Ano ang kaibhan sa pagitan ng pag-unawa sa katotohanan at ng pag-unawa sa doktrina?

2018-04-20 42

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang makarating sa tunay na pagkaunawa sa aktuwal na kahulugan ng salita ng Diyos ay hindi simpleng bagay. Huwag kang mag-isip sa ganitong paraan: Naibibigay ko ang literal na kahulugan ng mga salita ng Diyos, at sinasabi ng lahat na mainam ito at sinasang-ayunan ako, nabibilang ito na pagkaunawa sa salita ng Diyos. Hindi ito tulad ng pag-unawa sa salita ng Diyos. Kung nakatamo ka na ng kaunting liwanag mula sa nakapaloob sa salita ng Diyos at nadarama mo na ang tunay na kabuluhan ng salita ng Diyos, kung maipapahayag mo ang kabuluhan ng salita ng Diyos at kung ano ang sukdulang makakamit ng mga ito, sa sandaling malinaw na ang lahat ng ito bilang pagkakaroon ng kahit paano’y pagkaunawa sa salita ng Diyos. Kaya, hindi ganoon kasimple ang pag-unawa sa salita ng Diyos. Hindi dahil lamang sa nakapagbibigay ka ng mabulaklak na paliwanag sa titik ng salita ng Diyos ay nangangahulugang nauunawaan mo ito. Gaano mo man maipaliliwanag ang titik ng salita ng Diyos ito pa rin ay guni-guni at paraan ng pag-iisip ng tao—walang silbi ito!

—mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Iniisip mo na partikular na mahalaga ang pagsasaulo ng kaalaman sa katotohanan, gayon din ang pagsasapuso ng mga talata ng mga salita ng Diyos. Ngunit kung paano nauunawaan ng mga tao ang salita ng Diyos ay hindi mahalaga. Iniisip ninyo na napakahalagang maisaulo ng mga tao ang marami sa mga salita ng Diyos, masambit ang maraming doktrina, at matuklasan ang maraming pormula sa loob ng mga salita ng Diyos. Samakatuwid, lagi mong gustong gawan ng sistema ang mga bagay na ito upang ang lahat ay umaawit mula sa isang himnong papel, nagsasabi ng parehong mga bagay, at nagsasalita ng parehong mga doktrina, kaya mayroon silang parehong kaalaman at sumusunod sa parehong mga tuntunin—ito ang inyong layon. Ang paggawa ninyo nito ay mukhang para sa kapakanan ng pagtamo ng mga tao ng pagkaunawa, ngunit sa kabaligtaran wala kayong ideya na ito’y pagdadala sa mga tao sa kalagitnaan ng mga tuntunin na nasa labas ng katotohanan ng mga salita ng Diyos. Upang hayaan ang mga tao na magkaroon ng tunay na pagkaunawa sa katotohanan, dapat iugnay mo ito sa realidad at sa gawain, at lutasin ang mga praktikal na problema ayon sa katotohanan ng mga salita ng Diyos. Tanging sa paraang ito nauunawaan ng mga tao ang katotohanan at nakakapasok sa realidad, at tanging ang pagkamit ng gayong resulta ang talagang pagdadala sa mga tao sa harap ng Diyos. Kung ang lagi mo lamang sinasabi ay tungkol sa mga teoryang espirituwal, mga doktrina, at mga tuntunin, kung nagsusumikap ka lamang sa mga literal na salita, ang makakamit mo lamang ay magawa ang mga tao na magsalita ng parehong bagay at sumunod sa mga tuntunin, nguni’t hindi mo makakayang gabayan ang mga tao na unawain ang katotohanan. Lalong hindi mo makakayang tulungan na mas maunawaan ng mga tao ang kanilang mga sarili, at makamit ang pagsisisi at pagbabago.

—mula sa “Kung Wala ang Katotohanan Madaling Magkasala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Kung nakabasa na kayo ng napakaraming salita ng Diyos nguni’t naiintindihan lamang ang kahulugan ng teksto at wala kayong personal na kaalaman sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng inyong praktikal na mga karanasan, hindi ninyo malalaman ang salita ng Diyos. Para sa iyo, ang salita ng Diyos ay hindi buhay, nguni’t mga titik lamang na walang buhay. At kung panghahawakan mo lamang ang mga titik na walang buhay, hindi mo mauunawaan ang diwa ng salita ng Diyos, ni hindi mo mauunawaan ang Kanyang kalooban. Tanging kapag naranasan mo ang Kanyang salita sa iyong mga tunay na karanasan saka pa lamang magbubukas nang kusa ang espirituwal na kahulugan ng salita ng Diyos sa iyo, at sa karanasan mo lamang mauunawaan ang espirituwal na kahulugan ng maraming katotohanan, at tanging sa pamamagitan lamang ng karanasan mo matutuklasan ang mga hiwaga ng salita ng Diyos. Kung hindi mo ito isasagawa, kung gayon gaano man kalinaw ang Kanyang salita, ang tanging bagay mong nauunawaan ay hungkag na mga titik at mga doktrina, na naging mga relihiyosong tuntunin sa iyo. Hindi ba ito ang ginawa ng mga Fariseo? Kung inyong isinasagawa at nararanasan ang salita ng Diyos, ito ay nagiging praktikal sa inyo; kung hindi ninyo hahangarin na isagawa ito, kung gayon ang salita ng Diyos sa iyo ay higit lang nang kaunti sa alamat ng ikatlong langit. …

… Ang tunay na pagkaunawa sa salita ng Diyos ay nangyayari kapag isinasagawa mo ang katotohanan, at dapat mong maunawaan na “sa pagsasagawa lamang sa katotohanan ito kailanman maaaring maintindihan.” Sa araw na ito, matapos mabasa ang salita ng Diyos, masasabi mo lamang na nalalaman mo ang salita ng Diyos, nguni’t hindi mo masasabi na naiintindihan mo ito. Sinasabi ng ilan na ang tanging paraan lamang upang isagawa ang katotohanan ay ang maunawaan muna ito, nguni’t ito ay kalahating tama lamang at hindi ganap na tumpak. Bago ka magkaroon ng kaalaman sa isang katotohanan, hindi mo pa nararanasan ang katotohanang iyon. Ang pakiramdam na naiintindihan mo ang isang bagay na iyong naririnig sa isang sermon ay hindi tunay na pagkaunawa, bagkus isa lamang pagkakaroon ng literal na mga salita ng katotohanan, at hindi kagaya ng pagkaunawa sa tunay na kahulugan doon. Nang dahil lamang sa mayroon kang mababaw na kaalaman sa katotohanan ay hindi nangangahulugan na naiintindihan mo talaga ito o kinikilala ito; ang tunay na kahulugan ng katotohanan ay nanggagaling mula sa pagkakaranas nito. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na kapag naranasan mo na ang katotohanan saka mo pa lamang ito mauunawaan, at kapag naranasan mo na ang katotohanan saka mo pa lamang mauunawaan ang mga nakatagong bahagi nito. Ang maranasan ito nang husto ay ang tanging paraan upang maunawaan ang mga kahulugan ng katotohanan, na maintindihan ang diwa nito.

—mula sa “Isagawa ang Katotohanan sa Sandaling Inyong Maunawaan Ito” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung ang kaalaman na sinasabi mo ay kaayon sa katotohanan ay pangunahing nakadepende sa kung ikaw ay may praktikal na karanasan. Kung saan mayroong katotohanan sa iyong karanasan, ang iyong kaalaman ay magiging praktikal at mahalaga. Sa pamamagitan ng iyong karanasan, magtataglay ka rin ng pagtalos at pananaw, napapalalim ang iyong kaalaman, at napatataas ang iyong karunungan at sentido komun sa pagdadala ng iyong sarili. Ang kaalaman na sinasabi ng mga tao na walang taglay na katotohanan ay doktrina, kahit gaano kataas. Ang ganitong uri ng tao ay maaaring napakatalino sa mga usaping may kinalaman sa laman ngunit hindi makakakilala sa mga espirituwal na mga usapin. Ito ay dahil ang ganitong mga tao ay walang kahit isang karanasan sa mga espirituwal na mga bagay. Ang mga ito ay mga taong hindi nililiwanagan sa mga espirituwal na mga bagay at hindi naiintindihan ang espiritu. Anuman ang aspeto ng kaalaman na sinasabi mo, hangga’t ito ay iyong katauhan, kung gayon ito ay iyong sariling karanasan, iyong tunay na kaalaman. Ang sinasabi niyaong mga nagsasalita lamang ng doktrina, iyan ay, yaong mga hindi nagtataglay ng katotohanan o realidad, ay masasabing kanila ring pagkatao, sapagkat ang kanilang doktrina ay nakakamtan lamang mula sa malalim na pagbubulay-bulay at ang bunga ng kanilang pag-iisip nang malalim, ngunit ito ay doktrina lamang, ito ay guni-guni lamang!

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Anumang hindi nagmumula sa iyong karanasan, kahit na ito ay nalaman mo mula sa mga aklat o mula sa karanasan ng ibang tao, ay nagiging doktrina para sa iyo. Kapag naranasan mo ito, at makakamtam mo ang resulta mula sa iyong karanasan, sa gayon ay makakamit mo ang tunay na pag-unawa, at ang mga salitang sinasabi mo kapag nagbabahagi ka ay magiging totoo; saka lamang ito magiging tunay na realidad. Tingnan kung paano sinasaliksik ng mga hindi naniniwala ang ilang teoriya: Nagsasaliksik lamang sila mula sa nakasulat, sinasaliksik nila ang mga doktrina at tinitimbang ang mga ito at pagkatapos ay gumagawa sila ng mga konklusyon. Pagkatapos basahin ang sipi ng mga salita ng Diyos, lalo na kung sila ay mga teologo, pastor, pati mga iskolar at mananaliksik ng teolohiya, hindi nila hinahanap ang katotohanan o hinahanap ang totoong pag-unawa sa Diyos mula sa karanasan. Sa halip, sila ay nag-iimbestiga at tinitimbang ang iba’t ibang mga teorya at sa dakong huli magkakaroon ng ilang mga konklusyon. Sa palagay mo ba ang mga konklusyon na kanilang nakamit ay tunay o ayon sa doktrina? Ang lahat ay doktrina. Ito ay dahil narating nila ang mga konklusyong ito batay sa pagsasaliksik sa espesyalistang teksto at hindi batay sa kanilang sariling karanasan. Ang mga konklusyon na narating mula sa literal na pananaliksik ng teksto at mula sa pananaliksik ng mga bagay na naitala sa Biblia, ay lumikha ng isang uri ng teoriya, na tinatawag na teoriya na teolohikal. Walang pag-unawa mula sa karanasan dito, at walang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Hinihigitan ng malalim na pag-unawa mula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu ang panlabas na anyo ng mga salita; hindi ito maaaring ipahayag sa anumang mababaw na wika. Liliwanagan at paliliwanagin ka lamang ng Banal na Espiritu kapag iyong hinahanap ang katotohanan pagkatapos mong makapasok sa karanasan. Ang mga bagay na nililiwanag at pinaliliwanag para sa iyo ng Banal na Espiritu ay mga bagay na pinakatunay at mga bagay na pinakatotoo para sa iyo, at ito ang mga bagay na hindi mo matatamo mula sa Biblia kahit gaano pa kapuspusan ang iyong pag-aaral dito. Kaya ngayon pinahihintulutan tayo ng Diyos na maranasan ang salita ng Diyos. Kung, sa ating karanasan sa salita ng Diyos, nililiwanagan tayo ng Banal na Espiritu, maaari nating matamo ang tunay na pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Ang tunay na pag-unawang ito ay hindi maaaring lumitaw kahit gaano mo pa pag-aralan ang literal na ibig sabihin ng mga salita ng Diyos; ito ay isang bagay na hindi maaaring maabot ng isipan ng tao, at isang bagay na hindi mo maiisip, kahit gaano mo ito subukan. Kaya, ang katotohanan na natanggap mula sa pamamatnubay, kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ay ay ang tunay na pag-unawa sa Diyos.

—mula sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay

Ano ba talaga ang pagkakaiba sa pagitan ng mga salita ng doktrina at ng katotohanan? Ang katotohanan ay ang mga makabuluhang bagay sa salita ng Diyos; kumakatawan ito sa kalooban ng Diyos. Ang mga salita ng doktrina ay nabibilang sa kategorya ng mga bagay na mababaw, at kumakatawan sa mga haka-haka at imahinasyon ng tao. Hindi naaayon ang mga ito sa katotohanan. Ang mga makabuluhang bagay ng katotohanan ay napaka-praktikal; may prinsipyo ang mga ito at talagang nakakakumbinsi. Kapag alam ng isang tao ang isang bagay na makabuluhan, naliliwanagan at lumalaya ang kanyang puso—at hindi na siya sumasailalim sa mga kahigpitan ng mga regulasyon. Sa kabilang dako, ang mga salita ng doktrina ay hungkag at hindi makatotohanan. Ang mga ito ay walang iba kundi mga regulasyon at kasunduan lamang, at lalo nang madaling makapigil sa mga tao at pakiramdam nila ay hindi sila malaya. Bukod pa riyan, gaano man karaming salita ng doktrina ang alam ng isang tao, hindi niyan babaguhin ang kanyang disposisyon sa buhay. Kakaunti ang pangunahing pakinabang ng mga ito sa mga tao. Samakatuwid, hindi talaga maikukumpara sa katotohanan ang mga salita ng doktrina. Ang katotohanan ay maaaring maging buhay ng isang tao. Sa sandaling tanggapin ng isang tao ang katotohanan, babaguhin nito ang disposisyon sa buhay. Ang pag-unawa sa maraming doktrina ay maaari lamang maghatid sa isang tao ng kayabangan, pagpapahalaga-sa-sarili, pagmamalaki, at kawalan ng katuturan. Kapag nabubuhay ang isang tao sa katotohanan, saka lamang nagiging totoo ang kanyang pagsasagawa. Gaano man karaming salita ng doktrina ang nauunawaan ng isang tao, hindi mapapasakanya ang realidad. Kapag may nakakaharap siyang isang isyu, hindi pa rin niya malalaman kung ano ang gagawin. Lahat ng taong ginagawang perpekto ng Diyos ay nagtataglay ng katotohanan, samantalang lahat ng taong hindi pa sumailalim sa pagpeperpekto ng Diyos ay mga tao ng mga salita ng doktrina. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay akmang gamitin ng Diyos. Nagbubunga ang kanilang gawain, at talagang kaya nilang dalhin ang iba sa presensya ng Diyos. Yaong mga nakatuon sa mga salita ng doktrina ay walang nakukuhang totoong mga resulta sa kanilang gawain. Hindi nila patuloy na mabibigyan ang mga tao ng pananatili ng tunay na karanasan at pagkaunawa, at lalong hindi nila magagamit ang katotohanan para lutasin ang mga problema. Kaya nga hindi nila nadadala ang iba sa presensya ng Diyos. Ang isang taong nagtataglay ng katotohanan ay hindi umiiwas sa mga taong naghahanap sa katotohanan, at nalulutas niya ang lahat ng praktikal na problema ng mga tao sa kanilang pananampalataya. Yaong mga nagbibigay-diin sa mga salita ng doktrina ay takot sa mga taong naghahanap sa katotohanan dahil wala silang totoong mga bagay sa kanilang kalooban, at ang mga doktrinang binabanggit nila ay hindi kayang lumutas ng aktuwal na mga problema. Sa gayon, hindi sila nangangahas na pagtanungin ang iba, at siyempre pa’y lalong hindi nila malulutas ang mga praktikal na paghihirap. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay nangangahas na harapin ang realidad; yaong mga nakatuon sa mga salita ng doktrina ay hindi nangangahas na harapin ang realidad, sa halip, iniiwasan nila ito. Gayon ang mga prinsipyo para makahiwatig sa pagitan ng katotohanan at ng mga salita ng doktrina.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Kaugnay na Content