Ano ang mga kaibhan sa pagitan ng buhay sa iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya at ng buhay sa iglesia sa Kapanahunan ng Kaharian?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At samantalang sila’y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:26–28).

At ako’y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, Kunin mo ito, at ito’y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa’t sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot” (Pahayag 10:9).

Ano ang mga kaibhan sa pagitan ng buhay sa iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya at ng buhay sa iglesia sa Kapanahunan ng Kaharian?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nang, sa Kapanahunan ng Biyaya, bumalik ang Diyos sa ikatlong langit, ang gawain ng pagtubos ng Diyos sa buong sangkatauhan ay talagang nakasulong na tungo sa pangwakas na yugto nito. Ang tanging natira sa daigdig ay ang krus na pinasan ni Jesus, ang pinong lino na ibinalot kay Jesus, at ang koronang tinik at matingkad na pulang balabal na isinuot ni Jesus (ito ang mga bagay na ginamit ng mga Judio upang libakin Siya). Samakatuwid nga, ang gawain ng pagpapapako sa krus ni Jesus ay nagdulot ng panandaliang kaguluhan at pagkatapos ay natahimik na. Mula noon, ang mga disipulo ni Jesus ay nag-umpisang isulong ang Kanyang gawain, nagpapastol at nagdidilig sa mga iglesia sa lahat ng dako. Ito ang nilalaman ng kanilang gawain: mapagsisi ang lahat ng tao, mapaamin sa kanilang mga kasalanan, at mabautismuhan; pinalalaganap ng lahat ng apostol ang kuwentong napapaloob sa pagpapapako sa krus ni Jesus at kung ano talaga ang nangyari, lahat ay walang magawa kundi lumuhod sa harap ni Jesus upang aminin ang kanilang mga kasalanan, at bukod diyan pinalalaganap ng mga apostol sa lahat ng dako ang mga salitang binigkas ni Jesus at ang mga batas at kautusan na itinatag Niya. Mula sa puntong iyon ay nagsimula ang pagtatayo ng mga iglesia sa Kapanahunan ng Biyaya.

—mula sa “Gawain at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa nakalipas, sa panahon ng mga natatanging pagtitipon o maringal na mga pagtitipon na ginanap sa iba’t ibang lugar, isang tanging aspeto ng landas ng pagsasagawa ang pinag-usapan. Ang ganoong pagsasagawa ay yaong dapat isagawa sa Kapanahunan ng Biyaya, at bahagyang nagtaglay ng anumang kaugnayan sa kaalaman tungkol sa Diyos, dahil ang pangitain ng Kapanahunan ng Biyaya ay ang pangitain lamang ng pagkakapako sa krus ni Jesus, at walang mga pangitain na higit pa rito. Wala nang dapat malaman ang tao maliban sa gawain ng Kanyang pagtubos sa sangkatauhan sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus, kaya’t sa Kapanahunan ng Biyaya wala ng ibang mga pangitain na kailangang malaman ang tao. Sa ganitong paraan, ang tao ay mayroon lamang katiting na kaalaman tungkol sa Diyos, at bukod sa kaalaman tungkol sa pag-ibig at awa ni Jesus, mayroon lamang ilang payak at kahabag-habag na mga bagay para sa kanya upang isagawa, mga bagay na napakalayo mula sa ngayon. Sa nakalipas, anuman ang anyo ng kanyang pagtitipon, walang kakayahan ang tao na mangusap ng praktikal na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos, lalong hindi nasabi ng sinuman nang malinaw kung alin ang pinaka-angkop na landas ng pagsasagawa para pasukin ng tao. Nagdagdag lamang Siya ng ilang payak na detalye sa saligan ng pagtitimpi at pagtitiis; wala talagang pagbabago sa diwa ng kanyang pagsasagawa, dahil sa parehong kapanahunan hindi gumawa ang Diyos ng anumang mas bagong gawain, at ang tanging kinailangan Niya sa tao ay ang pagtitimpi at pagtitiis, o pagpasan ng krus. Maliban sa gayong mga pagsasagawa, walang mas mataas na mga pangitain kaysa sa pagkakapako sa krus ni Jesus.

—mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa tuwing nagtitipun-tipon ang mga naturang relihiyosong tao, tinatanong nila, “Kapatid, kumusta ka sa mga araw na ito?” Sumasagot siya, “Pakiramdam kong may utang na loob ako sa Diyos at hindi ko kayang tuparin ang nais ng Kanyang puso.” Sinasabi ng isa pa, “May utang na loob din ako sa Diyos nguni’t hindi ko Siya kayang bigyang-kasiyahan.” Sa mga pangungusap at salita lamang na ito ay ipinapahayag ang kasuklam-suklam na mga bagay na nasa loob ng kanilang mga puso. Ang mga naturang salita ang pinaka-nakapandidiri at lubos na kasuklam-suklam. Ang kalikasan ng naturang tao ay sumasalungat sa Diyos. Ang mga nakatuon sa realidad ay nakikipag-usap kung anuman ang nasa kanilang mga puso at binubuksan ang kanilang mga puso sa pakikipag-usap. Walang anumang bakas ng masamang gawa, walang kunwaring paggalang o mga walang katuturang pagbibiro. Lagi silang prangka at walang mga sinusunod na makamundong patakaran. May mga taong may pagkahilig sa pagkukunwari, kahit walang anumang kahulugan. Kapag kumakanta ang isa pa, nagsisimula siyang sumayaw, ni hindi man lang napapansin na sunog na ang kaning nasa kanyang palayok. Ang mga naturang uri ng tao ay hindi maka-Diyos o kagalang-galang, at masyadong mababaw. Ang lahat ng ito ay pagpapakita ng kakulangan ng realidad. Kapag ang ilang tao ay nakikipagniig tungkol sa mga bagay ng espiritwal na buhay, bagaman hindi nila binabanggit ang pagkakautang sa Diyos, pinananatili nila ang tunay na pagmamahal sa Kanya sa loob ng kanilang mga puso. Ang iyong pagkakautang sa Diyos ay walang kinalaman sa iba; may utang na loob ka sa Diyos, hindi sa tao. Kaya anong silbi na parati mo itong binabanggit sa iba? Kailangang bigyan mo ng halaga ang pagtanggap sa realidad, hindi panlabas na sigasig o pakitang-tao.

—mula sa “Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa “pagbabahagi at pagniniig ng mga karanasan,” ang ibig sabihin ay pagsasabi ng bawat kaisipan sa iyong puso, iyong kalagayan, iyong mga karanasan at kaalaman sa mga salita ng Diyos, gayundin ang tiwaling disposisyon sa loob mo. At matapos iyan, natatalos ng iba ang mga bagay na ito, at tinatanggap ang positibo at kinikilala yaong negatibo. Ito lamang ang pagbabahagi, at ito lamang ang talagang pakikipagniig. Hindi lamang ito basta nangangahulugan ng pagkakaroon ng mga pagkaunawa sa mga salita ng Diyos o isang bahagi ng isang himno, at pakikipagniig ayon sa gusto mo at pagkatapos ay hindi na pagpapalawig pa nito, at hindi pagsasalita ng anumang may kaugnayan sa iyong sariling aktuwal na buhay. Nagsasalita ang lahat tungkol sa kaalamang doktrinal at teoretikal, at walang sinasabi tungkol sa kaalamang hinango mula sa aktuwal na mga karanasan. Umiiwas kayong lahat na pag-usapan ang tungkol sa gayong mga bagay, tungkol sa inyong mga personal na buhay, tungkol sa inyong buhay sa iglesia kasama ang inyong mga kapatiran, at tungkol sa inyong sariling panloob na mundo. Sa ganitong paraan, paano magkakaroon ng tunay na pagtatalastasan sa pagitan ng mga tao? Paano magkakaroon ng tunay na pagtitiwala? Hindi nagkakaroon ng anuman! Kung nakakaya ng mga kapatid na magsabi ng niloloob sa isa’t isa, tulungan ang isa’t isa, at tustusan ang isa’t isa kapag magkakasama sila, kung gayon bawa’t tao ay dapat magsalita ng kani-kanilang sariling tunay na karanasan. Kung hindi ka nagsasalita ng sarili mong tunay na karanasan, at nagsasalita lamang ng mga matatayog-pakinggang salita, at mga salitang mala-doktrina at mababaw, kung gayon ikaw ay hindi isang taong tapat, at hindi mo kayang maging matapat.

—mula sa “Ang Pinakasaligang Pagsasagawa ng Pagiging Isang Taong Tapat” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Kapag nagpapatotoo para sa Diyos, dapat pangunahing nagsasalita kayo tungkol sa kung paano hinahatulan at kinakastigo ng Diyos ang mga tao, kung anong mga pagsubok ang ginagamit Niya para pinuhin ang mga tao at baguhin ang kanilang mga disposisyon. Dapat ring magsalita tungkol sa kung gaano nang katiwalian ang naibubunyag sa inyong karanasan, kung gaano na ang inyong natitiis at kung paano kayo nalupig kalaunan ng Diyos; kung gaanong tunay na kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos ang mayroon kayo, at kung paano kayo dapat sumaksi para sa Diyos at suklian Siya dahil sa Kanyang pag-ibig. Dapat ninyong lagyan ng substansya ang ganitong uri ng wika, habang inilalagay ito sa isang payak na paraan. Huwag ninyong sangkapan ang inyong mga sarili ng mga tila malalim at walang-lamang teorya para magyabang; sa paggawa nito ay nagmumukha kayong mapagmataas at walang-katuturan. Magsalita nang higit tungkol sa mga bagay na may katunayan mula sa mga praktikal na karanasan, at magsalita mula sa puso; ito ay pinaka-kapaki-pakinabang sa iba, at pinaka-nararapat na makita nila. Dati kayo ay mga taong labis na sumasalungat sa Diyos at pinaka malabong magpasakop sa Diyos, nguni’t ngayon kayo’y nalulupig na ng Kanyang mga salita—huwag kalimutan iyan. Dapat ninyong masigasig na paglaanan ng matinding pagbubulay-bulay at pag-iisip ang mga usaping ganito. Sa sandaling natanto ninyo ito, malalaman ninyo kung paano magpatotoo; kung hindi, baka makagawa kayo ng mga kilos na kahiya-hiya at walang-katuturan.

—mula sa “Ang Pangunahing Katwiran na Dapat Taglayin ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Kaugnay na Content