatawan sa lahat ng kung ano ang Diyos. Bukod pa riyan, sa bawat panahon ay bahagi lamang ng Kanyang gawain ang nagawa ng Diyos, at bahagi lang ng Kanyang disposisyon ang Kanyang ibinunyag. Hindi Niya ipinahayag ang lahat ng kung anong mayroon at kung ano Siya. Kaya nga, sa bawat yugto ng Kanyang gawain ay gumagamit Siya ng partikular na pangalan na sumasagisag sa kahalagahan ng kapanahunang iyon upang kumatawan sa Kanyang gawain sa panahong iyon, at sa ipinapahayag Niyang disposisyon. Ito’y isang prinsipyo ng gawain ng Diyos, at ito ang pangunahing dahilan kaya binabago Niya ang Kanyang pangalan.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Hindi kayang katawanin ng pangalan ng Diyos sa bawat kapanahunan ang kabuuan ng Diyos, kaya ano ang kabuluhan ng Kanyang pangalan sa bawat kapanahunan? Ang tanong na ito ay napakahalaga. Ngayon nasabi na sa atin ng Makapangyarihan Diyos ang kasagutan. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “‘Jehova’ ang pangalan na Aking ginamit sa kapanahunan ng Aking gawain sa Israel, at ito ay nangangahulugang ang Diyos ng mga Israelita (ang hinirang na bayan ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gumabay sa buhay ng tao. Nangangahulugan ito na ang Diyos na may angking dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Ang ‘Jesus’ ay Emmanuel, at ito’y nangangahulugang ang handog para sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kinakatawan ang Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang katawanin ang isang bahagi ng plano ng pamamahala. Na ang ibig sabihin, tanging si Jehova ang Diyos ng hinirang na bayan ng Israel, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, ang Diyos ni Jacob, ang Diyos ni Moises, at ang Diyos ng lahat ng tao ng Israel. At sa gayon sa kasalukuyang kapanahunan, lahat ng Israelita maliban sa tribo ni Juda ay sumasamba kay Jehova. Nag-aalay sila sa Kanya ng mga hain sa altar, at naglilingkod sa Kanya na suot ang mga mahahabang damit ng mga pari sa templo. Ang inaasahan nila ay ang pagpapakitang muli ni Jehova. Tanging si Jesus ang Manunubos ng sangkatauhan. Siya ang handog para sa kasalanan na tumubos sa sangkatauhan mula sa kasalanan. Na ang ibig sabihin, ang pangalan ni Jesus ay nanggaling sa Kapanahunan ng Biyaya, at umiral dahil sa gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang hayaan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang tanging pangalan para sa pagtubos ng buong sangkatauhan. At sa gayon ang pangalan ni Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at tumutukoy sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang tanging pangalan para sa mga tao sa Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawa’t kapanahunan at bawa’t yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang-basehan, subali’t may taglay na kumakatawang kabuluhan: Bawa’t pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, at ito ay pamimitagan para sa Diyos na sinasamba ng bayan ng Israel. Ang ‘Jesus’ ang kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat niyaong natubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung pinananabikan pa rin ng tao ang pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa panahon ng mga huling araw, at umaasa pa rin na Siya ay darating sa larawan na Kanyang tinaglay sa Judea, samakatwid ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ay titigil sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na makakayang sumulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, kailanman ay hindi na darating, at ang kapanahunan ay hindi na matatapos kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalan na kung saan sa pamamagitan nito ay Aking dadalhin ang buong sangkatauhan sa katapusan” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan natin ang ibig sabihin ng mga pangalang ginamit ng Diyos sa bawat panahon. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang Kanyang pangalan ay Jehova, at kinatawan ng pangalang iyon ang ipinahayag Niya sa sangkatauhan sa panahong iyon: isang disposisyon ng kamahalan, poot, sumpa, at awa. Pagkatapos ay sinimulan ng Diyos ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan sa pangalang Jehova. Ibinigay Niya ang Kanyang batas at mga kautusan at opisyal na pinamunuan ang bagong silang na sangkatauhan sa kanilang buhay sa lupa. Hiniling Niya sa mga tao na mahigpit na sundin ang batas at matutong sumamba sa Kanya, na igalang Siya bilang dakila. Ang mga pagpapala at biyaya ang makakamit ng sinumang sumusunod sa kautusan. Ang sinumang lumabag sa kautusan ay babatuhin hanggang mamatay, o susunugin ng apoy ng langit. Kaya nga ang mga Israelita na namuhay ayon sa kautusan ay mahigpit na sumunod dito, at itinuring na banal ang pangalang Jehova. Namuhay sila sa ilalim ng pangalan ni Jehova sa loob ng ilang libong taon, hanggang sa matapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Pagkatapos ng Kapanahunan ng Kautusan, dahil lalong naging tiwali ang sangkatauhan at lalo pang nagkakasala, wala nang paraan para patuloy na sundin ng mga tao ang kautusan. Lahat ay palaging nahaharap sa panganib na maparusahan sa paglabag sa kautusan, kaya nga isinagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagtubos sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Binuksan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan, ipinapahayag ang disposisyon ng Diyos ukol sa pag-ibig at awa. Ipinagkaloob din Niya sa tao ang Kanyang saganang biyaya, at sa huli ay ipinako sa krus alang-alang sa tao, kaya tinubos tayo sa ating mga kasalanan. Magmula noon, nagsimula tayong manalangin sa pangalan ni Jesus at igalang ang Kanyang banal na pangalan, para matamasa ang Kanyang pagpapatawad sa ating mga kasalanan, at ang Kanyang saganang biyaya. Ang pangalang Jesus ay gayon upang ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay muling maisisilang at magkamit ng kaligtasan. Ang kahulugan nito ay bilang handog para sa kasalanan ng awa at pag-ibig para sa pagtubos ng sangkatauhan. Ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos ng Diyos, at kumakatawan din ito sa Kanyang disposisyon ng awa at pag-ibig. Makikita natin mula sa dalawang yugto ng gawain na ang pangalang tinataglay Niya sa bawat kapanahunan ay may sariling kabuluhan. Bawat pangalan ay kumakatawan sa gawain ng Diyos sa panahong iyon at sa disposisyong ipinapahayag Niya sa panahong iyon. Sa Kapanahunan ng Biyaya, nang dumating ang Panginoon, kung hindi Siya tinawag na Jesus, kundi tinawag na Jehova, ang gawain ng Diyos ay maaaring tumigil sana sa Kapanahunan ng Kautusan, at hindi na sana nakamit ng tiwaling sangkatauhan ang pagtubos ng Diyos. Sa huli, kinondena at pinarusahan sana ang tao sa paglabag sa kautusan, at nang dumating ang Diyos sa mga huling araw, kung Jesus pa rin ang tawag sa Kanya, makakamit lamang ng tiwaling sangkatauhan ang katubusan ng kanilang mga kasalanan, nguni’t hindi kailanman malilinis upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Ito’y dahil sa ang mga tinubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad ang kanilang mga kasalanan, nguni’t umiiral pa rin ang kanilang likas na pagkamakasalanan. Palagi pa rin silang nagkakasala, kaya hindi sila lubusang makamit ng Diyos. Kaya’t upang lubusang mailigtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan, isinasagawa ngayon ng Diyos ang isa pang yugto ng gawain ng ganap na pagdadalisay at pagliligtas sa sangkatauhan, na nakasalig sa gawain ng Panginoong Jesus. Nagbabago uli alinsunod ang pangalan ng Diyos at nagiging Makapangyarihang Diyos. Pagdating sa Diyos na tinatawag na Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, talagang ipinropesiya ito ng Diyos noon pa. Basahin natin ang Pahayag 1:8: “Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.” At Pahayag 11:16–17: “At ang dalawangpu’t apat na matatanda na nakaupo sa kanikaniyang luklukan sa harapan ng Dios, ay nangagpatirapa, at nangagsisamba sa Dios, Na nangagsasabi, Pinasasalamatan ka namin, Oh Panginoong Dios, na Makapangyarihan sa lahat, na ikaw ngayon, at naging ikaw nang nakaraan; sapagka’t hinawakan mo ang iyong dakilang kapangyarihan, at ikaw ay naghari.” Ipinopropesiya din ito sa Pahayag 4:8, 16:7, 19:6 at sa marami pang lugar sa Biblia. Ang bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw ay ang Makapangyarihan sa lahat, ibig sabihin, Makapangyarihang Diyos.

Ang Diyos ay marunong na Diyos, at bawat bagay na ginagawa Niya ay may malaking kabuluhan. Ganap na kinakatawan ng pangalang Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawain at ang ipinapahayag Niyang disposisyon sa mga huling araw. Kung hindi personal na ibinunyag ng Diyos ang mga hiwagang ito sa atin, kahit ilang taon ang ginugol natin sa pagbabasa ng Biblia, hindi natin malalaman ang mga bagay na ito. Sama-sama nating basahin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon. Para magawa ang gawain sa mga huling araw, dapat ay may pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagkawasak upang matapos na ang kapanahunan. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na kapanahunan. Sa pangwakas na kapanahunan, hindi ba tatapusin ng Diyos ang kapanahunan? Upang mawakasan ang kapanahunan, dapat dalhin ng Diyos ang pagkastigo at paghatol kasama Niya. Tanging sa ganitong paraan na mawawakasan Niya ang kapanahunan. Ang layunin ni Jesus ay upang magpatuloy ang tao sa pag-iral, pamumuhay, at ang umiral sa mas maayos na paraan. Iniligtas Niya ang tao mula sa kasalanan nang sa gayon ay tumigil ang tao sa paglusong sa kasamaan at hindi na mamuhay pa sa Hades at impyerno, at sa pagligtas sa tao mula sa Hades at impyerno, hinayaan Niyang magpatuloy na mabuhay ang tao. Ngayon, ang mga huling araw ay dumating na. Lilipulin Niya ang tao at wawasakin nang lubusan ang sangkatauhan, na nangangahulugang babaguhin Niya ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Sa gayon, magiging imposible, sa mahabagin at mapagmahal na disposisyon sa nakaraan, na wakasan ng Diyos ang kapanahunan o maisakatuparan ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Ang bawat kapanahunan ay nagtatampok ng natatanging pagkatawan sa disposisyon ng Diyos, at ang bawat kapanahunan ay naglalaman ng mga gawain na nararapat isagawa ng Diyos. Kaya, ang gawaing ginawa ng Diyos Mismo sa bawat kapanahunan ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kanyang tunay na disposisyon, at ang Kanyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay parehong nagbabago kasabay ng kapanahunan; ang lahat ng ito ay bago. … Samakatuwid, sa Kapanahunan ng Kautusan, Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ni Jesus ay kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat, na gumagamit sa Kanyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, at sa huli, wakasan ang kapanahunan” (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Ako ay tinawag ding ang Mesiyas, at minsan na Akong tinawag ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas sapagka’t minahal at iginalang nila Ako. Subali’t ngayon hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao sa nakalipas na mga panahon—Ako ang Diyos na nagbalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magdadala sa kapanahunan sa katapusan. Ako ang Diyos Mismo na tumatayo sa mga dulo ng mundo, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan at kaluwalhatian. Kailanman ay hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao, kailanma’y hindi Ako nakilala, at palaging walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa pagkalikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isang tao ang nakakita na sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw nguni’t nakatago sa gitna ng tao. Siya ay naninirahan kasama ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Walang isa mang tao o bagay na hindi mahahatulan ng Aking mga salita, at walang isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, ang lahat ng bansa ay mapapagpala dahil sa Aking mga salita, at madudurog din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na bumalik, Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan, at para sa tao Ako ay minsang ang handog para sa kasalanan, subali’t sa mga huling araw Ako rin ay nagiging mga ningas ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ay ang Araw ng pagkamatuwid na nagbubunyag ng lahat ng bagay. Ganoon ang Aking gawain ng mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at angkin Ko ang disposisyong ito upang maaaring makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, at Ako ay ang nagliliyab na araw, at ang nagniningas na apoy. Ito ay gayon upang ang lahat ay maaaring sumamba sa Akin, ang tanging tunay na Diyos, at sa gayon maaaring makita nila ang Aking tunay na mukha: Ako ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, at hindi rin Ako basta ang Manunubos—Ako ang Diyos ng lahat ng nilikha sa buong kalangitan at lupa at karagatan” (“Ang Tagapagligtas ay Nakabalik na sa Ibabaw ng ‘Puting Ulap’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa mga huling araw, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol ng Kapanahunan ng Kaharian sa ilalim ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Inilantad Niya ang tiwaling kalikasan ng sangkatauhan at hinatulan ang ating di-pagkamakatuwiran sa pamamagitan ng Kanyang mga salita upang malaman natin ang ating kalikasan at ang ating diwa sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salitang ito, makita ang katotohanan kung gaano kalalim na tayong ginawang tiwali ni Satanas, maunawaan ang ugat ng ating katiwalian, at malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos na hindi magpapahintulot sa mga maling nagagawa ng sangkatauhan. Itinuturo din Niya sa atin ang landas at direksiyon para baguhin ang ating mga disposisyon upang talikuran natin ang masama, hanapin ang katotohanan, kamtin ang pagbabago ng disposisyon at mailigtas ng Diyos. Dumating ang Diyos para gawin ang paghatol at dalisayin ang sangkatauhan, hinahati ang mga tao ayon sa kanilang uri, at ginagantimpalaan ang mabuti at pinarurusahan ang masama, upang lubusang iligtas ang tiwaling sangkatauhan mula sa kasalanan at wakasan ang anim na libong taon ng plano ng pamamahala ng pagliligtas sa tao ng Diyos. Kaya nagpakita ang Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw taglay ang disposisyon ng pagkamakatuwiran, kamahalan, at poot na hindi magpapahintulot sa kamalian. Hayagan Niyang ipinakita ang Kanyang likas na disposisyon, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya sa lahat. Dumating Siya para hatulan at kastiguhin ang lahat ng katiwalian at di-pagkamakatuwiran ng tao sa gayong disposisyon, upang lubusan tayong iligtas mula sa kasalanan at ibalik ang orihinal na wangis ng tao. Nais Niyang makita ng lahat ng tao hindi lamang ang Kanyang karunungan sa paglikha ng kalangitan, ng lupa, at ng lahat ng bagay, kundi lalo na ang karunungan ng Kanyang praktikal na gawain sa sangkatauhan. Hindi lang Niya nilikha ang lahat ng bagay, kundi Siya rin ang namumuno sa lahat ng bagay. Hindi lamang Siya naging handog para sa kasalanan ng sangkatauhan, kundi kaya rin Niyang gawing perpekto, baguhin, at dalisayin ang tao. Siya ang Una, at ang Huli. Wala ni isang makaaarok sa Kanyang pagiging kahanga-hanga o sa Kanyang mga aksyon. Kaya’t angkop lang na tawagin ang Diyos sa Kanyang pangalan na Makapangyarihang Diyos. Ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon ay itaguyod lang ang gawain sa ilalim ng pangalan ng Makapangyarihang Diyos. Ang sinumang nagdarasal sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos at tunay na sumasamba sa Makapangyarihang Diyos ay makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu, at matatamasa ang mayamang pagtustos sa buhay at pagdidilig na bigay ng Diyos. Dahil kung hindi sila’y mahuhulog sa kadiliman at maliligaw ng landas. Sa ngayon, ang mga iglesiang nakadikit pa rin sa Kapanahunan ng Biyaya ay dumaranas ng kapanglawan. Ang mga nananalig ay nawawalan ng malasakit sa kanilang pananampalataya, walang maipangaral ang mga mangangaral, at hindi naaantig ang mga tao kapag nagdarasal sila sa Diyos. Dagdag pa rito, dumarami ang mga tao na nagpapatangay sa mga tukso ng daigdig. Ang pangunahing dahilan nito ay hindi pa nila natanggap ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos, at hindi sila nakaagapay sa bagong gawain ng Diyos.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Content

Baka Gusto Mo Rin