Ang kabuluhan ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay maaaring makita sa mga resultang natamo nito

(1) Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ginawa para mapadalisay, mailigtas at magawang perpekto ang tao, at para makabuo ng isang grupo ng mga mananagumpay

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Sapagka’t tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa panahon ng pagsubok, na darating sa buong sanglibutan, upang subukin ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa. Ako’y dumarating na madali: panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang huwag kunin ng sinoman ang iyong putong. Ang magtagumpay, ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Dios, at hindi na siya’y lalabas pa doon: at isusulat ko sa kaniya ang pangalan ng aking Dios, at ang pangalan ng bayan ng aking Dios, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa aking Dios, at ang aking sariling bagong pangalan” (Pahayag 3:10–12).

Ang mga ito’y ang hindi nangahawa sa mga babae; sapagka’t sila’y mga malilinis. At ang mga ito’y ang nagsisisunod sa Cordero saan man siya pumaroon. Ang mga ito’y ang binili sa gitna ng mga tao, na maging mga pangunahing bunga sa Dios at sa Cordero. At sa kanikaniyang bibig ay walang nasumpungang kasinungalingan: sila’y mga walang dungis” (Pahayag 14:4–5).

paghatol ng Diyos sa mga huling araw

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano ng pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakarating na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng nakasunod sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

—mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa kasalukuyan hinahatulan kayo ng Diyos, at kinakastigo kayo, at pinarurusahan kayo, nguni’t talastasin na ang pagpaparusa sa iyo ay upang makilala mo ang iyong sarili. Ang paggawad ng parusa, pagsumpa, paghatol, pagkastigo—lahat ng ito ay upang malaman mo ang iyong sarili, upang ang iyong disposisyon ay maaaring magbago, at, higit pa rito, upang maaaring malaman mo ang iyong halaga, at makita na ang lahat ng pagkilos ng Diyos ay matuwid, at alinsunod sa Kanyang disposisyon at ang mga pangangailangan sa Kanyang gawain, na Siya ay gumagawa alinsunod sa Kanyang plano sa kaligtasan ng tao, at na Siya ang matuwid na Diyos na iniibig ang tao, at inililigtas ang tao, at Siyang humahatol at kumakastigo sa tao. Kung nalalaman mo lamang na mababa ang iyong katayuan, at na ikaw ay tiwali at masuwayin, nguni’t hindi nalalaman na ninanais ng Diyos na gawing karaniwan ang Kanyang pagliligtas sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo na Kanyang ginagawa sa iyo sa kasalukuyan, kung gayon ay wala kang paraan ng pagdanas, lalong hindi ka makapagpapatuloy nang pasulong. Ang Diyos ay hindi dumating upang pumatay, o magwasak, nguni’t para humatol, sumumpa, kumastigo, at magligtas. Bago sa pagtatapos ng Kanyang 6,000 taon ng plano sa pamamahala—bago Niya gawing karaniwan ang katapusan ng bawat kategorya ng tao—ang gawain ng Diyos sa lupa ay para sa kapakanan ng kaligtasan, ang lahat ay upang lubos na gawing ganap yaong mga umiibig sa Kanya, at dalhin sila sa pagsasailalim sa Kanyang kapamahalaan. Hindi alintana kung paano nagliligtas ng mga tao ang Diyos, ang lahat ay ginagawa sa pamamagitan ng pagtulot sa kanila na humiwalay mula sa kanilang lumang mala-satanas na kalikasan; iyon ay, inililigtas Niya sila sa pamamagitan ng papangyarihin sa kanila na hangarin ang buhay. Kung hindi nila hinahangad ang buhay kung gayon ay hindi sila magkakaroon ng paraan upang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos. Ang pagliligtas ay gawain ng Diyos Mismo at ang paghahangad sa buhay ay isang bagay na dapat taglayin ng tao upang tanggapin ang kaligtasan. Sa mga mata ng tao, ang kaligtasan ay ang pag-ibig ng Diyos, at ang pag-ibig ng Diyos ay hindi maaaring maging pagkastigo, paghatol, at pagsumpa; ang kaligtasan ay kailangang mayroong taglay na pag-ibig, awa, at, higit pa rito, ng mga salita ng kasiyahan, at kailangang taglayin ang walang hanggang mga pagpapala na ipinagkaloob ng Diyos. Ang mga tao ay naniniwala na kapag inililigtas ng Diyos ang tao ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng pag-antig sa kanila at tulutan sila na ibigay ang kanilang mga puso sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang mga pagpapala at biyaya. Iyon ay upang sabihin, kapag inaantig Niya ang mga tao inililigtas Niya ang mga ito. Ang kaligtasan na kagaya nito ay kaligtasan kung saan ang isang pakikipagkalakalan ay ginagawa. Kapag pinagkalooban lamang sila ng Diyos ng sandaang beses saka pa lamang magpapasailalim ang tao sa pangalan ng Diyos, at magsisikap na gumawang mabuti para sa Diyos at dalhan Siya ng kaluwalhatian. Hindi ito ang kalooban ng Diyos para sa sangkatauhan. Ang Diyos ay naparito na para gumawa sa lupa upang iligtas ang tiwaling sangkatauhan—walang kabulaanan dito; kung hindi, tiyak na hindi Siya darating upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Sa nakaraan, ang Kanyang paraan ng pagliligtas ay ang pagpapakita ng sukdulang pag-ibig at awa, anupa’t ibinigay ang lahat Niya kay Satanas kapalit ng kabuuan ng sangkatauhan. Ang kasalukuyan ay hindi kagaya ng nakaraan: Sa kasalukuyan, ang inyong kaligtasan ay nangyayari sa panahon ng mga huling araw, sa panahon ng pag-uuri ng bawat isa ayon sa uri; ang mga paraan ng inyong kaligtasan ay hindi pag-ibig o awa, bagkus ay pagkastigo at paghatol upang ang tao ay maaaring mas lubusang maligtas. Kung gayon, lahat ng inyong natatanggap ay pagkastigo, paghatol, at walang awang paghampas, nguni’t talastasin na sa walang pusong paghampas na ito ay wala ni kakatiting na kaparusahan, talastasin na hindi alintana kung gaano man kabagsik ang Aking mga salita, kung ano ang sumasapit sa inyo ay kakaunting mga salita lamang na lumilitaw na talagang walang puso sa inyo, at talastasin na, gaano man katindi ang Aking galit, kung ano ang darating sa inyo ay mga salita pa rin ng pagtuturo, at hindi Ko layon na saktan kayo, o ilagay kayo sa kamatayan. Hindi ba ito lahat katotohanan? Talastasin ninyo na sa kasalukuyan, maging ito man ay matuwid na paghatol o walang pusong pagpipino at pagkastigo, ang lahat ay para sa kapakanan ng kaligtasan. Hindi alintana kung sa kasalukuyan man ay mayroong pag-uuri sa bawat isa ayon sa uri, o ang paghahanap ng mga kategorya ng tao, ang lahat ng pagbigkas ng Diyos at gawain ay upang iligtas yaong mga tunay na umiibig sa Diyos. Ang matuwid na paghatol ay upang dalisayin ang tao, ang walang pusong pagpipino ay upang linisin ang tao, ang masasakit na salita o pagkastigo ay lahat upang dalisayin, at para sa kapakanan ng kaligtasan. At kaya, ang kasalukuyang paraan ng pagliligtas ay hindi kagaya noong nakaraan. Sa kasalukuyan, ang matuwid na paghatol ay inililigtas kayo, at isang mabuting kasangkapan sa pagbubukod-bukod sa bawat isa sa inyo ayon sa uri, at ang malulupit na pagkastigo ay magdudulot sa inyo ng pinakadakilang kaligtasan—at ano ang masasabi ninyo sa harap ng pagkastigong ito at paghatol? Hindi ba ninyo natamasa na ang pagliligtas mula umpisa hanggang katapusan? Pareho ninyong nakita na ang Diyos na nagkatawang-tao at napagtanto ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan at karunungan; higit pa rito, naranasan na ninyo ang paulit-ulit na paghampas at disiplina. Nguni’t hindi rin ba kayo nakatanggap na ng pinakadakilang biyaya? Ang inyong mga pagpapala ay hindi ba higit na malaki kaysa sa sinuman? Ang inyong mga biyaya ay higit na sagana kaysa sa kaluwalhatian at mga kayamanang tinamasa ni Solomon! Pag-isipan ninyo ito: Kung ang Aking layunin sa pagdating ay upang hatulan at parusahan kayo, at hindi upang iligtas kayo, maaari kayang magtagal ang inyong mga araw? Magagawa ninyo kayang, ang mga makasalanang nilalang na ito ng laman at dugo, makatagal hanggang sa kasalukuyan? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng pagpaparusa sa inyo, bakit kakailanganin Kong maging katawang-tao at magsimula ng gayong kalaking proyekto? Hindi ba kakailanganin lamang ng pagbigkas ng isang salita upang parusahan kayong mga mortal lamang? Magbabalak pa ba Akong wasakin ka pagkatapos Kitang parusahan? Hindi mo pa rin ba paniniwalaan ang mga salita Kong ito? Maililigtas Ko ba ang tao sa pamamagitan lamang ng pag-ibig at awa? O magagamit Ko lamang ang pagkakapako sa krus upang iligtas ang tao? Ang Akin bang matuwid na disposisyon ay hindi higit na kaaya-aya sa paggawa sa tao na maging lubos na masunurin? Hindi ba nito nagagawang lalong ganap na maligtas ang tao?

Bagama’t ang Aking mga salita ay maaaring maging mahigpit, ang mga ito ay sinasabing lahat para sa kaligtasan ng tao, sapagka’t Ako ay nagsasabi lamang ng mga salita at hindi pinarurusahan ang laman ng tao. Ang mga salitang ito ay nagiging dahilan sa tao upang mabuhay sa liwanag, upang malaman na ang liwanag ay umiiral, upang malaman na ang liwanag ay napakahalaga, lalong higit pa upang malaman kung gaano kapaki-pakinabang ang mga salitang ito sa tao, at upang malaman na ang Diyos ay kaligtasan. Bagama’t nakapagsalita na Ako ng maraming salita ng pagkastigo at paghatol, ang mga ito ay hindi pa nangyari sa inyo sa gawa. Ako ay dumating na upang gawin ang Aking gawain, upang sabihin ang Aking mga salita, at bagama’t maaaring mahigpit ang Aking mga salita, ang mga ito ay sinasalita sa paghatol sa iyong katiwalian at pagiging mapaghimagsik. Ang layunin sa paggawa Ko nito ay nananatili upang iligtas ang tao sa sakop ni Satanas, upang gamitin ang Aking mga salita upang iligtas ang tao; ang Aking layunin ay hindi upang saktan ang tao sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang aking mga salita ay mahigpit upang ang mga resulta ay makamit mula sa Aking gawain. Sa pamamagitan lamang ng paggawa sa ganitong paraan maaaring makilala ng tao ang kanilang mga sarili at humiwalay mula sa kanilang mapaghimagsik na disposisyon. Ang pinakadakilang kahalagahan ng gawain sa mga salita ay ang pagpapahintulot sa tao na isagawa ang katotohanan pagkatapos maintindihan ang katotohanan, magkamit ng mga pagbabago sa kanilang disposisyon, at makamit ang pagkakilala sa kanilang mga sarili at ang gawain ng Diyos. Ang mga pamamaraan lamang ng paggawa sa pamamagitan ng pagsasalita ang maaaring hayaan ang komunikasyon sa pagitan ng Diyos at tao, ang mga salita lamang ang makapagpapaliwanag sa katotohanan. Ang paggawa sa ganitong paraan ay ang pinakamahusay na paraan ng paglupig sa tao; bukod sa pagbigkas ng mga salita, wala ng iba pang paraan ang may kakayahang magbigay sa tao ng isang mas malinaw na pagkaunawa sa katotohanan at sa gawain ng Diyos, at kaya sa Kanyang panghuling yugto ng gawain, ang Diyos ay nagsasalita sa tao upang buksang lahat sa tao ang mga katotohanan at mga hiwaga na hindi nila naiintindihan, magpapahintulot sa kanila na matamo ang tunay na daan at ang buhay mula sa Diyos, at sa gayo’y mapalulugod ang kalooban ng Diyos.

—mula sa “Dapat Mong Isantabi Ang mga Pagpapala ng Katayuan at Unawain ang Kalooban ng Diyos Para sa Kaligtasan ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa katotohanan, ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang sinaunang ninuno. Lahat ng paghatol sa pamamagitan ng salita ay naglalayong ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at bigyang-kakayahan ang mga tao na maunawaan ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumutusok lahat sa mga puso ng mga tao. Bawat paghatol ay tuwirang nakakaapekto sa kanilang kapalaran at naglalayong sugatan ang kanilang mga puso para kanilang mapapakawalan ang lahat ng bagay na yaon at sa gayon ay makilala ang buhay, makilala ang maruming mundong ito, at makilala rin ang karunungan at pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos at makilala ang sangkatauhang ito na ginawang tiwali ni Satanas. Kung mas marami ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, mas masusugatan ang puso ng tao at mas magigising ang kanyang espiritu. Ang paggising sa espiritu ng mga taong ito na ginawang napakatiwali at lubhang nalinlang ang mithiin ng uring ito ng paghatol. Ang tao ay walang espiritu, ibig sabihin, ang kanyang espiritu ay matagal nang namatay at hindi niya alam na may Langit, hindi niya alam na mayroong Diyos, at tiyak na hindi nalalamang siya ay nakikipagtunggali sa bangin ng kamatayan; paano magiging posibleng malaman niya na siya ay namumuhay sa loob nitong masamang impiyerno sa lupa? Paano magiging posibleng malaman niya na itong nabubulok na bangkay niya, sa pamamagitan ng pagtitiwali ni Satanas, ay nahulog tungo sa Hades ng kamatayan? Paano magiging posibleng malaman niya na ang lahat sa lupa ay matagal nang nawasak nang hindi na maaayos ng sangkatauhan? At paano magiging posibleng malaman niya na ang Lumikha ay dumating na sa lupa ngayon at naghahanap ng isang pangkat ng mga tiwaling tao na maaari Niyang iligtas? Kahit pagkatapos maranasan ng tao ang bawat posibleng pagpipino at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pa rin lamang na nagigising at halos hindi tumutugon. Ang sangkatauhan ay masyadong napababa! Bagaman ang uring ito ng paghatol ay tulad ng malupit na bola ng yelong nahuhulog mula sa papawirin, mayroon itong pinakamalaking pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na gaya nito, hindi magkakaroon ng bunga at magiging walang-pasubaling imposible na magligtas ng mga tao mula sa bangin ng paghihirap. Kung hindi sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay matagal nang namatay at ang kanilang mga espiritu ay matagal nang niyurakan ni Satanas. Ang pagliligtas sa inyo na napalubog sa pinakamalalim na kalaliman ng pagbaba ay nangangailangan ng pagtawag sa inyo nang napakalakas, paghatol sa inyo nang napakatindi, at saka lamang magigising iyang mala-yelo sa lamig na puso ninyo.

—mula sa “Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kayong lahat ay tumira sa isang lugar ng kasalanan at kahalayan; kayong lahat ay mahalay at makasalanang mga tao. Ngayon hindi ninyo lang makikita ang Diyos, ngunit ang mas mahalaga, natanggap na ninyo ang pagkastigo at paghatol, tumanggap ng gayong pinakamalalim na kaligtasan, ito ay, tumanggap ng pinakadakilang pag-ibig ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang totoong pag-ibig sa inyo; wala Siyang masamang intensiyon. Nang dahil sa inyong mga kasalanan, kayo ay hinahatulan Niya, upang suriin ninyo ang inyong mga sarili at tanggapin itong napakalaking kaligtasan. Lahat ng ito ay ginagawa upang hubugin ang tao. Mula simula hanggang katapusan, ang Diyos ay ginagawa ang Kanyang buong makakaya upang mailigtas ang tao, at tiyak na Siya ay hindi makapapayag na tuluyang mawasak ang mga tao na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay. Ngayon Siya ay lumapit sa inyo upang gumawa; hindi ba ito ay higit pang kaligtasan? Kung kinamuhian Niya kayo, gagawin pa ba Niya ang gawain na ganoon kalawak upang personal na akayin kayo? Bakit Niya kailangang magdusa? Hindi kayo kinamumuhian ng Diyos o mayroong anumang masamang intensiyon ang Diyos sa inyo. Dapat ninyong alamin na ang pag-ibig ng Diyos ay ang pinakatotoong pag-ibig. Dahil lamang sa pagsuway ng tao kaya sila ay kailangang iligtas Niya sa pamamagitan ng paghatol; kung hindi, sila ay hindi maliligtas. Dahil hindi ninyo alam kung paano mamuhay o kung paano mabuhay, at kayo ay nabubuhay sa mahalay at makasalanang lugar na ito at kayo ay mga mahalay at maruming mga diyablo, hindi Niya maatim na pabayaan kayong maging mas napakasama; hindi rin Niya maatim na makita kayong nabubuhay sa maruming lugar kagaya nito, tinatapakan ni Satanas kung kailan nito gusto, o maatim na hayaan kayong mahulog sa Hades. Nais lang Niya na makuha itong inyong pangkat at lubusang iligtas kayo. Ito ang pangunahing layunin ng paggawa ng gawaing panlulupig sa inyo—ito ay para lamang sa kaligtasan. Kung hindi mo makikita na ang lahat ng ginawa sa iyo ay pag-ibig at kaligtasan, kung iniisip mo na ito ay isa lang paraan, isang paraan upang pahirapan ang tao at isang bagay na di-mapagkakatiwalaan, sa gayon mas mabuti pang bumalik ka sa iyong mundo upang magdusa ng sakit at paghihirap! Kung nais mo na mapasama sa agos na ito at masiyahan sa paghatol na ito at itong napakalaking kaligtasan, masiyahan sa lahat ng pagpapala na hindi matatagpuan kahit saanman sa mundo ng mga tao, at masiyahan sa pag-ibig na ito, kung gayon manatili nang mapagpasakop sa agos na ito upang tanggapin ang gawaing panlulupig upang ikaw ay magiging perpekto. Kahit na ikaw ay nagdurusa ng ilang pasakit at kapinuhan ngayon dahil sa paghatol, ang pasakit na ito ay mahalaga at makabuluhan. Kahit na ang pagkastigo at paghatol ay mga kapinuhan at walang-awang pagsisiwalat sa tao, na layong parusahan ang kanyang mga kasalanan at parusahan ang kanyang laman, wala sa mga gawain na ito ay nilalayong isumpa at puksain ang kanyang laman. Ang mga matinding pagsisiwalat na ito ng salita ay lahat para sa layuning akayin ka sa tamang landas. Personal ninyong naranasan na ang napakarami sa mga gawaing ito at, malinaw na, hindi kayo naakay sa isang masamang daan! Ang lahat ng ito ay upang makaya mong isabuhay ng isang normal na pagkatao; ang lahat ng ito ay isang bagay na kayang matamo ng iyong normal na pagkatao. Ang bawat hakbang ng gawain ay ginagawa ayon sa iyong mga pangangailangan, ayon sa iyong mga kahinaan, at ayon sa iyong aktwal na tayog, at walang hindi kakayaning pasanin ang inilalagay sa inyo. Kahit na hindi mo kayang makita ito nang malinaw ngayon at nararamdaman mo na tila ikaw ay pinahihirapan Ko, kahit na patuloy mong iniisip na ang dahilan kaya ikaw ay kinakastigo at hinahatulan Ko araw-araw at dinudusta ka araw-araw ay dahil namumuhi Ako sa iyo, at kahit na ang iyong tinatanggap ay pagkastigo at paghatol, sa katunayan itong lahat ay pag-ibig sa iyo, ito rin ay malaking proteksiyon para sa iyo.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa harap ng kalagayan ng tao at sa kanyang saloobin tungo sa Diyos, ang Diyos ay gumawa ng bagong gawain, pinahihintulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa at pagkamasunurin tungo sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang pagpipino ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagtabas sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at sumaksi sa Kanya. Ang pagpipino ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may kinikilingang epekto, nguni’t para sa kapakanan ng isang epekto na maraming bahagi. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpipino sa kanila na nakahandang hangarin ang katotohanan, upang ang paninindigan at pag-ibig ng tao ay gawing perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan, at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o ang mayroong mas malaking maitutulong, kaysa sa pagpipino na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagka’t ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa huli, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling maunawaan niyaong ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang paninindigan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya magdurusa, at hindi pinino o hinatulan, kung gayon ang kanyang paninindigan ay hindi magiging perpekto. Para sa lahat ng mga tao, ang pagpipino ay napakahapdi, at napakahirap tanggapin—nguni’t sa panahon ng pagpipino ginagawang malinaw ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, at naglalaan ng mas maraming pagliliwanag, at ng mas maraming pagtabas at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at katotohanan, ibinibigay Niya sa tao ang higit na malaking kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at ibinibigay sa tao ang lalong malaking pagkaunawa ng kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng isang mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Ang gayon ay ang mga layunin ng Diyos sa pagpapatupad ng pagpipino. Taglay ng lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ang sarili nitong mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni gumagawa Siya ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang pagpipino ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, ni nangangahulugan itong pagwasak sa kanila sa impiyerno. Nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng pagpipino, pagbabago sa kanyang mga pagganyak, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang pagpipino ay isang totoong pagsubok sa tao, ang isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng pagpipino maaaring gampanan ng kanyang pag-ibig ang katutubo nitong tungkulin.

—mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag ang Diyos ay gumagawa upang pinuhin ang tao, nagdurusa ang tao. Mas higit ang kanyang pagpipino, mas higit ang kanyang pag-ibig sa Diyos, at higit pang kapangyarihan ng Diyos ang nabubunyag sa loob niya. Mas kaunti ang pagpipino ng tao, mas kaunti ang kanyang pag-ibig sa Diyos, at mas kaunting kapangyarihan ng Diyos ang nabubunyag sa loob niya. Mas higit ang kanyang pagpipino at pagdurusa at mas higit ang paghihirap niya, lalong lalalim ang kanyang tunay na pag-ibig sa Diyos, lalong dadalisay ang kanyang pananampalataya sa Diyos, at lalong lalalim ang kanyang pagkakilala sa Diyos. Makikita mo sa iyong mga karanasan na yaong mga nagtiis ng higit na pagpipino at pagdurusa, maraming pakikitungo at disiplina, ay may malalim na pag-ibig sa Diyos, at isang mas matindi at tumatagos na pagkakilala sa Diyos. Yaong mga hindi pa nakaranas ng anumang pakikitungo ay mayroon lamang mababaw na pagkakilala, at makapagsasabi lamang: “Ang Diyos ay napakabuti, iginagawad Niya ang mga biyaya sa mga tao upang Siya ay kanilang matamasa.” Kung naranasan ng mga tao na mapakitunguhan at madisiplina, masasabi nila kung gayon ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Kaya mas kahanga-hanga ang gawain ng Diyos sa tao, mas mahalaga at makabuluhan ito. Mas di-tumatagos ito para sa iyo at mas di-kaayon ito ng iyong mga pagkaunawa, mas kaya kang lupigin, kamtin, at gawing perpekto ng gawain ng Diyos. Ang kabuluhan ng gawain ng Diyos ay napakadakila! Kung hindi Niya pinino ang tao sa paraang ito, kung hindi Siya gumawa ayon sa pamamaraang ito, kung gayon ang gawain ng Diyos ay magiging di-epektibo at walang kabuluhan. Ito ang dahilan sa likod ng di-pangkaraniwang kabuluhan ng Kanyang pagpili sa isang grupo ng mga tao sa panahon ng mga huling araw. Sinabi na dati na pipiliin ng Diyos at kakamtin ang grupong ito. Mas higit ang gawain na Kanyang tinutupad sa loob ninyo, mas malalim at mas dalisay ang inyong pag-ibig para sa Diyos. Mas higit ang gawain ng Diyos, mas kayang matikman ng tao ang Kanyang karunungan at mas malalim ang pagkakilala ng tao sa Kanya. Sa mga huling araw, ang 6,000 taong plano sa pamamahala ng Diyos ay magtatapos. Posible bang magtapos ito nang ganoon lamang, napakadali? Sa sandaling nalupig Niya ang sangkatauhan, matatapos na ba ang Kanyang gawain? Napakasimple ba nito? Iniisip ng mga tao na napakasimple lamang nito, nguni’t ang ginagawa ng Diyos ay hindi ganoon kasimple. Anumang bahagi ng gawain ng Diyos ito, lahat ay di-maarok ng tao. Kung nakaya mong arukin ito, sa gayon ang gawain ng Diyos ay magiging walang kabuluhan o halaga. Ang gawain na ginagawa ng Diyos ay di-maarok; masyadong salungat ito sa iyong mga pagkaunawa, at mas hindi maiaayon ito sa iyong mga pagkaunawa, mas ipinakikita nito na ang gawain ng Diyos ay makahulugan; kung kaayon ito sa iyong mga pagkaunawa, sa gayon magiging walang-kahulugan ito. Ngayon, nararamdaman mo na ang gawain ng Diyos ay lubhang kamangha-mangha, at mas kamangha-mangha ito, lalong nararamdaman mo na ang Diyos ay di-maarok, at nakikita mo kung gaano kadakila ang mga gawa ng Diyos. Kung ginawa lamang Niya ang ilang mababaw, madaliang gawain upang lupigin ang tao, at pagkatapos ay tapos na, sa gayon mawawalan ng kakayahan ang tao na mamasdan ang kabuluhan ng gawain ng Diyos. Bagama’t nakakatanggap ka ng kaunting pagpipino ngayon, may malaking pakinabang ito sa pag-unlad ng iyong buhay—kaya’t ang gayong paghihirap ay inyong sukdulang pangangailangan. Ngayon, nakakatanggap ka ng kaunting pagpipino, nguni’t pagkatapos ay tunay na mamamalas mo ang mga gawa ng Diyos, at sasabihin mo sa kahuli-hulihan: “Ang mga gawa ng Diyos ay talagang kamangha-mangha!” Ang mga ito ang magiging mga salita sa puso mo. Yamang naranasan ang pagpipino ng Diyos sa kaunting panahon (ang pagsubok sa mga taga-serbisyo at ang mga panahon ng pagkastigo), sinabi ng ilang mga tao sa kahuli-hulihan: “Ang paniniwala sa Diyos ay talagang mahirap!” Ipinakikita nitong “talagang mahirap” na ang mga gawa ng Diyos ay di-maarok, na ang gawain ng Diyos ay nagtataglay ng dakilang kabuluhan at kahalagahan, at lubhang karapat-dapat na pahalagahan ng tao. Kung, matapos na makagawa Ako ng napakaraming gawain, wala ka kahit katiting na pagkakilala, sa gayon magkakaroon pa ba ng halaga ang Aking gawain? Masasabi mo na: “Talagang mahirap ang paglilingkod sa Diyos, lubhang kamangha-mangha ang mga gawa ng Diyos, totoong matalino ang Diyos! Siya ay kaibig-ibig!” Kung, matapos sumailalim sa isang panahon ng karanasan, nagagawa mong sabihin ang gayong mga salita, sa gayon pinatutunayan nito na iyong nakamtan ang gawain ng Diyos sa loob mo.

—mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya sa publiko ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na makilala ang Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos.

—mula sa “Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang tao ay nabubuhay sa gitna ng laman, na nangangahulugang nabubuhay siya sa isang pantaong impiyerno, at kung wala ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ang tao ay kasingdumi ni Satanas. Paano magiging banal ang tao? Naniwala si Pedro na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ang pinakamabuting pag-iingat sa tao at pinakadakilang biyaya. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol ng Diyos na magigising ang tao, at kapopootan ang laman, at kapopootan si Satanas. Ang mahigpit na pagdisiplina ng Diyos ay nagpapalaya sa tao mula sa impluwensya ni Satanas, siya’y pinalalaya nito mula sa kanyang sariling makitid na mundo, at hinahayaan siyang mamuhay sa liwanag ng presensya ng Diyos. Wala nang higit na mabuting pagliligtas kundi ang pagkastigo at paghatol! Nanalangin si Pedro, “O Diyos! Hangga’t kinakastigo Mo at hinahatulan ako, malalaman ko na hindi Mo ako iniwan. Kahit na hindi Mo ako binibigyan ng kagalakan o kapayapaan, at pinapapamuhay ako sa pagdurusa, at pinagpapasan ako ng hindi-mabilang na mga pagtutuwid, hangga’t hindi Mo ako iniiwan, ang puso ko ay magiging panatag. Ngayon, ang Iyong pagkastigo at paghatol ay naging pinakamabuting pag-iingat sa akin at pinakadakilang pagpapala. Ang ibinibigay Mong biyaya sa akin ay nag-iingat sa akin. Ang biyaya na Iyong ipinagkakaloob sa akin ngayon ay pagpapahayag ng Iyong matuwid na disposisyon, at pagkastigo at paghatol; bukod diyan, ito ay isang pagsubok, at, higit pa riyan, ito ay isang buhay ng pagdurusa.” Nakayang isantabi ni Pedro ang mga kasiyahan ng laman at hanapin ang isang mas malalim na pag-ibig at higit na pag-iingat, dahil marami siyang nakamtang biyaya mula sa pagkastigo at paghatol ng Diyos. Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang buhay na may kahulugan, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at pagpalo ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang maaaring makalaya siya mula sa pagmamanipula at impluwensya ni Satanas at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Alamin na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala, biyaya o pag-iingat para sa tao.

—mula sa “Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dati Ko nang nasabi na ang isang grupo ng mga mananagumpay ay natatamo mula sa Silangan, mga mananagumpay na nagmumula sa gitna ng malaking kapighatian. Ano ang ibig sabihin ng ganoong mga salita? Ang ibig sabihin ng mga iyon ay ang mga taong ito na natamo na ay tunay lamang na sumunod matapos dumaan sa paghatol at pagkastigo, at pakikitungo at pagtatabas at lahat ng uri ng pagpipino. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay hindi malabo at mahirap unawain, ngunit tunay. Hindi pa sila nakakakita ng anumang mga tanda at kababalaghan, o anumang mga himala; hindi sila nagsasalita ng malabong mga titik at mga doktrina, o malalalim na kabatiran; sa halip mayroon silang realidad, at mga salita ng Diyos, at isang tunay na kaalaman sa realidad ng Diyos. Ang ganoon bang grupo ay walang mas higit na kakayahang gawing malinaw ang kapangyarihan ng Diyos?

—mula sa “Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

(2) Ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay para paghiwa-hiwalayin ang lahat ayon sa kanilang uri, para wakasan ang buong kapanahunan, at sa huli ay maisakatuparan ang kaharian ni Cristo

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila. At nakita ko ang mga patay, malalaki at maliliit, na nangakatayo sa harapan ng luklukan; at nangabuksan ang mga aklat: at nabuksan ang ibang aklat, na siyang aklat ng buhay: at ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga aklat, ayon sa kanilang mga gawa. At ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya; at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila: at sila’y hinatulan bawa’t tao ayon sa kanikaniyang mga gawa. At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy. At kung ang sinoman ay hindi nasumpungang nakasulat sa aklat ng buhay, ay ibinulid sa dagatdagatang apoy” (Pahayag 20:11–15).

Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya’y mananahan sa kanila, at sila’y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila: At papahirin niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ng pananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na” (Pahayag 21:3–4).

Ang kaharian ng sanglibutan ay naging sa ating Panginoon, at sa kaniyang Cristo: at siya’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 11:15).

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nang nilikha Ko ang mundo, ginawa Ko ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, na pinagsasama-sama ang lahat ng may anyong nakikita ayon sa uri nito. Habang nalalapit ang pagtatapos ng Aking plano ng pamamahala, Aking ipanunumbalik ang dating estado ng paglikha, Aking ipanunumbalik ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, na gumagawa ng malaking pagbabago sa lahat ng bagay, upang lahat ng bagay ay bumalik sa pinagmulan ng Aking plano. Panahon na!

—mula sa “Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng panlulupig. Ang panlulupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Kung hindi, paano pagpapangkat-pangkatin ang mga tao? Ang gawain na pagpapangkat-pangkat sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao ng iba’t ibang bansa saanman ay mapasasailalim sa gawaing panlulupig. Nangangahulugan ito na ang bawat tao ng sangnilikha ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa uri, paglapit sa luklukan ng paghatol upang hatulan. Walang tao at walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa nitong pagkastigo at paghatol, at walang tao at walang bagay ang makakaiwas sa pagpapangkat-pangkat ayon sa uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga kalangitan at ng lupa ay humahantong sa wakas nito. Paano makatatakas ang tao sa katapusan ng kanyang pag-iral?

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang kasalukuyang gawaing panlulupig ay gawaing nilayong liwanagin ang magiging katapusan ng tao. Bakit Ko sinasabi na ang pagkastigo at paghatol ngayon ay ang paghatol sa harap ng dakilang puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang gawaing panlulupig ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay upang ihayag kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay para hayaan ang lahat, sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig ng pagkastigo at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at sa gayon pangkatin ayon sa uri pagkatapos? Sa halip na sabihing ito ay ang panlulupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita nito kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Iyon ay, ito ang paghatol sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ipinakikita ang iba’t ibang mga uri ng tao, sa gayon pinapagpasyahan kung sila ay masama o matuwid. Matapos ang gawaing panlulupig ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay isasama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga matuwid ay isasama sa mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay papangkatin ayon sa uri. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pagpapangkat na ito? Ang pagbubunyag ng katapusan ng bawat klase ng tao ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay, at ito ay gagawin habang ginagawa ang panlulupig sa buong sansinukob (kabilang ang lahat ng gawaing panlulupig na nagsisimula sa kasalukuyang gawain). Itong pagbubunyag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa harap ng luklukan ng paghatol, sa pagpapatuloy ng pagkastigo, at sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig sa mga huling araw. … Ang kahuli-hulihang yugto sa panlulupig ay naglalayong magligtas ng mga tao at magbunyag din ng mga katapusan ng mga tao. Ito ay upang isiwalat ang pagpapakasama ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol at sa gayon sila ay magsisi, bumangon, at itaguyod ang buhay at ang tamang landas ng buhay ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob na paghihimagsik. Subali’t, kung ang mga tao ay hindi pa rin makayang magsisi, hindi pa rin makayang itaguyod ang tamang landas ng buhay ng tao at hindi pa rin makayang itakwil ang mga kasamaang ito, sa gayon sila ay magiging mga layon na hindi na maililigtas para malulon ni Satanas. Ito ang kabuluhan ng panlulupig—upang iligtas ang mga tao at upang ipakita rin ang kanilang katapusan. Magandang katapusan, masamang katapusan—itong lahat ay ibinubunyag ng gawaing panlulupig. Kung ang mga tao ay maliligtas o isusumpa ay ibinubunyag lahat sa panahon ng gawaing panlulupig.

—mula sa “Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay isasaayos ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang likas na katangian. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kahihinatnan ng sangkatauhan at ang kanilang hantungan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para ilantad ang kanilang pagsuway at kasamaan. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at buong sangkatauhan ay isasaayos ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sumasailalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, yaong una sa lahat ay pinagsama-sama sa pagkastigo at paghatol, at inihahayag sa mga huling araw, ang lubos na mababago at magagawang ganap ang tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay mapaparusahan nang matindi ang lahat ng makasalanan.

—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naunawaan mo na, ipinapayo Ko na magpasakop ka nang masunurin na mahatulan, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na papurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Yaong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring mapadalisay, ibig sabihin, yaong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay kamumuhian at itatakwil ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas marami, at mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagkat napagtaksilan nila ang Diyos at naghimagsik sila laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat na magsagawa ng paglilingkod ay tatanggap ng mas mabigat na parusa, isang parusang bukod diyan ay pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang ganitong mga tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito mismo ang paghahayag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao, at pagbubunyag sa kanya? Ipapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang katawang laman ayon sa gusto nila. Ang kanilang katawan ay mangangamoy-bangkay, at iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan niyaong mga nananalig na hindi-tapat at huwad, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; pagkatapos, sa tamang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hahayaan ang maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto nila, upang hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na makitang muli ang liwanag kailanman. Yaong mga ipokrito na minsang naglingkod ngunit hindi nanatiling tapat hanggang sa huli ay ibinibilang ng Diyos sa masasama, kaya nabubuhay sila sa payo ng masasama at nagiging bahagi ng kanilang nagkakagulong mga tao; sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o naglaan ng anumang pagsisikap, at pupuksain silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos ngunit napilitan dahil sa kanilang kalagayan na humarap sa Kanya nang madalian ay ibinibilang sa mga yaon na naglilingkod para sa Kanyang bayan. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang karamihan ay mamamatay na kasama ng mga yaon na ni hindi nararapat na maglingkod. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na ang isipan ay kaayon ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Gayon ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Patungkol sa mga yaong hindi kabilang sa anumang kategoryang inilatag ng Diyos, ibibilang sila sa mga hindi walang pananalig. At tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasiya kung aling landas ang inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinuman na hindi nakakasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao.

—mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kapag ang mga bansa at bayan sa mundo ay bumalik na lahat sa harap ng Aking luklukan, agad Kong kukunin ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, para, dahil sa Akin, ay mapuno ito ng walang-kapantay na kasaganaan. Nguni’t hangga’t ang lumang mundo ay patuloy na umiiral, ihahagis Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipoproklama ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:

Kapag humaharap Ako sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at sa gayon ay nakikita nila ang lahat ng Aking ginawa sa buong sansinukob. Yaong mga sumasalungat sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga tumututol sa Akin taglay sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati; ang di-mabilang na mga bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming mga bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at magiging isang bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nauukol sa diyablo ay lilipulin; lahat ng sumasamba kay Satanas ay ilalapag sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming bayan, yaong mga nasa relihiyosong daigdig, sa iba’t ibang lawak, ay bumabalik sa Aking kaharian, nalupig ng Aking mga gawain, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa puting ulap. Susunod ang buong sangkatauhan sa kanilang sariling uri, at makakatanggap ng mga pagkastigo na naiiba sa kung ano ang kanilang nagawa. Yaong mga kumalaban sa Akin ay malilipol na lahat; para naman sa mga yaon na hindi Ako isinama sa kanilang mga gawa sa lupa, dahil sa paraan nila ng pagpapawalang-sala sa kanilang sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at ng Aking bayan. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, na nagpapahayag ng Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.

—mula sa “Kabanata 26” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga taong nakakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay lahat nakawala na sa impluwensya ni Satanas at natamo na ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis. Ang mga taong ito na lubusang natamo na ng Diyos ay papasok sa huling kapahingahan. Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o makapapasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamakatuwiran, at tanging ang Kanyang gawain ng pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga masuwaying bagay sa sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na dako ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, hindi na papayagang manatiling buhay sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng mga tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng kaparusahan at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. … Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa masama at paggantimpala sa mabuti ay ganap na natatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinakamaselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pinuksa ng Diyos ang masasama at sa halip ay pinababayaan Niya silang manatili, kung gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan; at hindi madadala ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan sa isang mas mabuting dako. Ang ganitong uri ng gawain ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos Niya ang Kanyang gawain, ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan lang maaaring matiwasay na mamuhay ang Diyos sa kapahingahan.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yamang nilikha ng Diyos ang tao, hihikayatin Niyang sambahin Siya ng tao; dahil ibig Niyang ibalik ang orihinal na silbi ng tao, ipanunumbalik Niya ito nang lubusan, at nang walang anumang halo. Ang kahulugan ng pagpapanumbalik ng Kanyang awtoridad ay hikayatin ang tao na sambahin at sundin Siya; ibig sabihin ay bubuhayin Niya ang tao dahil sa Kanya at papatayin Niya ang Kanyang mga kaaway dahil sa Kanyang awtoridad; ibig sabihin ay pamamalagiin Niya ang bawat huling bahagi Niya sa sangkatauhan at nang walang anumang pagtutol ng tao. Ang kahariang nais Niyang itatag ay ang Kanyang sariling kaharian. Ang sangkatauhang inaasam Niya ay yaong sumasamba sa Kanya, yaong ganap na sumusunod sa Kanya at taglay ang Kanyang kaluwalhatian. Kung hindi Niya ililigtas ang tiwaling sangkatauhan, mawawalan ng saysay ang Kanyang paglikha sa tao; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao, at ang Kanyang kaharian ay hindi na iiral sa lupa. Kung hindi Niya pupuksain ang mga kaaway na iyon na masuwayin sa Kanya, hindi Niya matatamo ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, ni hindi rin Niya maitatatag ang Kanyang kaharian sa lupa. Ito ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na mapuksa yaong mga kasama sa sangkatauhan na suwail sa Kanya, at madala sa kapahingahan yaong mga nagawa nang ganap.

—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa sandaling ang gawain ng panlulupig sa tao ay nakumpleto na, ang tao ay madadala tungo sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, sabihin pa, nasa lupa pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na tataglayin ng sangkatauhan matapos na ang buong sangkatauhan ay nalupig, ito ay magiging bagong simula para sa tao sa lupa, at para sa sangkatauhan ang magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang dako. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay dapat na, matapos na ang tao ay nadalisay at nalupig, siya ay nagpapasakop sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang sangkatauhan sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na kinasasabikan ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain ng pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao.

—mula sa “Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kumikilos Ako sa ibabaw ng lahat ng tao at nagmamasid Ako sa lahat ng dako. Walang nagmumukhang luma, at walang tao na katulad ng kung ano siya dati. Namamahinga Ako sa trono, sumasandig Ako patawid sa buong sansinukob, at Ako’y lubos na nasisiyahan, dahil naibalik ang lahat ng bagay sa kanilang kabanalan, at muli Akong maninirahan nang mapayapa sa Sion, at ang mga tao sa mundo ay makapamumuhay ng mapayapa, kuntentong mga buhay sa ilalim ng Aking paggabay. Pinangangasiwaan ng lahat ng tao ang lahat ng bagay sa Aking kamay, nabawi na ng lahat ng tao ang dati nilang katalinuhan at orihinal na anyo; hindi na sila nababalutan ng alabok, nguni’t, sa Aking kaharian, dalisay sila na tulad ng mamahaling-batong luntian, bawat isa ay may mukha na gaya ng sa banal na nilalang sa kaibuturan ng puso ng tao, dahil naitatag na ang Aking kaharian sa kalagitnaan ng mga tao.

—mula sa “Kabanata 16” ng Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Kaugnay na Content