Bakit sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagpapasakop sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao magtatamo ang isang tao ng kaalaman tungkol sa Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Kung ako’y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya’y inyong mangakikilala, at siya’y inyong nakita” (Juan 14:6–7).

Ako’y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin” (Juan 14:10).

Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).

10. Bakit sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagpapasakop sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao magtatamo ang isang tao ng kaalaman tungkol sa Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nang ang Diyos ay hindi pa naging tao, hindi masyadong naintindihan ng mga tao ang Kanyang sinabi sapagka’t ito ay nanggaling sa ganap na pagka-Diyos. Ang pananaw at ang nilalaman ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi maabot ng sangkatauhan; ito ay ipinahayag mula sa espirituwal na dako na hindi nakikita ng mga tao. Para sa mga taong nabuhay sa laman, hindi sila maaaring magdaan sa espirituwal na dako. Nguni’t pagkatapos naging tao ang Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagiging tao, at Siya ay lumabas at dinaig ang saklaw ng espirituwal na dako. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang banal na disposisyon, kalooban, at saloobin, sa mga bagay na maiisip ng mga tao at mga bagay na kanilang nakita at nakasagupa sa kanilang mga buhay, at gamit ang mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa isang wika na kanilang maiintindihan, at kaalaman na kanilang mauunawaan, upang tulutan ang mga tao na maintindihan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang layunin at ang Kanyang mga kinakailangan na pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan, sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at prinsipyo ng gawain ng Diyos sa pagkatao. Bagama’t ang mga pamamaraan ng Diyos at ang Kanyang mga panuntunan sa paggawa sa katawang-tao ay nakamit karamihan sa pamamagitan mismo ng pagkatao, ito ay totoong nakapagtamo ng mga resulta na hindi matatamo sa pamamagitan ng paggawa sa mismong pagka-Diyos. Ang gawain ng Diyos sa pagkatao ay higit na kongkreto, mapananaligan, at nakatuon, ang mga pamamaraan ay lalong higit na naibabagay sa pangyayari, at sa anyo ay daig ang Kapanahunan ng Kautusan.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos ay gumagawa ng bagong gawain sa mga huling araw. Ibubunyag Niya ang mas marami sa Kanyang disposisyon, at hindi ito magiging habag at pag-ibig sa panahon ni Jesus. Yamang mayroon Siyang bagong gawain, ang bagong gawaing ito ay sasabayan ng isang bagong disposisyon. Kung ang gawaing ito ay ginawa ng Espiritu—kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao, at sa halip ang Espiritu ay nagsalita sa pamamagitan ng kulog para walang paraan ang tao na makipag-ugnayan sa Kanya, malalaman ba ng tao ang Kanyang disposisyon? Kung ang Espiritu lamang ang gumawa ng gawain, kung gayon ang tao ay hindi magkakaroon ng paraan na makilala ang Kanyang disposisyon. Maaari lamang makita ng mga tao ang disposisyon ng Diyos gamit ang kanilang sariling mga mata nang Siya ay nagkatawang-tao, nang ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao, at ipinapahayag Niya ang Kanyang kabuuang disposisyon sa pamamagitan ng katawang-tao. Ang Diyos ay tunay na nabubuhay kasama ng tao. Siya ay nasasalat; tunay na maaaring makipag-ugnayan ang tao sa Kanyang disposisyon at sa kung anong mayroon at ano Siya; sa paraang ito lamang Siya tunay na makikilala ng tao.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa loob ng saklaw ng gawain na nakumpleto ng Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, makikita mo ang isa pang aspeto ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Ito ay ipinahayag sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao, at ito ay naging posible para makita at pahalagahan ng mga tao sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Sa Anak ng tao, nakita ng mga tao ang Diyos na nagkatawang-tao na isinabuhay ang Kanyang pagkatao, at nakita nila ang pagka-Diyos ng Diyos na inihayag sa katawang-tao. Ang dalawang uri ng paghahayag na ito ay nagbigay-daan sa mga tao na makita ang isang totoong tunay na Diyos, at nagtulot sa kanila na makabuo ng isang naiibang konsepto ng Diyos. Gayunman, sa yugto ng panahon sa pagitan ng paglikha sa mundo at sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, iyon ay, bago ang Kapanahunan ng Biyaya, kung ano ang nakita, narinig, at naranasan ng mga tao ay ang aspeto lang ng pagka-Diyos ng Diyos. Ito ay ang kung ano ang ginawa at sinabi ng Diyos sa isang hindi nahihipong dimensyon, at ang mga bagay na Kanyang ipinahayag mula sa Kanyang tunay na persona na hindi maaaring makita o mahipo. Kadalasan, nagagawa ng mga bagay na ito na maramdaman ng mga tao na ang Diyos ay napakadakila, at na hindi nila magawang makalapit sa Kanya. Ang impresyon na karaniwang ibinibigay ng Diyos sa mga tao ay na Siya ay aandap-andap, at nararamdaman pa ng mga tao na ang bawat isa sa Kanyang mga saloobin at mga ideya ay masyadong misteryoso at masyadong mailap na walang paraan para maabot ang mga ito, lalong hindi nagtangka na maintindihan at pahalagahan ang mga ito. Para sa mga tao, ang lahat ng mga bagay tungkol sa Diyos ay masyadong malayo—sa sobrang layo ay hindi na ito makita ng mga tao, hindi na ito mahipo. Mistula Siyang nasa kalawakan, at parang ni hindi Siya umiiral. Kaya para sa mga tao, ang pagkaunawa sa puso at isip ng Diyos o anuman sa Kanyang iniisip ay hindi maaaring makamit, at hindi pa maaabot. … Sa yugto ng panahon na ang Panginoong Jesus ay gumagawa, nakikita ng mga tao na ang Diyos ay nagkaroon ng maraming pantaong mga pagpapahayag. Halimbawa, maaari Siyang sumayaw, maaari Siyang makadalo sa mga kasalan, maaari Siyang makipagniig sa mga tao, makipag-usap sa kanila, at tumalakay ng mga bagay sa kanila. Bilang karagdagan doon, ang Panginoong Jesus ay nakabuo rin ng napakaraming gawain na sumasagisag sa Kanyang pagka-Diyos, at mangyari pa ang lahat ng gawaing ito ay isang pagpapahayag at isang pagbunyag ng disposisyon ng Diyos. Sa panahong ito, nang ang pagka-Diyos ng Diyos ay napagtanto sa isang karaniwang katawang-tao na maaaring makita at mahipo ng mga tao, hindi na nila mararamdaman na Siya ay aandap-andap, na hindi nila magawang makalapit sa Kanya. Sa halip, maaari nilang subukang unawain ang kalooban ng Diyos o intindihin ang Kanyang pagka-Diyos sa pamamagitan ng bawat pagkilos, ng mga salita, at ng gawain ng Anak ng tao. Inihayag ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at disposisyon ng Diyos, Kanya ring ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi nakikita o nahihipo sa espirituwal na dako. Ang nakita ng mga tao ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling pagkakakilanlan ng Diyos, katayuan, larawan, disposisyon, at kung anong mayroon at kung ano Siya na kongkreto at makatao. Bagama’t ang panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang mga limitasyon na may kinalaman sa larawan ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay lubos na naisalarawan ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos—mayroon lamang ilang mga pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at katayuan ng Anak ng tao, at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at sa Kanyang kadakilaan sa gitna ng kababaang-loob, gayundin upang magkamit ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at realidad ng Diyos.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Noong panahong sinusundan niya si Jesus, napakaraming opinyon si Pedro tungkol sa Kanya at palagi Siyang hinahatulan mula sa kanyang sariling pananaw. Bagaman mayroon siyang isang tiyak na antas ng pagkaunawa sa Espiritu, si Pedro ay hindi masyadong niliwanagan, kaya ganito ang mga salita na sinabi niya: “Dapat kong sundan siya na ipinadala ng Amang nasa langit. Dapat kong kilalanin siya na pinili ng Banal na Espiritu.” Hindi niya naunawaan ang mga bagay na ginawa ni Jesus at walang natanggap na kaliwanagan. Pagkatapos na sundan Siya sa loob ng ilang panahon lumago ang kanyang interes sa kung ano ang ginawa at sinabi Niya, at kay Jesus Mismo. Naramdaman na niya na pumukaw si Jesus kapwa ng pagsuyo at paggalang; ninais niyang makasama Siya at manatiling katabi Niya, at ang pakikinig sa mga salita ni Jesus ang nagbigay sa kanya ng panustos at tulong. Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, puno Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman ay hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. Nakita niya na kahit na walang mataas na tayog ni pambihirang pagkatao si Jesus, nagtataglay Siya ng tunay na pambihira at hindi pangkaraniwang katangian. Bagaman hindi kayang ganap na maipaliwanag ito ni Pedro, makikita niya na kumilos si Jesus nang naiiba sa lahat, dahil gumawa Siya ng mga bagay-bagay na malayo sa ginagawa ng karaniwang tao. Mula sa panahon ng kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus, natanto rin ni Pedro na ang Kanyang karakter ay iba roon sa karaniwang tao. Palagi Siyang kumikilos nang matatag at hindi kailanman nagmamadali, hindi kailanman nagmamalabis ni minaliit ang isang paksa, at pinatakbo ang Kanyang buhay sa paraang kapwa karaniwan at kahanga-hanga. Sa pakikipag-usap, si Jesus ay elegante at kaaya-aya, hayag at masayahin ngunit panatag, at hindi kailanman nawala ang Kanyang dignidad sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Nakita ni Pedro si Jesus na paminsan-minsang walang-imik, ngunit sa ibang pagkakataon ay walang tigil sa pagsasalita. Paminsan-minsan Siya ay napakasaya kaya nagiging maliksi at buhay na buhay Siya tulad ng isang kalapati, at paminsan-minsan naman ay napakalungkot kaya hindi Siya talaga nagsasalita, na para bang isang inang binagyo. Kung minsan Siya ay galit na galit, tulad ng isang matapang na sundalo na lulusob upang pumatay ng mga kaaway, at paminsan-minsan ay katulad pa ng umaatungal na leon. Paminsan-minsan ay tumatawa Siya; sa ibang pagkakataon ay nananalangin at umiiyak Siya. Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hanggang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon.

—mula sa “Paano Nakilala ni Pedro si Jesus” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos ay ipinahahayag sa Kanyang gawain: Kapag naranasan lamang nila ang Kanyang gawain, saka lamang matutuklasan ng mga tao ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, sa tunay na mga karanasan lamang nila maaaring pahalagahan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at sa hindi pagsunod nito sa tunay na buhay, walang sinuman ang maaaring makatuklas ng pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Marami ang kaibig-ibig sa Diyos, nguni’t hindi ito nagagawang tuklasin ng mga tao nang hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya nang aktwal. Na ang ibig sabihin, kung hindi naging tao ang Diyos, hindi magagawa ng mga tao ang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin sila makararanas ng Kanyang gawain—at pati ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay mababahiran ng mga kasinungalingan at imahinasyon. Ang pag-ibig sa Diyos sa langit ay hindi tunay na tulad ng pag-ibig sa Diyos sa lupa, sapagka’t ang pagkilala ng mga tao sa Diyos sa langit ay gawa lamang sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na kung ano ang kanilang nakita na sa kanilang sariling mga mata, at kung ano ang kanilang naging sariling karanasan. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, nagagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktwal na mga gawa at Kanyang pagiging kaibig-ibig, at maaari nilang makita ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay libu-libong beses na mas totoo kaysa sa pagkilala sa Diyos sa langit. Hindi alintana kung gaano kamahal ng mga tao ang Diyos sa langit, walang kahit ano ang totoo sa pag-ibig na ito, at ito ay puno ng kuru-kuro ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pag-ibig para sa Diyos sa lupa, ang pag-ibig na ito ay totoo; kahit na may kaunti lamang nito, ito ay totoo pa rin. Nagpapakilala ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng tunay na gawain, at sa pamamagitan ng kaalaman na ito nakakamit Niya ang kanilang pag-ibig. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya nanirahan kasama si Jesus, magiging imposible para sa kanyang sambahin si Jesus. Kaya, gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang mahalin Siya ng tao, ang Diyos ay dumating sa gitna ng tao at namumuhay kasama ng tao, at lahat ng Kanyang ginagawa na makita at maranasan ng tao ay ang realidad ng Diyos.

—mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mamumuhay sa Kanyang Liwanag Magpakailanman” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang grupo ng mga tao na nais makamit ng Diyos na nagkatawang-tao sa kasalukuyan ay yaong sumusunod sa Kanyang kalooban. Kailangan lamang ng mga tao na sundin ang Kanyang gawain, hindi palaging abalahin ang kanilang mga sarili sa mga ideya ukol sa Diyos sa langit, mabuhay sa loob ng kalabuan, o gawing mahirap ang mga bagay para sa Diyos na nasa katawang-tao. Yaong nakakasunod sa Kanya ay yaong mga walang pasubaling nakikinig sa Kanyang mga salita at sinusunod ang Kanyang mga pagsasaayos. Ni hindi papansinin ng mga taong ito kung ano talaga ang nakakatulad ng Diyos sa langit o kung anong uri ng gawain ang kasalukuyang ginagawa ng Diyos sa langit sa sangkatauhan, nguni’t ibinibigay nila nang buo ang kanilang mga puso sa Diyos sa lupa at inilalagay ang kanilang buong mga pagkatao sa harap Niya. Hindi nila kailanman isinaalang-alang ang kanilang sariling kaligtasan, at hindi sila kailanman gumawa ng isang pag-aalala sa pagiging normal at praktikalidad ng Diyos sa katawang-lupa. Yaong mga sumusunod sa Diyos sa katawang-lupa ay maaari Niyang gawing perpekto. Yaong mga naniniwala sa Diyos sa langit ay walang anumang makakamit. Ito ay dahil hindi ang Diyos sa langit, nguni’t ang Diyos sa lupa ang nagkakaloob ng mga pangako at mga pagpapala sa mga tao. Hindi dapat palaging pinalalaki ng mga tao ang Diyos sa langit at titingnan ang Diyos sa lupa bilang pangkaraniwang tao. Ito ay hindi makatarungan. Ang Diyos sa langit ay dakila at kamangha-mangha na mayroong kahanga-hangang karunungan, nguni’t hindi talaga ito umiiral. Ang Diyos sa lupa ay masyadong karaniwan at walang kabuluhan; Siya rin ay masyadong normal. Hindi Niya taglay ang isang di-pangkaraniwang pag-iisip o mga pagkilos na nakawawasak ng mundo. Siya ay gumagawa at nagsasalita lamang sa isang napakanormal at praktikal na paraan. Kahit hindi Siya nagsasalita sa pamamagitan ng kulog o ipinatatawag ang hangin at ang ulan, Siya talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa langit, at Siya talaga ang Diyos na namumuhay sa gitna ng mga tao. Hindi kailangang palakihin ng mga tao ang isa na nagagawa nilang maunawaan at na tumutugma sa kanilang sariling mga imahinasyon bilang Diyos, o tingnan ang Isa na hindi nila kayang tanggapin at walang pasubaling hindi kayang isipin bilang mababa. Ang lahat ng ito ay pagiging mapanghimagsik ng mga tao; ito ang lahat ng pinagmulan ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos.

—mula sa “Ang mga Tao na Maaaring Walang Pasubali na Masunurin Tungo sa Praktikalidad ng Diyos ay Yaong mga Tunay na Umiibig sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kaugnay na Content