Tanong 40: Ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw, ay ipinapahayag ang katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan, subali’t nakakaranas Siya ng galit na pagtutol at malupit na pagtugis kapwa ng relihiyosong mundo at ng pamahalaang Komunistang Tsina. Ang pamahalaang CCP ay pinakikilos ang lahat ng kanilang media at hukbong sandatahan para kondenahin si Cristo, lapastanganin Siya, hulihin at patayin Siya. Nang isilang ang Panginoong Jesus, narinig ni Haring Herodes na isinilang na “ang Hari ng Israel” at pinapatay niya ang lahat ng batang lalaki na wala pang dalawang taong gulang sa Betlehem; mas pinili pa niyang pumatay ng sampung libong sanggol kaysa hayaang mabuhay si Cristo. Ang Diyos ay nagkatawang-tao para iligtas ang sangkatauhan, kaya bakit galit na kinokondena at nilalapastangan ng relihiyosong mundo at ng ateistang pamahalaan ng Tsina ang pagpapakita at gawain ng Diyos? Bakit nila binabaluktot ang kapangyarihan ng buong bansa at ginagawa ang lahat para ipako si Cristo sa krus? Bakit napakasama ng sangkatauhan? Bakit nila kinamumuhian nang ganoon at kinakalaban ang Diyos?

2018-04-20 404

Sagot:

Ang tanong na ito ay napakahalaga, at iilan lamang sa buong sangkatauhan ang makauunawa dito nang lubusan! Ang dahilan ng matinding pagkalaban ng sangkatauhan sa Diyos ay naging ulo ng mga balita, at ang makasaysayang trahedya ng pagkapako sa krus ng Cristong nagkatawang-tao ay muling nangyayari; hindi ba’t totoo ito? Basahin natin ang ilang talata ng Banal na Kasulatan. Sabi ng Panginoong Jesus, “At ito ang kahatulan, na naparito ang ilaw sa sanglibutan, at inibig pa ng mga tao ang kadiliman kay sa ilaw; sapagka’t masasama ang kanilang mga gawa. Sapagka’t ang bawa’t isa na gumagawa ng masama ay napopoot sa ilaw, at hindi lumalapit sa ilaw, upang huwag masaway ang kaniyang mga gawa” (Juan 3:19–20), “Kung kayo’y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo” (Juan 15:18), “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29). Sabi ng Biblia, “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19). Hindi natin masyadong naintindihan nang basahin natin noon ang mga salitang ito sa Biblia. Kapag nakikita lamang natin na ang kapwa pagkakatawang-tao ng Diyos ay dumanas ng nagkakaisang pagkondena, pagtugis at pagpipigil ng mga gobyernong ateista at ng daigdig ng mga relihiyon, gayunman, doon natin nauunawaan na totoo nga ang mga salitang ito na nasa Biblia. Ang mga gawain ng sangkatauhan at saloobin nila sa paglapit kay Cristo ay sapat na para mapatunayan na ang buong mundo ay lubusang nakokontrol ni Satanas at nasa ilalim ng kapangyarihan nito. Sa panahong ito, karamihan sa atin ay malinaw na nakikita na ang karamihan sa mga pastor at elder ng daigdig ng mga relihiyon ang mga taong kumakalaban, nagkokondena at nagtatatwa kay Cristo, at na ang daigdig ng mga relihiyon ay matagal nang nasa kontrol ng mga ipokritong Fariseo at anticristo. Samakatwid, kapag ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapakita at gumagawa, ang mga pastor at elder ng daigdig ng mga relihiyon ang unang nag-aalsa at nagkokondena at kumakalaban sa Kanya—ganito talaga. Ang gobyernong CCP ay makademonyong rehimen na pinakanapopoot sa katotohanan at kinakalaban ang Diyos, at palagi nitong inaaresto at inaapi ang mga Kristiyano. Nang si Cristo ng mga huling araw ay dumating para magpakita at gawin ang Kanyang gawain sa Tsina, walang konsensya at buong bangis na sinikap ng gobyernong CCP na tugisin, dakpin at puksain si Cristo, na nagkaroon ng epekto sa buong mundo. Ang katotohanang ito’y nagsakatuparan sa propesiya ng Panginoong Jesus: “Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Ang Diyos ay dalawang beses nang nagkatawang-tao sa gitna ng mga tao upang magsalita at gumawa, upang tubusin at iligtas ang sangkatauhan, sa kapwa pagkakataon ay dumanas ng pagkondena, paglapastangan, pagtugis, at pagpigil na isinagawa ng mga pinuno ng relihiyon at ng namumunong partido; sapat na ang katotohanang ito para mapatunayan na ang mundong ito’y napakadilim at masama at ang sangkatauhan ay natiwali nang napakatindi! Ang sangkatauhan ay naging tiwali at naging masama hanggang sa ayaw na nila ng katotohanan, galit sila sa katotohanan, pinahahalagahan nila ang masama at kinakalaban nila ang Diyos, nagiging kauri at kalahi ni Satanas, na hindi kayang tanggapin ang pag-iral ng Diyos. Kung gayon, kailangang dumanas ng pang-aapi at pagpapabaya ang pagpapamalas at gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Kung bakit kinakalaban ng sangkatauhan ang Diyos, ibinunyag ng Makapangyarihang Diyos ang aspetong ito ng katotohanan, at magiging malinaw sa atin ang tungkol dito kapag nabasa natin ang ilang talata ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Umunlad na ang sangkatauhan sa loob ng sampu-sampung libong taon ng kasaysayan upang makarating sa kinalalagyan nila ngayon. Gayunman, ang sangkatauhang dati Kong nilikha ay matagal nang nabaon tungo sa pagkabulok. Ayaw na nilang umayon sa nais Kong kahinatnan nila, at sa gayon ang sangkatauhan, sa Aking paningin, ay hindi na karapat-dapat na tawaging sangkatauhan. Bagkus ay sila ang dumi ng sangkatauhan na nabihag ni Satanas, ang naglalakad na bulok na mga bangkay na tinitirhan ni Satanas at sinasapian nito. Kahit kaunti ay hindi naniniwala ang mga tao sa Aking pag-iral, ni sumasalubong sa Aking pagdating” (“Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang pagsalungat at pagka-mapanghimagsik ng tao laban sa Diyos ay ang kanyang katiwalian sa pamamagitan ni Satanas. Dahil siya ay nagawang tiwali na ni Satanas, ang konsensya ng tao ay naging manhid na, siya ay imoral, ang kanyang mga saloobin ay sumasama, at siya ay may paurong na pangkaisipang pananaw. Bago siya ginawang tiwali ni Satanas, ang tao ay likas na tumalima sa Diyos at sumunod sa Kanyang mga salita pagkatapos marinig ang mga ito. Siya ay likas na may maayos na katinuan at konsensya, at normal na pagkatao. Matapos magawang tiwali ni Satanas, ang kanyang dating katinuan, konsensya, at pagkatao ay pumurol at pinahina ni Satanas. Kaya, nawala na niya ang kanyang pagkamasunurin at pag-ibig sa Diyos. Ang katinuan ng tao ay naging lihis na, ang kanyang disposisyon ay naging kagaya na ng sa hayop, at ang kanyang pagka-mapanghimagsik sa Diyos ay nagiging mas madalas at mas matindi. Nguni’t hindi pa rin alam o ni kinikilala ng tao ito, at basta na lang lumalaban at naghihimagsik nang walang taros” (“Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon” (“Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao sa pamamagitan ng edukasyon at impluwensiya ng pambansang pamahalaan at ng mga sikat at dakila. Ang kanilang kahangalan ay naging buhay at kalikasan ng tao. Ang ‘Lahat para sa kanya-kanyang sarili at kinukuha ng diyablo ang pinakahuli’ ay isang sikat na mala-satanas na kasabihan na naikintal na sa lahat at naging buhay na ng mga tao. May mga iba pang salita ng pilosopiya ng buhay na katulad din nito. Ginagamit ni Satanas ang mainam na tradisyunal na kultura ng bawat bayan para turuan ang mga tao, nagsasanhi ng pagkahulog ng tao at pagkasadlak sa isang walang-hanggang bangin ng pagkawasak, at sa katapusan ay winawasak ng Diyos ang tao dahil naglilingkod sila kay Satanas at nilalabanan ang Diyos” (“Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo).

Isinilang sa isang napakaruming daigdig, ang tao ay nasira na nang labis ng lipunan, siya ay naimpluwensiyahan na ng mga etikang pyudal, at naturuan na sa ‘mga instituto ng dalubhasaan.’ Ang paurong na kaisipan, tiwaling moralidad, masamang pagtanaw sa buhay, kasuklam-suklam na pilosopiya, lubos na walang saysay na pag-iral, at napakabuktot na uri ng pamumuhay at mga kaugalian—lahat ng bagay na ito ay matinding nanghimasok na sa puso ng tao, at matinding nagpahina ng kanyang katuwiran at inusig ang kanyang konsensya. Bilang resulta, ang tao ay mas lalong malayo sa Diyos, at mas lalong naging tutol sa Kanya” (“Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Mula nang unang magkaroon ang tao ng agham panlipunan, ang isip ng tao ay naging abala sa agham at kaalaman. Doon ang agham at kaalaman ay naging mga kasangkapan para sa pamumuno ng sangkatauhan, at doon ay wala nang sapat na puwang para sa tao upang sambahin ang Diyos, at walang kanais-nais na mga kondisyon para sa pagsamba sa Diyos. Ang posisyon ng Diyos ay lumubog nang lalo pang mas mababa sa puso ng tao. Ang isang mundo sa puso ng tao na walang lugar para sa Diyos ay madilim, walang laman sa kawalang pag-asa. At kaya lumitaw ang maraming panlipunang siyentipiko, mananalaysay, at mga pulitiko upang magpahayag ng mga teorya ng araling panlipunan, ang teorya ng ebolusyon ng tao, at iba pang mga teorya na sinasalungat ang katotohanang nilikha ng Diyos ang tao, upang punuin ang puso at isip ng tao. At sa ganitong paraan, yaong naniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay ay naging lalo pang kakaunti, at yaong naniniwala sa teorya ng ebolusyon ay mas lalo pang dumami ang bilang. Parami nang parami ang mga tao na itinuturing ang mga talaan ng gawain ng Diyos at Kanyang mga salita sa kapanahunan ng Lumang Tipan bilang mga alamat at mga kathang-isip. Sa kanilang mga puso, ang mga tao ay nagwalang-bahala sa karangalan at kadakilaan ng Diyos, sa doktrina na ang Diyos ay umiiral at humahawak ng kapamahalaan sa lahat ng bagay. Ang pagpapanatili ng sangkatauhan at ang kapalaran ng mga bayan at mga bansa ay hindi na mahalaga sa kanila. Nakatira ang tao sa isang hungkag na mundo na iniintindi lamang ang pagkain, pag-inom, at ang paghahangad ng kasiyahan. … Iilang tao lang ang inaako mismo ang paghanap kung saan ginagampanan ng Diyos ang Kanyang gawain ngayon, o hanapin kung paano Niya pinamumunuan at inaayos ang hantungan ng tao” (“Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Walang sinumang aktibong naghahanap sa mga yapak at pagpapakita ng Diyos, at walang sinumang handang mabuhay sa pangangalaga at pagkalinga ng Diyos. Sa halip, nais nilang umasa sa paninira ni Satanas, ang diyablo, para makaangkop sa mundong ito, at sa mga patakaran ng buhay na sinusunod ng masamang sangkatauhan. Sa puntong ito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging parangal na niya kay Satanas at siyang bumubuhay rito. Higit pa rito, ang puso’t espiritu ng tao ay naging lugar na kung saan si Satanas ay makakapanirahan at naging akmang palaruan niya ito. Sa gayon hindi alam ng tao na nawawala ang kanyang pag-unawa sa mga prinsipyo ng pagiging tao, at ang halaga at kahulugan ng buhay ng tao. Ang mga batas ng Diyos at ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng tao ay unti-unting naglalaho sa puso ng tao, at tumitigil siya sa paghahanap o pakikinig sa Diyos. Sa paglipas ng panahon, hindi na nauunawaan ng tao kung bakit siya nilikha ng Diyos, ni hindi niya nauunawaan ang mga salitang nagmumula sa bibig ng Diyos at lahat ng nagmumula sa Diyos. Sa gayo’y nagsisimula ang tao na labanan ang mga batas at utos ng Diyos, at nagiging manhid ang kanyang puso’t espiritu…. Nawawala sa Diyos ang tao na orihinal Niyang nilikha, at nawawala sa tao ang ugat na kanyang pinagmulan: Ito ang pighati ng sangkatauhang ito” (“Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sa loob ng libu-libong taon ito ang naging lupain ng kalaswaan, napakarumi, napakalungkot, naglipana ang mga multo sa buong paligid, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,[1] nagiging walang-awa at mabisyo, niyuyurakan itong bayan ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; puno ang lupain ng nakasusulasok na amoy ng pagkabulok at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.[2] Sino ang makakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, tinatanggal nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwawala ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng multo, na para bang ito ay hindi-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay, samantala, ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, lubhang takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, iniiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kayang makikita ang Diyos ng mga tao ang ganitong bayan ng multo kahit kailan? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi-makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao sa isang kisap-mata, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Binabayaran nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos noon pa, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, at wala kahit bakas ng kabaitan, at tinutukso nila ang walang-malay sa kahangalan. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pang-relihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! … Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang mga pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hinahayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tinugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa gitna ng mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa gitna ng mga tao? Bakit nagdudulot ng gayong katinding pananabik sa Diyos? Bakit pinatatawag ang Diyos nang paulit-ulit? Bakit pinipilit ang Diyos na mag-alala para sa Kanyang minamahal na Anak? Bakit hindi hinahayaan nitong madilim na lipunan at ng nakakaawang asong-bantay nito na malayang dumating at umalis ang Diyos sa gitna ng mundong nilikha Niya?” (“Gawain at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Nagsalita ang Makapangyarihang Diyos tungkol sa mga pinagmumulan at kalagayan sa ngayon ng katiwalian ng sangkatauhan. Kapag binabasa natin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan natin nang kaunti ang mga isyu gaya ng bakit napakarami ng kadiliman at kasamaan sa daigdig, bakit lubhang panatiko ang sangkatauhan sa pagkalaban sa Diyos, at ano ang katotohanan at diwa ng katiwalian ng sangkatauhan na dulot ni Satanas. Ang masasama at kadiliman ngayon ay patunay na ganap ang katiwalian ng sangkatauhan sa mga kamay ni Satanas-kaya’t ilang tao sa sangkatauhan ang uhaw sa pagpapakita ng Diyos at umaasam sa Kanyang pagdating? Ilang tao ang gustong marinig ang salita ng Diyos at tanggapin ang katotohanan? Ilang tao ang nag-aaral at naghahangad sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Hindi lamang ito binabalewala ng maraming tao, sa halip, nakikinig sila sa mga bulung-bulungan at kasinungalingan ng malademonyong gobyernong CCP at nakikipagsabwatan sila sa mga puwersa ni Satanas para labanan at ikondena ang Makapangyarihang Diyos. Ito’y mga katotohanang malinaw na nauunawaan ng bawat isa. Kahit maraming tao ang nananalig sa Diyos, ilan ang makakatanggap sa katotohanan, hahanapin ang katotohanan, at susunod sa Diyos? Kung gugunitain natin noong nagpakita ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, lahat ng mamamayang Judio ay sumunod sa mga punong saserdote, mga eskriba, at mga Fariseo para kalabanin at kondenahin ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw habang nagpapakita ang Makapangyarihang Diyos para gawin ang Kanyang gawain, ang karamihan sa mga pastor at elder ng relihiyon ay kinakalaban at kinokondena ngayon ang Makapangyarihang Diyos; isinasara pa nila ang kanilang mga iglesia at hindi pinapayagan ang mga nananalig na pag-aralan ang totoong daan. Sapat na ito para ipakita na ang mundong ito ngayon ay puno na ng kadiliman at kasamaan. Nagsawa na ang sangkatauhan sa katotohanan, napopoot sila sa katotohanan, at tinalikuran nila ang Diyos at kinakalaban Siya. Ang ugat nitong kadiliman at kasamaan ng mundo ay ang pagkontrol ni Satanas sa mga tao at ang buong mundo ay nasa pananakop ng masama. Sa huling ilang libong taon, ginamit ni Satanas ang ateismo, ang teoriya ng ebolusyon, at materyalismo pati na ang iba pang nakapipinsalang mga turo at maling akala para linlangin at gawing tiwali ang mga tao. Dahil dito ang sangkatauhan ay sumamba at bulag na nanalig sa iba’t ibang kasinungalingan at mga maling akala ng mga hari ng mga demonyo at “magigiting na tao,” na nagsabi ng mga bagay-bagay na tulad ng: “Walang Diyos o Tagapagligtas”; “Maaaring kalabanin ng tao ang langit at lupa at lupigin ang kalikasan”; “Ang tadhana ng isang tao ay nasa kanyang sariling kamay”; “Lahat ay para sa kanya-kanyang sarili at kinukuha ng diyablo ang pinakahuli”; “Ang matatalino ang namumuno sa mga may matipunong katawan”; “Pera ang nagpapaikot sa mundo”; “Ako ang sarili kong panginoon sa buong langit at lupa”; “Gaya ng ang isang maliit na utak ay hindi makagagawa ng isang maginoo, ang tunay na lalaki ay walang kamandag,” at marami pang iba. Ang sangkatauhan ay nalinlang at natiwali ng masasamang turo at maling akala, kaya sila naging mapagmataas, mapanlinlang, makasarili, sakim at masama; walang taong makakapagsalita tungkol sa pagkatao at moralidad, walang taong makakapagsalita tungkol sa konsensya at katwiran, at walang taong makakapagsalita tungkol sa pagiging matapat sapagkat lahat sila’y naghahangad ng katanyagan, at kasikatan, at paggalang. Ang mga tao’y nag-aaway na parang mga aso at nagbabalak sila at dinadaya ang isa’t isa; at nagpapatayan pa sila. Ang mga bansa ay naglalabanan sa walang tigil na pagtatalo-hindi ba ito ang bunga ng paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan? Ipinapakita ng mga katotohanang ito na lubusang nagawang tiwali ni Satanas ang tao at ang sangkatauhan ay naging katulad ni Satanas, mga inapo ni Satanas. Ang sangkatauhan ay naging masamang puwersa na kumakalaban sa Diyos. Dahil dito, nang dalawang beses na magkatawang-tao ang Diyos para mangusap at gawin ang Kanyang gawain sa mga tao, tinutulan, kinondena, at tinalikuran ang Diyos sa kapwa pagkakataon ng tiwaling sangkatauhan, na humantong sa pagpapako sa Kanya sa krus. Ito ang ilan sa mga katotohanan kung bakit kinakalaban ng sangkatauhan ang Diyos.

Ang kabaliwang pagpigil at mga pagsalakay ng Chinese Communist Party (CCP) sa Kidlat ng Silanganan ay lumikha ng gulo sa buong mundo. Walang ideya ang maraming tao kung bakit galit na galit sila, at lumalaban at tutol sa Diyos. Ito’y dahil sa bumigkas ng maraming katotohanan ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao at ito ang aklat na nagpayanig sa bawat relihiyon at denominasyon. Narinig na ng maraming nananalig sa Panginoon ang mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos at sa pagpapatunay na ito ang tinig ng Diyos at Kanyang gawain ay bumaling sa Kanya. Ang patuloy na pagdami ng mga tao na nagsasabi at sumasaksi sa Makapangyarihang Diyos ay naging sanhi ng pagkataranta ng CCP. Inaresto ng CCP ang napakaraming taong sumaksi sa Diyos sa kanilang pangangaral, at kinumpiska ang maraming kopya ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Sinasaliksik nila ang aklat na ito sa bawat araw, at lalong nadarama kung gaano ito kahirap talunin. May kakayahan itong lupigin ang lahat. Kahit gaano pa siraan, hatulan at pabulaanan ng CCP ang Makapangyarihang Diyos, hindi sila nangangahas na ipaalam sa publiko ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao. Ibig sabihin, hindi nila binabanggit kahit kaunti ang binigkas ng Makapangyarihang Diyos. Bakit masyado silang nanlalamig bilang tugon sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Natatakot sila na makikita ng buong mundo na nagpakita ang Diyos na ginagawa ang Kanyang gawain sa Silangan, na ang Tagapagligtas ng sangkatauhan ay nagpakita sa Silangan, at may pag-asa ang sangkatauhan. Bakit natatakot ang CCP na mababasa ng sangkatauhan ang Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao? Dahil ang aklat na ito ang pagbigkas ng Diyos, ito ang pagpapahayag ng katotohanan, at ito ay tunay na liwanag na lumitaw sa Silangan! Ang CCP ang pinakamasama sa lahat ng rehimen ni Satanas at lubos na nasusuklam sa katotohanan. Higit sa lahat natatakot ito na darating sa mundo ng tao ang katotohanan, na tatanggapin ng tao ang katotohanan, na magkakaroon ang Diyos ng kapangyarihan bilang Hari na pamunuan ang daigdig ng tao, at na ang kaharian ni Cristo ay lilitaw sa mundo. Kaya nga, nababaliw ang CCP sa pagtugis at paghuli kay Cristo, at ginagamit ang mga media network para sa propaganda upang walang pakundangan na magpakana, paratangan nang mali at siraan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Ni hindi sila nangingiming pakilusin ang sandatahang puwersa ng pambansang pulisya upang mapigilan, maaresto at mausig nang labis ang mga pinili ng Diyos. Dahil walang mapagtaguan, ang Kanyang mga pinili ay napilitang umalis ng bansa dahil sa pang-aapi ng CCP, at ang gobyerno ng Tsina sa ilalim ng CCP ay iniunat ang masamang kamay nito sa bawat bansa sa ibayong-dagat at gamit ang paraan sa pulitika, ekonomiya at diplomatiko ay pinilit ang ilan sa kanila na pabalikin sa Tsina ang mga Kristiyanong tumakas papunta sa ibang bansa upang parusahan at usigin sila. Ang mas nakapopoot pa ay na inaaresto at inuusig din ng CCP ang mga kamag-anak ng mga Kristiyanong iyon na nangibang-bansa at itinuturing silang mga bihag para takutin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pinipilit sila nitong kunin ang kanilang mga pasaporte para mangibang bansa at buwagin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa bawat bansa, at sa diplomatikong mga paraan ay tinatangkang magpakana at siraan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, upang iligaw sa pamamagitan ng bulung-bulungan, upang imanipula ang opinyon ng publiko at siraan ito. Binubuyo ng CCP kapwa ang mga gobyerno at mga tao ng ibang mga bansa na kalabanin at tanggihan Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, at pauwiin ang mga miyembro ng Iglesia na nasa ibayong dagat; ang masamang pakay nito ay magtatagumpay sa paghadlang, pagbabawal, at pagpigil sa paglaganap ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ng gawain ng ebanghelyo nito sa ibang bansa. Hindi ba ninyo sasabihing ang CCP ay ang demonyong Satanas na napopoot sa katotohanan at sa Diyos? Ang CCP ay eksperto sa malupit na pang-aabuso sa mga tao at sa paglamon ng mga kaluluwa; ito ay demonyo na kumakain sa mga tao nang hindi iniluluwa ang kanilang mga buto. Ngayon, nakikita ninyong lahat dito ang tunay na larawan kung bakit ang gobyerno ng Tsina sa ilalim ng CCP ay nababaliw sa pagkalaban at pagkondena sa Makapangyarihang Diyos.

—mula sa Mga Klasikong Tanong at Sagot Tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian

Mga Talababa:

1. Ang “nagpaparatang nang walang batayan” ay tumutukoy sa mga paraan kung saan sinasaktan ng diyablo ang mga tao.

2. Ang “mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga paraan kung saan pinahihirapan ng diyablo ang mga tao ay lalo nang malupit, at kontrolado nang labis ang mga tao na wala na silang makilusan.

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Content

Baka Gusto Mo Rin