20. Ano ang isang walang pananalig?

2018-04-20 21

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manampalataya sa lahat ng salita ng Diyos at sa Kanyang buong gawain. Ibig sabihin niyan, yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo ito nakakayang gawin, kung gayon hindi na mahalaga kung naniniwala ka man sa Diyos. Kung naniwala ka na sa Diyos sa loob ng maraming taon, datapwa’t hindi pa kailanman nakasunod sa Kanya o natanggap ang lahat ng Kanyang mga salita, bagkus ay hiningi sa Diyos na magpasakop sa iyo at kumilos ayon sa iyong mga pagkaunawa, kung gayon ikaw ang pinaka-mapanghimagsik sa mga tao, at ikaw ay isang hindi mananampalataya. Paano na ang isang gaya nito ay nakakayang sumunod sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga pagkaunawa ng tao?

—mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Lahat ng nagtataglay ng maling pagkaunawa ukol sa mga salita ng Diyos ay mga hindi mananampalataya. Wala silang anumang totoong kaalaman, lalo na ang anumang totoong tayog; mga taong mangmang sila na walang realidad. Iyon ay, lahat ng nabubuhay sa labas ng diwa ng mga salita ng Diyos ay mga hindi mananampalataya. Yaong mga itinuturing na hindi mananampalataya ng mga tao ay mga hayop sa mga mata ng Diyos, at yaong mga ibinibilang na mga hindi mananampalataya ng Diyos ay yaong mga walang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay. Kung gayon, yaong mga hindi tinataglay ang realidad ng mga salita ng Diyos at bigong maisabuhay ang mga salita ng Diyos ay mga hindi mananampalataya.

—mula sa “Tanging ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Pagkakaroon ng Realidad” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

May ilang tao na ang paniniwala ay hindi kailanman kinikilala sa puso ng Diyos. Sa ibang salita, hindi kinikilala ng Diyos na mga tagasunod Niya ang mga taong ito, sapagka’t hindi pinupuri ng Diyos ang kanilang paniniwala. Para sa mga taong ito, gaano man karami ang taon na pagsunod nila sa Diyos, hindi kailanman nagbago ang kanilang mga ideya at pananaw. Katulad nila ang mga di-mananampalataya, sumusunod sila sa mga prinsipyo at paraan ng paggawa ng mga bagay ng mga di-mananampalataya, sumusunod sila sa kanilang mga batas ng kaligtasan at paniniwala. Hindi nila kailanman tinanggap ang salita ng Diyos bilang kanilang buhay, hindi sila kailanman naniwala na ang salita ng Diyos ay katotohanan, hindi kailanman nilayon na tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, at hindi nila kailanman kinilala ang Diyos bilang kanilang Diyos. Itinuturing nilang libangan ang pagsampalataya sa Diyos, itinuturing nila ang Diyos bilang isa lamang na espirituwal na pagkain, kaya hindi nila inisip na mahalagang subukan at unawain ang disposisyon ng Diyos o diwa ng Diyos. Maaari mong sabihin na ang lahat na tumutugma sa tunay na Diyos ay walang kinalaman sa mga taong ito. Hindi sila interesado, at hindi sila mag-aabalang makinig. Dahil sa kailaliman ng kanilang mga puso ay mayroong isang malakas na tinig na palaging nagsasabi sa kanila: Ang Diyos ay hindi nakikita at hindi nahihipo, at ang Diyos ay hindi umiiral. Naniniwala sila na pagsasayang lamang ng kanilang pagsisikap ang pagsubok na unawain ang ganitong uri ng Diyos; panloloko lamang ito sa kanilang mga sarili. Kinikilala lamang nila ang Diyos sa mga salita, at wala silang anumang tunay na paninindigan. Wala rin silang ginagawang kahit anong mga praktikal na tuntunin, sa pag-iisip na sila ay matatalino. Ano ang pananaw ng Diyos sa mga taong ito? Itinuturing Niya silang mga di-mananampalataya. Tinatanong ng ilang tao: “Maaari bang basahin ng mga di-mananampalataya ang salita ng Diyos? Maaari ba nilang gawin ang kanilang tungkulin? Maaari ba nilang sabihin ang mga salitang ito: ‘Ako ay mabubuhay para sa Diyos’?” Ang madalas nakikita ng mga tao ay ang pakunwari na ipinakikita ng mga tao, hindi ang kanilang diwa. Nguni’t hindi tumitingin ang Diyos sa pakunwari na mga pagpapakita; nakikita lamang Niya ang kanilang panloob na diwa. Kaya, ang Diyos ay may ganitong uri ng saloobin, ganitong uri ng kahulugan, sa mga taong ito.

—mula sa “Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang ilang tao ay hindi nagagalak sa katotohanan, lalo na sa paghatol. Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at mga kayamanan; ang mga taong ito’y tinatawag na mga taong gustong maging makapangyarihan. Hinahanap lamang nila ang mga denominasyon sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng daan ng katotohanan, nananatili silang may pag-aalinlangan at hindi nila mailaan ang kanilang mga sarili nang lubusan. Nagsasalita sila ng pagsasakripisyo para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatitig sa mga dakilang pastor at mga guro, at isinasantabi si Cristo. Punong-puno ang kanilang mga puso ng kasikatan, kayamanan at karangalan. Talagang hindi sila naniniwala na ang isang ganoong kaliit na tao ay may kakayahan ng panlulupig ng napakarami, na ang isang hindi kapansin-pansin ay may kakayahang gawing perpekto ang mga tao. Talagang hindi sila naniniwala na itong mga walang saysay na taong kasama sa mga alikabok at mga tambak na dumi ay ang mga taong pinili ng Diyos. Naniniwala sila na kung ang mga tulad ng mga taong ito ang layunin ng pagliligtas ng Diyos, kung ganoon ang langit at lupa ay mababaliktad at lahat ng tao ay magtatawanan nang malakas. Naniniwala sila na kung pinili ng Diyos ang gayong walang saysay na mga tao na maging perpekto, kung ganoon ang mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang kanilang mga pananaw ay nababahiran ng di-pananampalataya, sa katunayan, sa halip na di-pananampalataya, ang mga ito ay malaking kahibangang mga halimaw. Sapagkat ang pinahahalagahan lamang nila ay posisyon, reputasyon at kapangyarihan; kanilang pinag-uukulan ng mataas na pagpapahalaga ang malalaking grupo at mga denominasyon. Talagang wala silang pagsasaalang-alang para sa mga pinangungunahan ni Cristo; sila ay mga traydor lamang na tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.

Hindi ang pagpapakumbaba ni Cristo ang iyong hinangaan, kundi ang mga huwad na pastol na may prominenteng katayuan. Hindi mo minamahal ang pagiging kaibig-ibig o karunungan ni Cristo, kundi ang mga walang pakundangang nauugnay sa malaswang mundo. Tinatawanan mo ang mga pasakit ni Cristo na walang lugar para pagpatungan ng Kanyang ulo, ngunit hinahangaan ang mga bangkay na kumakamkam ng mga pag-aalay at namumuhay sa kahalayan. Hindi ka handang magdusa sa tabi ni Cristo, kundi masayang pumupunta sa mga bisig ng mga padalus-dalos na anticristo bagama’t tinutustusan ka lamang nila ng laman, mga titik at pagkontrol. Kahit ngayon, tumatalima pa rin patungo sa mga ito ang iyong puso, sa kanilang reputasyon, sa kanilang katayuan, at sa kanilang impluwensya. Ngunit patuloy ang ugali mo na nahihirapan kang paniwalaan ang gawain ni Cristo at ayaw mong tanggapin ito. Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na wala kang pananampalataya ng pagkilala kay Cristo. Sinusunod mo lamang Siya magpahanggang ngayon dahil wala ka nang ibang magagawa. Nag-uumapaw sa puso mo ang matatayog na larawan magpakailanman; hindi mo makakalimutan ang kanilang bawat salita at gawa, maging ang kanilang maimpluwensiyang mga salita at mga kamay. Nasa puso ninyo sila, kataas-taasan magpakailanman at mga bayani magpakailanman. Ngunit hindi ito para sa Cristo sa panahong ito. Wala Siyang kabuluhan magpakailanman sa iyong puso at di-karapat-dapat sa paggalang magpakailanman. Sapagka’t napaka-karaniwan Niya, may lubhang napakaliit na impluwensya, at malayo sa napakatayog.

Magkagayunman, sinasabi Ko na lahat ng hindi nagpapahalaga sa katotohanan ay walang paniniwala at taksil sa katotohanan. Ang mga ganitong tao ay hindi kailanman makatatanggap ng pagsang-ayon ni Cristo.

—mula sa “Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kung ang mga tao, sa kanilang pananalig sa Diyos, ay hindi madalas mapalugod ang Diyos, wala silang takot sa Diyos sa kanilang puso, kaya hindi nila malayuan ang kasamaan. Magkakaugnay ang mga ito. Kung madalas mong napapalugod ang Diyos sa puso mo, mapipigilan ka, at matatakot sa Diyos sa maraming bagay. Hindi ka gaanong makakalayo, o gagawa ng anumang bagay na napakasama. Hindi mo gagawin yaong kinamumuhian ng Diyos, at hindi ka magsasalita nang walang katuturan. Kung tinatanggap mo ang obserbasyon ng Diyos, at ang Kanyang pagdidisiplina, iiwasan mong gumawa ng maraming bagay na masama—at sa gayon ay lalayuan mo ang kasamaan, tama ba? Kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, madalas kang nasa isang litong kalagayan, hindi alam kung nasa puso mo man ang Diyos, hindi alam kung ano ang gusto mong gawin sa puso mo, at kung hindi mo kayang maging mapayapa sa harapan ng Diyos, at hindi nananalangin sa Diyos o hinahanap ang katotohanan kapag may nangyayari sa iyo, kung madalas kang kumikilos ayon sa sarili mong kalooban, namumuhay ayon sa iyong mala-satanas na disposisyon at inihahayag ang iyong mapagmataas na disposisyon, at kung hindi mo tinatanggap ang pagsisiyasat ng Diyos o pagdidisiplina ng Diyos, at hindi mo sinusunod ang Diyos, kung gayon ang mga taong tulad nito’y laging namumuhay sa harap ni Satanas at kontrolado ng kanilang mala-satanas na disposisyon. Ang gayong mga tao samakatuwid ay wala kahit katiting na paggalang sa Diyos. Talagang hindi nila kayang layuan ang kasamaan, at kahit hindi sila gumagawa ng masama, lahat ng iniisip nila ay masama pa rin, at wala itong ugnayan sa katotohanan at sumasalungat sa katotohanan. Kung gayon ang mga gayong tao ba ay pangunahing walang ugnayan sa Diyos? Kahit sila’y pinamumunuan ng Diyos, hindi sila kailanman nag-uulat sa harap ng Diyos, hindi nila kailanman itinuturing ang Diyos bilang Diyos, hindi nila kailanman itinuturing ang Diyos bilang ang Lumikha na namumuno sa kanila, hindi nila kailanman kinikilala na ang Diyos ay kanilang Diyos at kanilang Panginoon, at hindi nila kailanman isinasaalang-alang na sambahin ang Diyos ng kanilang puso. Ang gayong mga tao ay hindi nakauunawa kung ano ang ibig sabihin ng matakot sa Diyos, at iniisip nilang karapatan nilang gumawa ng masama, sinasabing: “Gagawin ko ang gusto ko. Bahala ako sa sarili ko, walang pakialam ang sinumang iba pa.” Iniisip nilang karapatan nilang gumawa ng masama at itinuturing nila ang pananampalataya sa Diyos bilang isang uri ng mantra, bilang isang anyo ng seremonya. Hindi ba sila nagiging di-mananampalataya dahil dito? Sila’y di-mananampalataya!

—mula sa “Tanging Kapag Namumuhay Ka sa Harapan ng Diyos sa Lahat ng Sandali Nakalalakad Ka sa Landas ng Kaligtasan” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:

Sa loob ng pamilya ng Diyos, ang bawat isa ay tao na naniniwala sa Diyos. Gayon pa man, may isang uri ng tao, kahit pa sinasabi nila na naniniwala sila sa Diyos, sa loob ng kanilang mga puso, nagdududa sila tungkol sa pag-iral ng Diyos, ang katunayan na nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, ang pamumuno ng Diyos sa lahat ng bagay, ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ang salita ng Diyos, at ang katotohanan. Ang isang aspeto ay ang hindi nila mapagtibay kung totoo o hindi ang mga bagay na ito. Ang isa pang aspeto ay ang kanila pa ring pagdududa. Naniniwala sila na hindi posible ang mga bagay na ito. Ano ang pinaniniwalaan nila sa kanilang mga puso? Naniniwala sila sa lahat ng bagay na umiiral sa materyal na mundo. Naniniwala sila sa lahat ng bagay na makikita ng kanilang mga mata, at naniniwala sila sa lahat ng bagay na mahahawakan ng kanilang mga kamay. Mayroon silang ugaling mapagduda tungo sa anumang bagay na hindi makikita ng kanilang mga mata, hanggang sa punto na hindi pa nila ito pinaniniwalaan. Ang ganitong uri ng tao ay naniniwala lang sa pangalan ng Diyos. Sa katunayan, sila lamang ay mga hindi mananampalataya. Aking narinig na sa loob ng relihiyon sa kanluran, 25% ng mga pastor, iyon ay 1 sa bawat 4 na pastor, ang hindi naniniwala na ang Panginoong Jesus ay ipinaglihi ng Banal na Espiritu at nagdududa sila tungkol sa Biblia. Sa mga pastor sa kanluran, may ganito karaming hindi naniniwala. Lalo na pagdating sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kapag sinasabi mo na dumating na ang Diyos, mas lalo pa silang sumasalungat. Naniniwala sila na naroon lang ang Diyos sa langit at hindi kailanman gagawa ang Diyos sa gitna ng mga tao. Bilang resulta, ang sinumang nagsasabi na dumating na ang Diyos ay aakusahan ng karamihan ng mga pastor sa kanluran bilang mga erehe. Hindi mo ba sasabihin na hindi mananampalataya ang mga ganitong uri ng mga tao? Sila ay hindi mananampalataya. Ang mga hindi mananampalataya ay hindi naniniwala sa gawain ng Banal na Espiritu. Sinasabi nila, “Ito ay isang bagay na iniisip ng tao. Ang puso ng tao ay maaaring panandaliang maging inspirado, at maaaring minsan ay nililiwanagan. Wala itong kinalaman sa gawain ng Banal na Espiritu.” Hindi sila naniniwala sa gawain ng Banal na Espiritu. At saka, hindi sila naniniwala na ang mga salita ng Diyos ay sinabi ng Diyos. Sinasabi nila, “Ang mga salitang ito ay sinabi ng tao. Sinong nakarinig na sinasabi ng Diyos ang mga salitang ito? Paano masasabi ng Diyos ang mga bagay na ito? Ito’y sinabi ng tao.” Ang lahat ng yaong hindi naniniwala sa pagkakatawang-tao ng Diyos o sa gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa naniniwala sa mga salitang ipinahayag ng Diyos bilang mga salita ng Diyos o ng Espiritu ng Diyos, ay mga hindi mananampalataya. Kahit gaano katotoo pa nila sabihin na naniniwala sila sa Diyos, sila’y mga hindi mananampalataya. Ang hindi mananampalataya ay hindi isang tao na nagsasabing hindi sila naniniwala sa Diyos. Sinasabi nila na naniniwala sila sa Diyos sa kanilang mga bibig, ngunit ang kanilang mga puso ay hindi naniniwala. Ito ang ibig sabihin ng pagiging hindi mananampalataya. Maaari ring masabi na sila’y mga impostor.

—mula sa “Paano Kilalanin ang Lahat ng Uri ng mga Tao” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay III

Ang tunay na diwa ng mga Fariseo ay pagka-ipokrito. Nanalig sila sa Diyos pero hindi nila mahal ang katotohanan o hinangad ang buhay. Nanalig lang sila sa isang malabong Diyos sa langit at sa sarili nilang mga pag-aakala at imahinasyon, pero hindi nila pinaniwalaan o tinanggap ang Cristo na nagkatawang-tao. Sa madaling salita, lahat sila’y walang pananalig. Ang pananalig nila sa Diyos ay pagsasaliksik sa teolohiya at pagturing sa pananampalataya sa Diyos bilang isang uri ng kaalaman sa pagsasaliksik. Ang kanilang kabuhayan ay nakadepende sa pagsasaliksik sa Biblia at teolohiya. Sa puso nila, ang Biblia ang kanilang kabuhayan. Akala nila kapag mas magaling silang magpaliwanag sa kaalaman sa Biblia at teoryang teoholikal, mas maraming taong sasamba sa kanila at mas mataas at mas matatag silang makakatayo sa pulpito, at mas matatag ang kanilang magiging katayuan. Kasi, nabuhay lang ang mga Fariseo para sa kanilang katayuan at kabuhayan, at sawa na at nasuklam sa katotohanan, kaya nang nagkatawang-tao ang Panginoong Jesus at naparito para gumawa, pinanghawakan pa rin nila sa sarili nilang mga pag-aakala at imahinasyon at kaalaman sa Biblia para protektahan ang sarili nilang katayuan at kabuhayan, at hindi napigil sa pagkalaban at pagtuligsa sa Panginoong Jesus at pagkontra sa Diyos. …

Sa relihiyon, maraming taong nananalig sa Diyos na kontrolado ng mga Fariseo, lubos silang sumusunod at nakikinig sa kanila. Gaya nila, Biblia at teolohiya lang ang pinag-aaralan nila, nakatuon lang sila sa pag-unawa sa kaalaman sa Biblia at teoryang teolohikal, at hindi sila nagtuon kailanman sa paghahanap ng katotohanan o pagsasagawa ng mga salita ng Panginoon. Gaya ng mga Fariseo, nananalig lang sila sa isang malabong Diyos sa langit, pero hindi sa Cristong nagkatawang-tao sa mga huling araw—ang Makapangyarihang Diyos. Gaano man kalaki ang awtoridad at kapangyarihan ng mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, pilit pa rin nilang pinanghahawakan ang mga pag-aakala at imahinasyon nila, at sumusunod sa mga pastor at elder sa pagkalaban at pagtuligsa sa Makapangyarihang Diyos. Hindi na kailangang sabihin na sila ang uri ng mga tao na katulad ng mga Fariseo, at tumatahak sa landas ng mga Fariseo na kumakalaban sa Diyos. Kahit hindi sila sumusunod sa mga Fariseo, kapareho pa rin sila ng mga Fariseo at mga inapo din ng mga Fariseo dahil pareho ang kalikasan at kakanyahan nila. Lahat sila ay walang pananalig at sarili lang nila ang pinaniniwalaan pero hindi nila mahal ang katotohanan! Mga anticristo sila na nasusuklam sa katotohanan at kontra kay Cristo!

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Kaugnay na Content

Baka Gusto Mo Rin