Ano ang isang taong mapanlinlang? Bakit hindi makatatamo ng pagliligtas ang mga taong mapanlinlang?

2018-04-20 92

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Kung masyado kang mapanlinlang, magkakaroon ka ng mapagsaalang-alang na puso at mga kaisipan ng pagdududa kaugnay sa lahat ng bagay at lahat ng tao. Dahil dito, ang iyong pananampalataya sa Akin ay itinatayo sa pundasyon ng paghihinala. Ang ganitong uri ng pananampalataya ang hindi Ko kailanman kikilalanin. Kung wala ang tunay na pananampalataya, ikaw ay mas mapapalayo sa tunay na pag-ibig. At kung kaya mong pagdudahan ang Diyos at sadyang naghahaka-haka tungkol sa Kanya, walang kaduda-dudang ikaw kung gayon ang pinakatusong tao. Nagbabakasakali ka kung ang Diyos ba ay maaaring katulad ng tao: makasalanang di-mapapatawad, makitid ang utak, walang katarungan at katwiran, walang pagpapahalaga sa hustisya, mahilig sa masasamang taktika, traidor at tuso, nalulugod sa kasamaan at kadiliman, at iba pa. Hindi ba ang dahilan kaya may ganitong kaisipan ang tao ay dahil sa wala ni katiting na kaalaman ang tao tungkol sa Diyos? Ang ganitong uri ng pananampalataya ay kapareho din ng kasalanan! Higit pa rito, mayroong iba pang naniniwala na ang kinalulugdan Ko ay walang iba kundi yaong mga nanlalangis at nambobola, at yaong mga hindi sanay sa mga bagay na ito ay hindi magiging katanggap-tanggap at hindi mananatili sa kanilang kalagayan sa tahanan ng Diyos. Ito bang lahat ang kaalaman na inyong natutuhan sa loob nitong maraming taon? Ito ba ang inyong natamo? At ang kaalaman ninyo tungkol sa Akin ay hindi natatapos sa mga maling pagkaunawang ito; mas masama pa ay ang inyong paglapastangan laban sa Espiritu ng Diyos at panlalait sa Langit. Kaya’t sinasabi Ko na ang ganitong uri ng inyong pananampalataya ang magiging sanhi ng inyong lalo pang paglayo sa Akin at mas higit pang pagsalungat laban sa Akin.

—mula sa “Paano Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Lahat ng naniniwala sa Diyos nguni’t hindi naghahangad ng katotohanan ay walang paraan upang makatakas mula sa impluwensiya ni Satanas. Lahat sila na hindi namumuhay ng kanilang buhay nang may katapatan, na umaasal sa isang paraan kapag nasa harap ng iba ngunit sa isa pang paraan kapag nasa likod nila, na nagpapakita ng pagpapakumbaba, pagtitiyaga, at pag-ibig habang sa diwa sila ay mapanira, tuso, at walang katapatan sa Diyos—ang mga taong ito ang mga tipikal na kinatawan ng mga namumuhay sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Sila ay kauri ng mga ulupong. Sila na ang paniniwala sa Diyos ay palaging para sa kanilang sariling mga pakinabang, mga mapagmagaling at mayayabang, na ipinangangalandakan ang kanilang mga sarili, laging pinangangalagaan ang kanilang sariling katayuan ay mga taong umiibig kay Satanas at sumasalungat sa katotohanan. Nilalabanan nila ang Diyos at lubusang nabibilang kay Satanas. Sila na hindi nakatuon ang pansin sa mga pasanin ng Diyos, hindi naglilingkod sa Diyos nang buong-puso, laging nagmamalasakit sa kanilang mga sariling interes at sa interes ng kanilang pamilya, hindi kayang iwanan ang lahat upang gumugol para sa Diyos, hindi kailanman namuhay nang naaayon sa mga salita ng Diyos ay namumuhay sa labas ng mga salita ng Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi tatanggap ng papuri ng Diyos.

—mula sa “Tumakas Mula sa Impluwensiya ng Kadiliman at Makakamit Ka ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kalaunan, sa daan sa unahan, hindi kayo dapat lumikha ng katusuhan o sumali sa panlilinlang at kabuktutan, kung hindi, magiging di-maubos-maisip ang kahihinatnan! Hindi ninyo pa rin nauunawaan kung ano ang panlilinlang at kabuktutan. Anumang mga pagkilos o mga pag-uugali na hindi ninyo maipapakita sa Akin, na hindi ninyo hayagang mailalantad ay panlilinlang at kabuktutan. Dapat maunawaan ninyo ito ngayon! Kung sasali kayo sa panlilinlang at kabuktutan sa hinaharap, huwag magkunwaring hindi nakauunawa, iyan ang sinasadyang paggawa ng mali, para maging higit na makasalanan. Maghahatid lang ito sa inyo sa pagsunog sa apoy, o mas malubha pa, pagkapahamak ng inyong mga sarili.

—mula sa “Kabanata 45” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Palaging iwinawagayway ng ilang tao ang bandila ng iglesia maging anuman ang kanilang ginagawa; ang katotohanan ay para ito sa kanilang sariling pakinabang. Ang gayong uri ng tao ay hindi nagtataglay ng tamang uri ng layunin. Siya ay buktot at mapanlinlang at karamihan sa mga bagay na kanyang ginagawa ay upang hangarin ang kanyang sariling personal na pakinabang. Hindi hinahangad ng ganitong uri ng tao ang pag-ibig sa Diyos; ang kanyang puso ay pag-aari pa rin ni Satanas at hindi mababaling sa Diyos. Walang paraan upang makamit ng Diyos ang gayong uri ng tao.

—mula sa “Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may diwa ng katapatan, kaya’t ang Kanyang salita ay palaging mapapagkatiwalaan. Higit pa, ang Kanyang mga pagkilos ay walang kapintasan at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos yaong mga lubos na matapat sa Kanya. … Dapat mong malaman kung mayroong totoong pananampalataya at totoong katapatan sa iyong kalooban, kung ikaw ay may tala ng pagdurusa para sa Diyos, at kung nakapagpasakop ka na nang ganap sa Diyos. Kung wala ka ng mga ito, kung gayon nananatili sa iyong kalooban ang pagiging masuwayin, ang panlilinlang, kasakiman, at pagdaing. Dahil ang iyong puso ay malayo sa katapatan, hindi ka kailanman nakatanggap ng positibong pagkilala mula sa Diyos at hindi kailanman nakapamuhay sa liwanag. Kung ano ang magiging kapalaran ng isa sa katapusan ay nakabatay sa kung siya ay may pusong matapat at simpula ng dugo, at kung siya ay may dalisay na kaluluwa. Kung ikaw ay isang taong lubhang hindi matapat, may pusong masama ang hangarin, at marumi ang kaluluwa, nakatitiyak ka na hahantong ka sa lugar kung saan ang tao ay pinarurusahan, tulad ng nakasulat sa talaan ng iyong tadhana. Kung inaangkin mo na ikaw ay lubhang matapat, subalit hindi ka kailanman makakilos alinsunod sa katotohanan o makapagsabi ng isang katotohanan, naghihintay ka pa rin ba na gantimpalaan ka ng Diyos? Inaasahan mo pa rin ba na ituturing ka ng Diyos na katangi-tangi sa Kanyang mata? Hindi ba’t ang pag-iisip na ito ay walang katuturan? Nililinlang mo ang Diyos sa lahat ng bagay, kaya paanong matatanggap ng tahanan ng Diyos ang isang tulad mo, na marumi ang mga kamay?

—mula sa “Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

“Kung ayaw na ayaw mong ilantad ang iyong mga lihim—ibig sabihin, ang iyong mga paghihirap—sa harap ng iba upang sa gayon ay hanapin ang daan ng liwanag, kung gayon ay sinasabi Ko na ikaw ay isa na hindi madaling makakatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon mula sa kadiliman.” Dito ipinagkaloob na ng Diyos sa mga tao ang isang landas ng pagsasagawa, at kung hindi ka nagsasagawa sa ganitong paraan, at humihiyaw ka lang ng mga sawikain at doktrina, hindi ka madaling tatanggap ng kaligtasan. Nakaugnay nga ito sa kaligtasan. Para sa bawat isang tao, napakahalaga ng maligtas. Natukoy na ba ito ng Diyos sa iba pa mang dako? Saanman, bihira lang Niyang tinutukoy ang kahirapan ng maligtas, nguni’t nagsasabi Siya tungkol dito kapag nagsasalita tungkol sa pagiging tapat: Kung hindi ka kumikilos sa ganitong paraan, kung gayon isa kang napakahirap iligtas. “Ang hindi pagtanggap nang madali sa pagliligtas” ay nangangahulugang mahirap para sa iyo ang mailigtas at wala kang kakayanang tahakin ang tamang landas sa kaligtasan, at sa gayon imposibleng iligtas ka. Sinasabi ito ng Diyos upang magbigay sa mga tao ng kaunting kaluwagan; iyan ay, hindi ka madaling iligtas, nguni’t sa kabilang banda, kung isinasagawa mo ang mga salita ng Diyos, magkakaroon ka ng pag-asa at maililigtas ka. Kung hindi mo isinasagawa ang mga salita ng Diyos, at kung hindi mo kailanman sinusuri ang iyong sariling mga lihim o mga paghihirap, o hindi kailanman sinasabi kaninuman ang mga pribadong bagay na ito o nagbubukas sa mga tao tungkol sa mga ito, hindi kailanman nakikipagniig sa mga tao tungkol sa mga ito, o sinusuri ang mga ito kasama ang mga tao upang ilantad ang iyong sarili, kung gayon walang posibilidad na ikaw ay maligtas. At bakit ganyan? Kung hindi mo inilalantad ang sarili mo o sinusuri ang iyong sarili sa ganitong paraan, hindi kailanman mababago ang iyong tiwaling disposisyon. At kung hindi mo kayang magbago, kalimutan mo na ang tungkol sa kaligtasan. Ito ang ibig sabihin ng Diyos sa pagsasabi ng mga salitang ito, at ito ang kalooban ng Diyos.

Bakit palaging binibigyang-diin ng Diyos na ang mga tao ay dapat maging matapat? Dahil napakahalaga nito, at tuwiran itong nauugnay sa kung ikaw man ay maililigtas o hindi. … Nais ng Diyos ang mga tao na matapat. Kung hindi ka dalisay—kung ikaw ay taksil, liko, at mapaminsala—kung gayon hindi ka isang taong matapat, at kung hindi ka isang taong matapat, walang pagkakataon na ililigtas ka ng Diyos, at walang posibilidad na maligtas ka.

—mula sa “Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sa Akin ang lahat ay matuwid at lubusang walang di-pagkamakatuwiran, walang pandaraya, at walang kabuktutan; sinuman ang liko at mapanlinlang ay tiyak na anak ng impiyerno—tiyak na ipinanganak sa Hades. Sa Akin lahat ay lantad; anuman ang Aking sabihing tutuparin ay natutupad at anumang Aking sabihing itatatag ay naitatatag, at walang sinumang makapagbabago o makagagaya sa mga bagay na ito dahil Ako ang nag-iisa at tanging Diyos Mismo.

—mula sa “Kabanata 96” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Ang mga taong mapanlinlang ay hindi lamang nililinlang ang ibang mga tao, kundi nililinlang din nila ang Diyos dahil likas iyon sa kanila. Makikita natin ang kanilang likas na pagkatao sa ugaling ipinapakita ng mga taong mapanlinlang sa salita ng Diyos: Palagi silang nagdududa sa salita ng Diyos, at hindi sila naniniwala rito. Sa puntong ito, lubos na magkaiba ang mga taong mapanlinlang at ang matatapat na tao. Ang matatapat na tao lalo na ay hindi maarte. Naniniwala sila sa anumang sabihin ng Diyos, sinusunod nila ang anumang sabihin Niya, at ginagawa nila ang anumang ipagawa Niya. Samakatuwid ay gusto at pinagpapala ng Diyos ang matatapat na tao; sila ang mga taong pinakamadaling magtamo ng gawain ng Banal na Espiritu. Lubos na kabaligtaran niyan ang taong mapanlinlang. Anuman ang sabihin ng Diyos, laging naghihinala ang isang taong mapanlinlang na ito ay isang kasangkapan, na ito ay karunungan, kaya hindi nila ito madaling matanggap at maisagawa. Ang mga taong mapanlinlang ay hindi lamang nagdududa sa salita ng Diyos, kundi magaling din sila sa pag-aaral ng gawain ng Diyos. Lagi nilang sinusubukang hulaan ang tunay na mga motibo ng Diyos para maaaring makipagtawaran sila. Malinaw na napakahusay makipagtawaran ng mga taong mapanlinlang. Ang pilosopiya nila ay ang pilosopiya ng pakikipagtawaran, ang pilosopiya ng walang pagkalugi. Nasubukan pa nga nilang pakikitungo sa Diyos tungkol sa kanilang pananampalataya. Lagi nilang pinoproblema kung pagpapalain ba sila o isusumpa sa kanilang pananampalataya, at mas inaalala nila kung sila ba ay mga tao ng Diyos o mga tagapagsilbi. Lagi silang nagdududa, at anumang araw na hindi malinaw sa kanila ang isyung ito, hindi sila mapapanatag para hanapin ang buhay. Ang mga taong mapanlinlang ay tusong mga lobo, at pinakatuso sa lahat ng tao. Dahil dito, mga taong mapanlinlang ang kinamumuhian ng Diyos sa lahat, at ayaw Niyang paghirapan pa sila o kausapin pa sila. Ang mga taong mapanlinlang ay palaging naghahanap ng mali sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos; sinusuri nila ang Kanyang mga salita sa paghahanap ng mga kapintasan sa lohika at mga bagay na mapagtatalunan. Dahil ang pag-unawa ng mga taong mapanlinlang sa mga salita ng Diyos ay may bahid ng pagdududa, paghihimagsik, paglaban, at kawalan ng paniniwala, walang-wala silang gawain ng Banal na Espiritu. Wala silang natatamo ni katiting na kaliwanagan kapag nagbabasa ng Kanyang mga salita, at nagmumukha silang masyadong katawa-tawa at hindi sanay. Sa katunayan, wala talagang mga magkakakontra sa mga salita ng Diyos, ngunit naghahanap sila ng maraming makikitaan ng mga magkakakontra at nagkakaproblema sila. Lalong ipinapakita nito ang kanilang kahabag-habag na kawalan ng kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Sa ugali ng mga taong mapanlinlang sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos, makikita natin na likas na likas sa pagkatao nila ang kademonyohan na lumalaban sa Diyos. Lahat ng umuunawa sa salita ng Diyos nang may pagdududa at kawalan ng paniniwala ay talagang mga taong mapanlinlang na siguradong walang matatamong katotohanan mula sa mga salita ng Diyos, at maaalis lang sila sa huli.

—mula sa Ang Pagbabahagi mula sa Itaas

Kaugnay na Content