41. Ano ang masasamang gawa? Ano ang mga pagpapamalas ng masasamang gawa?

2018-04-21 34

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang pamantayan kung paanong ang mga gawa ng isang tao ay tinitimbang bilang mabuti o masama? Nakasalalay ito kung ikaw man o hindi, sa iyong mga kaisipan, pagpapahayag, at pagkilos, ay may patotoo ng pagsasagawa ng katotohanan at pagsasabuhay ng realidad ng katotohanan. Kung wala ka ng realidad na ito o hindi isinasabuhay ito, walang duda na ikaw ay isang gumagawa ng masama.

—mula sa “Makakamtan Mo ang Katotohanan Matapos Ipagkaloob sa Diyos ang Iyong Tunay na Puso” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Kapag lagi kang namumuhay ayon sa laman, laging binibigyang-kasiyahan ang iyong sariling mga makasariling hangarin, kung gayon ang ganoong tao ay walang angking realidad ng katotohanan. Ito ang palatandaan ng isang nagdadala ng kahihiyan sa Diyos. Sinasabi mo, “Wala naman akong nagagawa; paano ko nadadalhan ng kahihiyan ang Diyos?” Sa iyong mga kaisipan at ideya, sa mga intensiyon, layunin at motibo sa likod ng mga pagkilos mo, at sa mga kinahihinatnan ng mga nagawa mo na—sa bawat paraan binibigyang-kasiyahan mo si Satanas, pinagtatawanan ka nito, at hinahayaan itong makaapekto sa iyo. Malayong may patotoo kang taglay na dapat sa isang Kristiyano. Pinawawalang-dangal mo ang pangalan ng Diyos sa lahat ng bagay at wala kang tunay na patotoo. Maaalala ba ng Diyos ang mga bagay na nagawa mo na? Sa katapusan, anong konklusyon ang mabubuo ng Diyos tungkol sa iyong mga kilos at sa tungkulin na iyong ginampanan? Hindi ba dapat may kalabasan iyan, isang uri ng pangungusap? Sa Biblia, sinasabi ng Panginoong Jesus, “Marami ang mangagsasabi sa akin sa araw na yaon, Panginoon, Panginoon, hindi baga nagsipanghula kami sa iyong pangalan, at sa pangalan mo’y nangagpalayas kami ng mga demonio, at sa pangalan mo’y nagsigawa kami ng maraming gawang makapangyarihan? At kung magkagayo’y ipahahayag ko sa kanila, Kailan ma’y hindi ko kayo nangakilala: magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.” Bakit sinabi ito ng Panginoong Jesus? Bakit naging masasama ang mga nagpapagaling ng maysakit at nagpapalayas ng mga demonyo sa pangalan ng Panginoon, naglalakbay para mangaral sa pangalan ng Panginoon? Sino ang masasamang ito? Sila ba ang mga hindi naniniwala sa Diyos? Lahat sila’y naniniwala at sumusunod sa Diyos. Sila rin ay nagsasakripisyo, ginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos, at ginagawa ang kanilang tungkulin. Gayunman, sa pagganap ng kanilang tungkulin kulang sila sa pagtatalaga at patotoo, kaya nauwi na ito sa paggawa ng masama. Kaya sinabi ng Panginoong Jesus. “Magsilayo kayo sa akin, kayong manggagawa ng katampalasanan.”

—mula sa “Makakamtan Mo ang Katotohanan Matapos Ipagkaloob sa Diyos ang Iyong Tunay na Puso” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Nakikita mo ang lahat ng pagkilos ng Diyos ngayon, ngunit ikaw pa rin ay lumalaban at mapanghimagsik at hindi nagpapasakop; nagtatago ka ng maraming bagay sa iyong kalooban at ginagawa kung ano ang naisin mo; sinusunod mo ang iyong sariling pagnanasa, at mga kagustuhan—ito ay pagsuway; ito ay paglaban. Ang paniniwala sa Diyos na isinasagawa para sa laman, para sa sariling mga pagnanasa, at para sa sariling mga kagustuhan, para sa mundo, at para kay Satanas, ay marumi; ito ay paglaban at pagsuway. Mayroong iba’t ibang uri ng paniniwala ngayon: Ang ilan ay naghahanap ng silungan mula sa sakuna, at ang ilan ay naghahanap upang makatanggap ng pagpapala, samantalang ang ilan ay nagnanais na maunawaan ang mga hiwaga at ang ilan pa ay sumusubok na makakuha ng salapi. Ang lahat ng ito ay paraan ng paglaban; ang lahat ng ito ay kalapastanganan! Ang sabihing ang isa ay nanlalaban o sumusuway—hindi ba’t ito’y tumutukoy sa mga bagay na ito? Maraming tao ngayon ang umaangal, bumibigkas ng mga reklamo o gumagawa ng mga paghatol. Ang lahat ng bagay na ito ay ginagawa ng masasama; ang mga ito ay panlalaban at pagsuway ng mga tao; ang mga ganoong tao ay pag-aari at sinakop ni Satanas.

—mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yaong mga kabilang sa mga kapatiran na palaging nagbubulalas ng kanilang pagiging negatibo ay mga sunud-sunuran kay Satanas at ginagambala nila ang iglesia. Isang araw ang mga taong ito ay kailangang maitiwalag at maalis. Sa kanilang paniniwala sa Diyos, kung ang mga tao ay hindi nagtataglay sa loob nila ng isang pusong gumagalang sa Diyos, kung sila ay walang puso na masunurin sa Diyos, kung gayon hindi lamang sa sila ay hindi makagagawa ng anumang gawain para sa Diyos, kundi sa kabaligtaran ay magiging mga tao na gumagambala sa gawain ng Diyos at mga sumusuway sa Diyos. Kapag ang isa na naniniwala sa Diyos ay hindi sumusunod sa Diyos o gumagalang sa Diyos bagkus ay sumusuway sa Kanya, kung gayon ito ang pinakamalaking kahihiyan para sa isang mananampalataya. Kung ang pagsasalita at pag-uugali ng isang mananampalataya ay palaging basta na lang at hindi-mapigilan gaya ng isang hindi-mananampalataya, kung gayon ang mananampalatayang ito ay mas masama pa kaysa hindi-mananampalataya; sila ay isang karaniwang demonyo. Yaong mga nasa iglesia na nagbubulalas ng kanilang makamandag, may-malisya na pananalita, yaong mga nasa kalagitnaan ng mga kapatiran na nagkakalat ng mga usap-usapan, pumupukaw ng kawalan-ng-pagkakaisa at bumubuo ng mga grupo ay dapat naitiwalag mula sa iglesia. Nguni’t dahil ngayon ay isang naiibang panahon ng gawain ng Diyos, ang mga taong ito ay hinihigpitan, sapagka’t sila ay tiyak na nakatalaga na para sa pag-aalis. Yaong mga nagawang tiwali ni Satanas ay lahat mayroong tiwaling disposisyon. Nguni’t samantalang ang ibang mga tao ay mayroong mga tiwaling disposisyon lamang mayroong mga iba na hindi kagaya nito, na hindi lamang sila mayroong tiwali at mala-satanas na disposisyon, kundi ang kanilang mga kalikasan ay sukdulang malisyoso. Ang lahat ng ginagawa at sinasabi ng ganitong uri ng mga tao ay hindi lamang nagpapahayag ng kanilang tiwaling mala-satanas na mga disposisyon, kundi sila mismo ang totoong diyablong Satanas.

—mula sa “Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang lahat ng iglesia ay mayroong mga tao na gumagambala sa iglesia, lahat ay mayroong mga kasaping umaantala sa gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay mga Satanas lahat na nagbabalatkayo sa pamilya ng Diyos. Ang ganitong uri ng mga tao ay natatanging mahusay sa panggagaya, magalang sila na dumarating sa harap Ko, tumatango at yumuyukod, nag-aasal na parang galising mga aso, inilalaan ang kanilang “lahat-lahat” nang sa gayon ay makamit ang kanilang sariling mga layunin, nguni’t ipinakikita ang kanilang pangit na mukha sa harap ng mga kapatiran. Kapag nakakakita sila ng sinuman na nagsasagawa ng katotohanan ay kanilang sinasalakay at tinutulak sila sa isang tabi; kapag nakakakita sila ng mga tao na mas mahirap talunin kaysa sa kanilang sarili, pinupuri nila at nakikipagbolahan sa kanila. Kumikilos na parang mga manlulupig sa loob ng iglesia. Maaaring sabihin na ang karamihan sa mga iglesia ay mayroong ganitong uri ng “lokal na tampalasang ahas,” ng ganitong uri ng “sipsip” sa gitna nila. Sila ay pumupuslit na magkakasama, nagkikindatan at palihim na nagsesenyasan sa isa’t isa, at walang sinuman sa kanila ang nagsasagawa ng katotohanan. Kung sino man ang pinakamakamandag sa kanila ay ang “punong demonyo,” at kung sino man ang mayroong pinakamataas na karangalan ay nangunguna sa kanila, dinadala ang kanilang bandila paitaas. Ang mga taong ito ay nagwawala sa loob ng iglesia, ikinakalat ang kanilang pagiging negatibo, pinakakawalan ang kamatayan, ginagawa ang anumang maibigan nila, at sinasabi ang anumang maibigan; walang nangangahas na pigilan sila, dahil puno ng mala-satanas na mga disposisyon. Sa sandaling sinisimulan nilang magsanhi ng kaguluhan, isang hangin ng kamatayan ang pumapasok sa loob ng iglesia. … Kung mayroong maraming lokal na napakasamang ahas sa isang iglesia, gayundin ang ilang maliliit na “langaw” na wala ni anumang pagtalos at sumusunod sa kanila, kung yaong mga nasa iglesia ay hindi pa rin maitatakwil ang mga tali at pagmamanipula ng mga ahas na ito pagkatapos nilang nakita ang katotohanan, kung gayon ang mga hangal na ito ay aalisin sa katapusan. Bagama’t ang maliliit na mga langaw na ito ay maaaring hindi nakagawa ng anumang bagay na malala, sila ay lalo pang mas tuso, lalo pang mas mapanlinlang at mahirap hulihin, at ang lahat ng kagaya nito ay maaalis. Walang isa man ang matitira!

—mula sa “Isang Babala sa Mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang inyong pandaraya, ang inyong kayabangan, ang inyong kasakiman, ang inyong labis na pagnanais, ang inyong pagtataksil, ang inyong hindi pagsunod—alin dito ang makatatakas sa Aking pansin? Akoý inyong pinaglalaruan, Ako’y inyong nililinlang, Ako’y inyong iniinsulto, Ako’y inyong dinaraya, Ako’y inyong kinikikilan para sa mga sakripisyo—paano makatatakas ang ganoong kasamaan sa Aking kaparusahan? Ang inyong masamang gawain ay isang patunay ng inyong pakikipag-alitan sa Akin, at patunay ng inyong hindi pagiging kaayon sa Akin. Bawat isa sa inyo ay naniniwala na kayo ay masyadong kaayon sa Akin, ngunit kung iyon ang kalagayan, kanino nauukol ang mga hindi mapabulaanang patunay na iyon? Naniniwala kayong nagtataglay kayo ng sukdulang katapatan at malasakit para sa Akin. Iniisip ninyong kayo ay napakabait, napakamahabagin at naglaan nang sobra para sa Akin. Sapat na sa tingin ninyo ang inyong mga nagawa na para sa Akin. Ngunit naihambing na ba ninyo ang mga paniniwalang ito laban sa inyong sariling pag-uugali? Sinasabi Kong kayo ay napakayabang, napakasakim, lubhang walang interes; ang mga panlilinlang na ginagamit ninyo sa Akin ay talagang tuso, at marami kayong napakasamang balak at napakasasamang paraan. Ang inyong katapatan ay masyadong kakaunti, ang inyong pagkamasigasig ay walang saysay, at ang inyong konsensya ay higit pang mas kulang. Napakaraming masamang hangarin sa inyong mga puso, at walang hindi saklaw nito, maging Ako. Ako ay pinagsarhan ninyo para sa kapakanan ng inyong mga anak, o ng inyong asawa, o ng inyong pangangalaga sa sarili. Sa halip na Ako ay inyong intindihin, iniintindi ninyo ang inyong pamilya, ang inyong mga anak, ang inyong katayuan, ang inyong kinabukasan, at ang inyong sariling kasiyahan. Kailan ninyo Ako inalala man lamang habang kayo’y nagsasalita o kumikilos? Kapag malamig ang panahon, bumabaling ang inyong saloobin sa inyong mga anak, mga asawa, o mga magulang. Kapag mainit ang panahon, ni hindi man lang Ako sumagi sa inyong mga isipan. Kapag ginagawa mo ang iyong tungkulin, iniisip mo ang iyong mga sariling interes, ang iyong sariling kaligtasan, ang mga miyembro ng iyong pamilya. Ano na ba ang iyong mga nagawa na para naman sa Akin? Kailan mo ba Ako naalala man lamang? Kailan mo ba inialay man lang ang iyong sarili, anuman ang kapalit, para sa Akin at sa Aking gawain? Nasaan ang patunay ng iyong pagiging kaayon sa Akin? Nasaan ang realidad ng iyong katapatan sa Akin? Nasaan ang realidad ng iyong pagsunod sa Akin? Kailan hindi naging tungkol sa pagtanggap ng biyaya mula sa Akin ang iyong mga layunin? Dinadaya at nililinlang ninyo Ako, pinaglalaruan ninyo ang katotohanan at itinatago ang pag-iral ng katotohanan, at ipinagkakanulo ang diwa ng katotohanan. Inilalagay ninyo ang inyong sarili sa gayong pakikipag-alitan sa Akin, kaya ano ang naghihintay sa inyo sa hinaharap? Sinisikap lamang ninyong maging kaayon sa malabong Diyos, at naghahanap lamang ng malabong paniniwala, ngunit hindi pa rin kayo kaayon kay Cristo. Hindi ba’t ang inyong paghahangad ng masama ay makatatanggap din ng kaparehong parusa gaya ng nararapat sa masama?

—mula sa “Dapat Mong Hanapin ang Paraan para Makaayon kay Cristo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Maaaring sa lahat ng iyong mga taon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka pa kailanman nakakapanumpa ng kahit sino o nakakagawa ng masama, ngunit sa iyong pakikisama kay Cristo, hindi ka makakapagsalita ng katotohanan, makakakilos nang may-katapatan, o makakasunod sa salita ni Cristo; sa ganyang lagay, sinasabi Ko na ikaw ang pinakamasama at pinakamalisyosong tao sa mundo. Maaaring pambihira ang iyong kabaitan at tapat ka sa iyong mga kamag-anak, kaibigan, asawa, anak, at magulang, at hindi kailanman nagsasamantala sa iba, ngunit kung hindi mo kayang umayon kay Cristo, kung hindi mo magawang makipag-ugnayan nang maayos sa Kanya, kahit pa iyong gugulin ang iyong lahat-lahat sa pagtulong sa iyong mga kapitbahay o sa masusing pag-aalaga sa iyong ama, ina, at mga miyembro ng iyong sambahayan, sasabihin Ko na masama ka pa rin, at bukod dito isa na puno ng tusong panlilinlang. Huwag isipin na kaayon mo si Cristo dahil lamang sa kasundo mo ang iba o gumagawa ka ng ilang mabubuting gawa. Sa palagay mo ba kayang dayain ng iyong mapagkawanggawang hangarin ang mga pagpapala ng Langit? Sa palagay mo ba ang paggawa ng ilang mabubuting gawa ay kahalili sa iyong pagsunod?

—mula sa “Yaong mga Hindi Kaayon ni Cristo ay Tiyak na mga Kalaban ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hindi na Ako magbibigay ng awa sa mga hindi nagbigay sa Akin kahit katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, sapagka’t ang awa Ko ay hanggang doon lamang. Bukod diyan, wala Akong pagkagusto kaninuman na minsan na Akong naipagkanulo, lalong hindi Ko gusto na makisama roon sa mga nagkakanulo ng mga hinahangad ng kanilang mga kaibigan. Ito ang disposisyon Ko, sinuman ang taong iyan.

—mula sa “Dapat Kang Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Bawat isa sa inyo ay nakaakyat na sa tuktok ng maraming tao; nakaakyat na kayo upang maging mga ninuno ng masa. Kayo ay sukdulang di-makatwiran, at kayo ay naghuhuramentado sa gitna ng lahat ng uod, naghahanap ng maginhawang dako at nagtatangkang lamunin ang mga uod na mas maliliit kaysa inyo. Kayo ay malisyoso at masama sa inyong mga puso, hinihigitan ang mga multo na nakalubog sa pusod ng dagat. Kayo ay namumuhay sa ilalim ng dumi ng hayop, ginagambala ang mga uod mula sa ibabaw hanggang ilalim hanggang sa wala ng katahimikan ang mga ito, nakikipag-away sa isa’t isa sa isang sandali at pagkatapos ay kakalma. Hindi ninyo alam ang inyong lugar, gayunma’y naglalaban-laban pa rin kayo sa isa’t isa sa dumi ng hayop. Anong mapapala ninyo mula sa ganyang pakikipagtunggali? Kung totoong mayroon kayong paggalang sa Akin sa inyong mga puso, paano ninyo magagawang mag-away-away sa Aking likuran? Kahit na gaano pa kataas ang iyong katayuan, hindi ba’t ikaw ay isa pa ring umaalingasaw na maliit na uod sa dumi ng hayop? Makakaya mo bang magpatubo ng mga pakpak at maging isang kalapati sa himpapawid? Kayo, mga umaalingasaw na maliliit na uod ay nagnanakaw ng mga handog mula sa altar Ko, si Jehova; sa paggawa noon, kaya ba ninyong masagip ang inyong nasira at bumagsak na reputasyon at maging ang hinirang na bayan ng Israel? Kayo ay mga walang-kahihiyang sawing-palad!

—mula sa “Kapag ang Mga Dahong Nalalaglag ay Bumalik sa Kanilang Mga Ugat Pagsisisihan Mo ang Lahat ng Kasamaang Iyong Nagawa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ano ang mga pagpapakita ng pagsasagawa ng lahat ng uri ng kasamaan? Ang unang pagpapakita ay nangyayari sa tahanan ng Diyos kapag hinuhusgahan ng isang tao ang Diyos at ang Kanyang gawain. Kasama rito ang madalas na pagkakaroon ng mga haka-haka tungkol sa Diyos at sa taong ginamit ng Banal na Espiritu. May ilang tao pa nga na nagkikimkim ng poot, nagpapalaganap ng pagkanegatibo at mga haka-haka tungkol sa Diyos sa lahat ng lugar, nagkakalat ng mga tsismis tungkol sa Diyos at sa taong ginagamit ng Banal na Espiritu upang linlangin ang mga taong hinirang ng Diyos at gambalain ang gawain ng tahanan ng Diyos. Ang mga ito ang pinakamatitinding kasamaan. Ito ang mga bagay na gumagambala at sumisira nang husto sa pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos at sa gawain ng tahanan ng Diyos. Ito ang dahilan kaya ito ang pinakamatitinding kasamaan. Lahat ng nakakagawa ng ganitong mga uri ng kasamaan ay yaong mga nagsasagawa ng lahat ng uri ng kasamaan. Ang ikalawang pagpapakita ay na ang ilang pinuno sa tahanan ng Diyos ay walang konsiderasyon sa kalooban ng Diyos at hindi ginagawa ang mahahalagang gawaing ipinagkakatiwala ng Diyos na gawin nila. Sa halip, sinisikap nilang patotohanan ang kanilang sarili at pangalagaan ang kanilang katayuan. Nagsasaayos sila ng mga katungkulan sa pamumuno sa lahat ng lebel sa tahanan ng Diyos para sa pinagkakatiwalaan nilang mga alalay at kasamahan. Ang ganitong klaseng tao ay nagsasagawa rin ng lahat ng uri ng kasamaan. Hindi sila nagsasaayos para sa mga tunay na naghahangad ng katotohanan at may gawain ng Banal na Espiritu; sa halip, inilalagay nila ang kanilang mga kasapakat, pinagkakatiwalaang mga alalay, at mga sipsip sa mahahalagang katungkulan sa gawain. Hindi ba ito naglalagay ng mga balakid at problema sa landas ng pagpasok sa buhay ng mga taong hinirang ng Diyos? Samakatuwid, ang gayong mga tao ay yaon ding mga nagsasagawa ng lahat ng uri ng kasamaan. Itinataas sila ng tahanan ng Diyos at hinahayaan silang maging mga pinuno, subalit nagpapatotoo sila sa kanilang sarili, nagpapasikat at ni hindi nagpapatotoo para sa Diyos o para sa lahat ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Hindi nila sinasabi ang katotohanan ng salita ng Diyos at hindi nila ginagabayan ang mga tao na makapasok sa katotohanan. Lagi nilang sinisikap na pangalagaan ang kanilang sariling katayuan, lagi silang nagsasalita alang-alang sa sarili nilang katayuan at reputasyon, pinangangalagaan nila ang kanilang sariling katayuan sa mga taong hinirang ng Diyos at ang kanilang katayuan sa puso ng pamunuan. Ang ganitong klaseng tao ay isang anticristo. Ang mga anticristo ay yaong mga tao na nagsasagawa ng lahat ng uri ng kasamaan. Ang ikatlong pagpapakita ay na may mga taong ginagampanan ang kanilang mga tungkulin nang walang anumang debosyon sa Diyos, laging padaskol, at sinusunod ang hilig ng kanilang laman at panlasa sa paggawa ng mga bagay-bagay. Ang resulta ay na naghahatid ang mga ito ng maraming problema sa gawain ng tahanan ng Diyos at nagiging dahilan ng malaking pagkalugi ng tahanan ng Diyos. Ang ganitong klaseng tao ay nagsasagawa ng lahat ng uri ng kasamaan. Ang ikaapat na pagpapakita ay na lahat ng hindi naghahangad sa katotohanan subalit ginagambala ang iba sa paghahangad sa katotohanan, na laging nagpapalaganap ng pagkanegatibo, at laging nagkakalat ng napakasasamang pananaw ng mga taong walang pananampalataya o mga relihiyoso para gambalain ang mga taong hinirang ng Diyos ay mga tao rin na nagsasagawa ng lahat ng uri ng kasamaan.

—mula sa “Paano Isinasaayos ng Diyos ang Katapusan ng Lahat ng Klase ng Tao” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay II

Ang Tatlumpung Masasamang Gawa ng Pang-aabala at Paggambala sa Gawain ng Diyos at Tuwirang Paglaban sa Diyos:

1. Ang kabiguang lubos na magtuon sa pagtupad sa tungkulin ng isang tao sa iglesia kundi sa halip ay nakikibahagi sa mga pagtatalo dahil sa inggit at mga pakikipagpaligsahan para sa katayuan na humahantong sa kaguluhan sa buhay-iglesia ay masamang gawa.

2. Ang pagpapasimula ng alitan, pagkakampi-kampi at paglikha ng mga kaguluhan na nauuwi sa paggugrupu-grupo sa loob ng iglesia at seryosong paggambala sa gawain ng iglesia ay masamang gawa.

3. Ang hindi pagmamahal sa katotohanan, pagkahilig gumawa ng kapilyuhan at pagpapasimula ng di-pagkakasundo, pagpapasimula ng alitan sa pagitan ng mga tao, at paggambala sa buhay-iglesia ay masamang gawa.

4. Ang pagsisinungaling, pandaraya at panlilinlang sa mga tao, madalas na pagbabaluktot sa mga katotohanan at paghahalo ng tama sa mali upang mag-udyok ng kaguluhan ay masamang gawa.

5. Ang pagkakalat ng kamalian at maling paniniwala para lituhin ang mga tao upang hindi nila mahanap ang katotohanan, maligaw sila ng landas, at kumabit sila kay Satanas at sa mga demonyo ay masamang gawa.

6. Ang pagkakalat ng pagiging negatibo at kamatayan, pagpapalaganap ng mga haka-haka para linlangin ang mga tao, paggambala sa buhay-iglesia, at pag-uudyok sa mga tao na manlamig at lumayo sa Diyos ay masamang gawa.

7. Kung alam na alam mo na wala kang realidad ng katotohanan, na wala kang mabuting pagkatao subalit pilit kang nakikipagpaligsahan para sa mga katungkulan sa pamumuno, na humahantong sa kaguluhan, ito ay masamang gawa.

8. Kapag iba ang asal mo kapag kaharap mo ang mga tao at iba naman kapag nakatalikod sila, at pakunwari kang sumusunod samantalang salungat ang mga kilos mo, na lumilinlang sa mga nakatataas at nakabababa sa iyo, at nagdodoble-kara ka para linlangin ang iba, ito ay masamang gawa.

9. Kapag hindi mo ibinabahagi ang katotohanan para lutasin ang mga problema, lagi mong inaatake ang mga kahinaan ng iba para turuan sila ng leksyon, at hinahamak mo ang iba, ito ay masamang gawa.

10. Ang pag-iisip palagi ng mga paglabag ng mga pinuno at manggagawa, hindi pagtrato sa kanila nang maayos at pag-impluwensya sa kanilang normal na gawain ay masamang gawa.

11. Sa gitna ng mga pagsugpo sa mga bulaang pinuno at manggagawa, ang pagpapahirap sa kanila, pagtatangkang ihantong sila sa kanilang kamatayan nang hindi sila binibigyan ng pagkakataong magsisi, at pagpapasimula ng kaguluhan ay masamang gawa.

12. Ang pagiging iresponsableng pinuno o manggagawa at pag-upu-upo lamang habang ginagambala ng masasama ang iglesia, at ang kabiguang pangalagaan ang gawain ng iglesia ay masamang gawa.

13. Ang hindi pagtupad ng isang tao sa kanyang tungkulin alinsunod sa mga pagsasaayos ng gawain para lutasin ang mga praktikal na problema at pagtutulot sa masasama na gambalain ang iglesia ay masamang gawa.

14. Ang seryosong paglabag sa mga pagsasaayos ng gawain at paggawa ng mga bagay sa sarili mong paraan, pagpipilit na labanan ang katotohanan hanggang sa huli, pamiminsala sa mga taong hinirang ng Diyos ay masamang gawa.

15. Kung hindi isinasagawa ng mga pinuno at manggagawa ang katotohanan kundi naghuhuramentado sila at ayaw nilang tanggapin ang pangangasiwa at pagbatikos ng mga taong hinirang ng Diyos, ito ay masamang gawa.

16. Kung ginagawa ng mga pinuno at manggagawa ang gusto nila at pinipili at ginagamit nila ang mga taong walang taglay na realidad ng katotohanan at hindi nila naisasagawa ang praktikal na gawain, na humahantong sa masamang epekto, ito ay masamang gawa.

17. Ang pagkataranta sa paggawa ng tungkulin sa tuwina nang wala ni katiting na epekto, na mas nakakapinsala kaysa nakakabuti at lubhang nakakaapekto sa gawain ng iglesia ay masamang gawa.

18. Hindi lamang ang hindi pagsasagawa ng katotohanan, kundi pati na ang pagpigil sa iba na gawin ang kanilang tungkulin at maghanda ng mabubuting gawa ay masamang gawa.

19. Ang pagtangging pakitunguhan at tabasan, hindi pagsunod sa utos, paggambala sa iglesia sa pamamagitan ng labis na kalupitan at paggawa ng anumang maibigan nang walang pagpipigil ay masamang gawa.

20. Ang patuloy na pagmamataas at pagpapatotoo sa sarili, pagbibigay ng hindi tapat na patotoo, at pagpapasikat para hangaan ng iba ay nasa grupo ng panlilinlang sa mga tao at ito ay masamang gawa.

21. Ang pakikipagkita at pakikipagsabwatan palagi sa masasama at balakyot na tao, pagsasalita palagi para sa kapakanan nila at paggambala sa gawain ng iglesia ay masamang gawa.

22. Ang pakikisama sa masasama sa pikit-matang pagpapasimula ng gulo, paggambala sa gawain ng iglesia at pag-impluwensya sa buhay-iglesia, at di-pagsisisi hanggang wakas ay masamang gawa.

23. Ang pag-aambisyon at paghahangad palagi ng katayuan, madalas na pagpapalaganap ng mga haka-haka upang linlangin ang iba at pakikipagpaligsahan para sa kapangyarihan sa iba’t ibang paraan ay masamang gawa.

24. Ang paggamit ng maruruming paraan para ipalaganap ang ebanghelyo, paglapastangan sa pangalan ng Diyos, pagkakaroon ng masamang epekto at pag-uudyok sa iba na masuklam ay masamang gawa.

25. Ang hindi pagmamalasakit sa mga taong nakamit nang maturuan ng ebanghelyo, pagiging lubos na iresponsable at pagkakaroon ng malubhang epekto sa gawain ng ebanghelyo ay masamang gawa.

26. Ang pagnanakaw ng mga handog, sakim na pagsasaya sa karangyaan, hindi pagsasagawa ng praktikal na gawain at malubhang pag-antala sa gawain ng iglesia ay masamang gawa.

27. Ang pagdispalko sa pondong pangkawanggawa at panlunas ng iglesia, paggamit ng pera ng bahay ng Diyos nang walang konsiyensya, pagiging tiwali at masamang tao na may masamang epekto ay masamang gawa.

28. Ang pagiging iresponsable sa pangangalaga sa mga handog sa bahay ng Diyos, pagbibigay ng mga handog sa mga bulaang pinuno, sa mga anticristo, at sa malaking pulang dragon ay masamang gawa.

29. Ang pagtataksil sa iglesia, pagtataksil sa mga kapatid, maging ang pag-aalok na magsilbi kay Satanas, at pagsubaybay at pagmamanman sa mga pinuno at manggagawa ay masamang gawa.

30. Ang patuloy na pagiging mahalay at masama, pakikibahagi sa kawalan ng delikadesa sa heteroseksuwal o homoseksuwal na aktibidad, paggambala sa buhay-iglesia at pagkakaroon ng masamang epekto ay masamang gawa.

—mula sa “Ang Mabubuting Gawa, Masasamang Gawa at Iba’t Ibang Kamaliang Kailangang Malinaw na Mahiwatigan ng mga Taong Hinirang ng Diyos” sa Mga Piling Salaysay Tungkol sa mga Isinaayos na Gawain ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Kaugnay na Content