Bakit mabangis na inuusig, sinusupil at tinutugis ng gobyernong Chinese Communist ang Makapangyarihang Diyos at Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29).

Ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19).

“Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan” (Isaias 14:12–14).

At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka; At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya” (Pahayag 12:7–9).

At nang makita ng dragon na siya’y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake” (Pahayag 12:13).

Bakit mabangis na inuusig, sinusupil at tinutugis ng pamahalaang Chinese Communist ang Makapangyarihang Diyos at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ito ang mga katotohanan: Nang ang mundo ay hindi pa umiiral, ang arkanghel ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Mayroon itong kapangyarihan sa lahat ng anghel sa langit; ito ang awtoridad na ibinigay ng Diyos. Maliban sa Diyos, ito ang pinakadakila sa mga anghel sa langit. Nang nilikha ng Diyos kinalaunan ang sangkatauhan, nagsagawa ng mas malaking kataksilan ang arkanghel sa Diyos sa lupa. Sinasabi Ko na ipinagkanulo nito ang Diyos dahil nais nitong pamahalaan ang sangkatauhan at malampasan ang awtoridad ng Diyos. Ang arkanghel ang nanukso kay Eva tungo sa kasalanan; ginawa ito dahil nais nitong itatag ang kaharian nito sa lupa at gawin ang sangkatauhan na pagtaksilan ang Diyos at sa halip ay sundin ito. Nakita nito na maraming bagay ang sumunod dito; ang mga anghel ay sumunod dito, gayundin ang mga tao sa lupa. Ang mga ibon at hayop, mga puno, mga kagubatan, mga bundok, mga ilog, ang lahat ng bagay sa lupa ay nasa pangangalaga ng tao—iyon ay, sina Adan at Eva—habang sina Adan at Eva ay sumusunod dito. Kaya hinangad ng arkanghel na malampasan ang awtoridad ng Diyos at pagtaksilan ang Diyos. Kinalaunan ay pinamunuan niya ang maraming anghel upang ipagkanulo ang Diyos, anupa’t naging iba’t ibang maruruming espiritu ang mga ito. Hindi ba’t ang pagsulong ng sangkatauhan hanggang sa araw na ito ay dulot ng pagtitiwali ng arkanghel? Naging ganito lamang ang sangkatauhan ngayon dahil ipinagkanulo ng arkanghel ang Diyos at ginawa nitong tiwali ang sangkatauhan.

—mula sa “Dapat Mong Malaman Kung Paano Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang Diyos ay gumagawa, ang Diyos ay nagmamalasakit sa isang tao, nagmamasid sa isang tao, at binubuntutan ni Satanas ang Kanyang bawat hakbang. Sinumang pinapaboran ng Diyos, binabantayan din ni Satanas, nakabuntot sa likod. Kung nais ng Diyos ang taong ito, gagawing lahat ni Satanas ang makakaya nito upang hadlangan ang Diyos, gamit ang iba’t ibang masasamang kaparaanan upang tuksuhin, guluhin at wasakin ang gawaing ginagawa ng Diyos upang kamtin ang natatagong layunin nito. Ano ang layunin nito? Ayaw nito na mataglay ng Diyos ang sinuman; nais nito ang lahat ng nais ng Diyos, ang sakupin sila, kontrolin sila, ang pangasiwaan sila upang sambahin nila ito, sa gayon ay makakagawa sila ng masasamang gawa kasabay nito. Hindi ba ito ang napakasamang layunin ni Satanas? … Si Satanas ay nakikipagdigma sa Diyos, sumusunud-sunod sa likuran Niya. Ang layunin nito ay ang buwagin ang lahat ng gawain na nais gawin ng Diyos, sakupin at kontrolin ang mga nais ng Diyos, ganap na puksain ang mga nais ng Diyos. Kung hindi sila mapupuksa sila kung gayon ay maaangkin ni Satanas upang magamit nito—ito ang layunin nito.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang mga pagpapamalas ng malaking pulang dragon ay paglaban sa Akin, kawalan ng pagkaunawa at pag-abot sa mga kahulugan ng Aking mga salita, madalas na pang-uusig sa Akin, at paghahangad na gumamit ng mga pakana para gambalain ang Aking pamamahala. … Ang malaking pulang dragon na Aking sinasabi ay hindi isang malaking pulang dragon; bagkus ito ay ang masamang espiritu na kalaban Ko, kung saan ang “malaking pulang dragon” ay isang kasing-kahulugang salita.

—mula sa “Kabanata 96” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Tahimik na ninakaw na ang tao ng kaalaman ng sinaunang kultura mula sa presensya ng Diyos at ibinigay ang tao sa hari ng mga diyablo at mga anak nito. Nadala na ng Apat na Aklat at Limang Klasiko ang pag-iisip at mga konsepto ng tao sa isa pang kapanahunan ng paghihimagsik, na nagiging sanhi upang higit pang sambahin ng tao yaong mga sumulat ng mga Aklat at mga Klasiko, na lalo pang pinalalawak ang kanilang mga pagkaunawa sa Diyos. Walang awang inalis ng hari ng mga diyablo ang Diyos sa puso ng tao nang hindi nila namamalayan, habang tuwang-tuwa itong pumalit sa puso ng tao. Mula noon, naangkin ng tao ang isang pangit at masamang kaluluwa na may mukha ng hari ng mga diyablo. Pinuno ng pagkamuhi sa Diyos ang kanilang mga dibdib, at araw-araw na kumalat sa loob ng tao ang kahalayan ng hari ng mga diyablo hanggang ang tao ay lubos na natupok. Wala nang kalayaan ang tao at hindi nakayang makalaya mula sa pagkakasabid sa hari ng mga diyablo. Samakatwid, maaari lamang manatili ang tao sa lugar at maagaw, sumusuko rito at nalulupig dito. Matagal na nitong itinanim ang binhi ng tumor ng ateismo sa loob ng batang puso ng tao, nagtuturo ng kamalian sa tao gaya ng “mag-aral ng agham at teknolohiya, tantuin ang Apat na Modernisasyon, walang Diyos sa mundo.” Hindi lamang iyan, paulit-ulit nitong ipinahayag, “Bumuo tayo ng isang magandang lupang-tinubuan sa pamamagitan ng ating masipag na paggawa,” hinihingi sa lahat na maging handa mula sa pagkabata upang magsilbi sa kanilang bansa. Walang malay ang tao na dinala sa harap nito, at walang pag-aatubili na kinuha ang karangalan (na tumutukoy sa Diyos na may hawak ng buong sangkatauhan sa Kanyang mga kamay). Hindi ito kailanman nakaramdam ng kahihiyan o nagkaroon ng pakiramdam ng kahihiyan. Bukod dito, walang kahiya-hiya nitong binihag ang bayan ng Diyos sa bahay nito, habang tumalon ito tulad ng isang daga tungo sa mesa at pinasamba ang tao dito bilang Diyos. Napakadesperado nito! Sumisigaw ito nang mga nakagigimbal na iskandalo, “Walang Diyos sa mundo. Ang hangin ay dahil sa mga batas ng kalikasan; ang ulan ay kahalumigmigan na natitipon at bumabagsak na mga patak sa lupa; ang lindol ay pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa pandaigdig na mga pagbabago; ang tagtuyot ay dahilan sa pagkatuyo sa hangin na dulot ng nukleonik na pagkagambala sa ibabaw ng araw. Ang mga ito ay likas na kababalaghan. Aling bahagi ang gawain ng Diyos?” Isinisigaw pa[a] nito ang gayong walang-kahihiyang mga pahayag: “Nagmula ang tao mula sa sinaunang mga unggoy, at ang mundo ngayon ay naging maunlad mula sa sinaunang lipunan na humigit-kumulang isang bilyong taon na ang nakakaraan. Ang pagsagana o pagbagsak ng isang bansa ay nakasalalay sa mga kamay ng kanyang mga mamamayan.” Sa likuran, ipinasabit nito sa tao ang sarili nito nang pabaligtad sa mga dingding at ipinalagay ito sa mga mesa upang maidambana at masamba. Habang sumisigaw ito ng, “Walang Diyos,” itinuturing nito ang sarili mismo bilang Diyos, walang habas na itinutulak ang Diyos palabas ng mga hangganan ng lupa. Nakatayo ito sa lugar ng Diyos at kumikilos bilang ang hari ng mga diyablo. Lubos na katawa-tawa! Nagiging sanhi ito na matupok ang isa ng nakalalasong galit. Tila ang Diyos ay ang kanyang sinumpaang kaaway at ang Diyos ay hindi maipagkakasundo rito. Nagpapakana itong itaboy palayo ang Diyos habang ito ay nananatiling hindi napaparusahan at nakakawala.[1] Hari nga ito ng mga diyablo! Paano natin matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hanggang sa nagambala na nito ang gawain ng Diyos at iwanan itong gula-gulanit at isang ganap na kaguluhan,[2] na parang nais nitong salungatin ang Diyos hanggang sa katapusan, hanggang alinman sa mamatay ang isda o mawasak ang lambat. Sinasadya nitong salungatin ang Diyos at palapit pa nang palapit. Matagal nang nalantad ang kasuklam-suklam nitong mukha at ngayon ay lamog at bugbog[3] na, sa isang kakila-kilabot na kalagayan, gayunpaman hindi humuhupa ang pagkamuhî nito sa Diyos, na parang gusto nito na makayang lamunin nang buo ang Diyos sa isang subo upang mapawi ang pagkamuhî sa puso nito.

—mula sa “Gawain at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mula sa itaas hanggang sa ibaba at sa simula hanggang katapusan, ginagambala nito ang gawain ng Diyos at nakikipaglaban sa Kanya. Nadala na ang tao sa impiyerno ng lahat ng sabi-sabi tungkol sa sinaunang pamanang kultura, mahalagang kaalaman tungkol sa sinaunang kultura, mga turo ng “Taoism at Confucianism,” at “Confucian classics” at pyudal na mga seremonya. Ang sumulong na makabagong-panahong agham at teknolohiya, pati na rin ang mayabong na industriya, agrikultura, at negosyo ay hindi nakikita, kahit saan. Sa halip, binibigyang-diin lamang nito ang mga pyudal na seremonya na pinalaganap ng sinaunang “mga unggoy” upang sadyang gambalain, tutulan, at sirain ang gawain ng Diyos. Hindi lamang nito sinaktan ang tao hanggang sa araw na ito, kundi nais nitong ganap na ubusin[4] ang tao. Ang pagtuturo ng mga alituntuning pyudal na pang-kabutihang-asal at pagpapasa pababa ng kaalaman ng sinaunang kultura ay matagal nang nakahawa sa tao at ginawa ang tao bilang mga diyablong malaki at maliit. Iilan lamang ang handang tanggapin ang Diyos at galak na galak salubungin ang pagdating ng Diyos. Puno ng pagpatay ang mukha ng tao, at sa lahat ng lugar, ang kamatayan ay nangangamoy. Nais nilang palayasin ang Diyos mula sa lupaing ito; taglay ang mga sundang at mga espada sa kamay, iniaayos nila ang kanilang mga sarili sa pakikipagbaka upang lipulin ang Diyos. Nakakalat ang mga diyos-diyosan sa buong lupain ng diyablo kung saan patuloy na tinuturuan ang tao na walang Diyos. Sa itaas ng lupaing ito kumakalat ang nakakasukang amoy ng nasusunog na papel at insenso, masyadong makapal kaya ito ay nakakapagpahabol ng hininga. Para itong amoy ng putik na sumisingaw pataas kapag bumabaluktot at pumupulupot ang ahas, at sapat na para ang tao ay magsuka. Bukod dito, mayroong bahagya lamang na maririnig na masasamang demonyo na bumibigkas ng kasulatan. Tila galing mula sa malayo sa impiyerno ang tunog na ito, at walang magagawa ang tao kung hindi makaramdam ng ginaw pababa sa kanyang gulugod. Nakakalat ang mga diyos-diyosan sa kabuuan ng lupaing ito, na taglay ang lahat ng kulay ng bahaghari, kung saan ang lupain ay naging isang nakasisilaw na mundo, at nananatili ang ngisi sa mukha ng hari ng mga diyablo, na para bang ang masamang balak nito ay nagtagumpay na. Samantala, ganap na walang namamalayan ang tao rito, at hindi rin alam ng tao na nagawang tiwali na siya ng diyablo hanggang sa gayong antas na siya ay naging walang-saysay at natalo. Nais nitong lipulin ang lahat ng sa Diyos sa isang iglap, upang muling insultuhin at patayin Siya nang pataksil, at nagtatangkang sirain at guluhin ang Kanyang gawain. Paano nito matutulutan ang Diyos na maging kapantay ang katayuan? Paano nito matitiis ang Diyos “na sumasagabal” sa gawain sa gitna ng mga tao? Paano nito matutulutan ang Diyos na ilantad ang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito maaaring tulutan ang Diyos na gambalain ang gawain nito? Paanong ang diyablong ito, umuusok sa galit, ay matutulutan ang Diyos na pamahalaan ang hukuman ng kapangyarihan nito sa lupa? Paano nito maluwag na matatanggap ang pagkatalo? Nabunyag na ang nakapopoot nitong pagmumukha kung ano talaga ito, kaya hindi alam ng isa sa sarili niya kung siya ay tatawa o iiyak, at ito ay tunay na mahirap sabihin. Hindi ba ito ang kakanyahan nito?

—mula sa “Gawain at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa loob ng libu-libong taon ito ang naging lupain ng kalaswaan, napakarumi, napakalungkot, naglipana ang mga multo sa buong paligid, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,[5] nagiging walang-awa at mabisyo, niyuyurakan itong bayan ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; puno ang lupain ng nakasusulasok na amoy ng pagkabulok at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.[6] Sino ang makakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, tinatanggal nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwawala ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng multo, na para bang ito ay hindi-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay, samantala, ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, lubhang takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, iniiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kayang makikita ang Diyos ng mga tao ang ganitong bayan ng multo kahit kailan? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi-makatao, paanong matitiis ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao sa isang kisap-mata, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Binabayaran nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinamak ang Diyos noon pa, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, at wala kahit bakas ng kabaitan, at tinutukso nila ang walang-malay sa kahangalan. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang kalagayan ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pang-relihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan! Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! Sino ang nakayakap na sa gawain ng Diyos? Sino ang nagbuwis ng kanilang buhay o nagbuhos ng dugo para sa gawain ng Diyos? Sa sali’t salinlahi, mula sa mga magulang hanggang sa mga anak, basta na lamang naalipin na ng inaliping tao ang Diyos—paano itong hindi magbubunsod ng matinding galit? Ang libu-libong taon ng poot ay naiipon sa puso, nauukit sa puso ang isang libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito mapupukaw ng pagkasuklam? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na lipulin ang Kanyang kaaway, huwag nang hayaan pa itong patuloy na magwala, at huwag na itong hayaang magsimula pa ng mas maraming problema hangga’t gusto nito! Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, nailaan na niya ang lahat ng kanyang mga pagsisikap, binayaran ang bawat halaga, para dito, upang basagin ang kahindik-hindik na mukha ng demonyong ito at hayaan ang mga tao, na nabulag na, at nagtiis na ng bawat uri ng pagdurusa at paghihirap, na tumayo mula sa kanilang sakit at talikuran itong masamang matandang diyablo. Bakit naglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gumagamit ng iba’t ibang mga pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gumagamit ng madayang mga pakana upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gumagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hinahayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tinugis ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa gitna ng mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa gitna ng mga tao? Bakit nagdudulot ng gayong katinding pananabik sa Diyos? Bakit pinatatawag ang Diyos nang paulit-ulit? Bakit pinipilit ang Diyos na mag-alala para sa Kanyang minamahal na Anak? Bakit hindi hinahayaan nitong madilim na lipunan at ng nakakaawang asong-bantay nito na malayang dumating at umalis ang Diyos sa gitna ng mundong nilikha Niya?

—mula sa “Gawain at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Napapanalunan ni Satanas ang katanyagan nito sa pamamagitan ng pandaraya sa mga tao. Madalas nitong itinatatag ang sarili nito bilang isang tagapanguna at huwaran ng pagkamakatuwiran. Sa ilalim ng bandila ng pagbabantay sa pagkamakatuwiran, pinipinsala nito ang tao, nilalamon ang kanilang mga kaluluwa, at ginagamit ang lahat ng pamamaraan upang pamanhirin, dayain, at sulsulan ang tao. Ang layunin nito ay pasang-ayunin ang tao at pasunurin sa masamang pag-uugali nito, upang isama ang tao sa paglaban sa awtoridad at pamumuno ng Diyos. Gayunman, kapag naging marunong na ang isang tao hinggil sa mga pagbabalak, pakana at kasuklam-suklam na mga palabas nito at ayaw nang magpatuloy na tapak-tapakan at lokohin nito o patuloy na alipinin nito, o maparusahan at mawasak na kasama nito, binabago ni Satanas ang dating malasantong palabas nito at pinupunit ang huwad na maskara nito upang ibunyag ang tunay na masama, malisyoso, pangit at mabagsik na mukha nito. Wala itong ibang nais kundi lipulin ang lahat ng yaong tumatangging sumunod dito at yaong mga lumalaban sa masasama nitong mga puwersa. Sa pagkakataong ito, hindi na makapagpapakita si Satanas ng isang mapagkakatiwalaan, maginoong anyo; sa halip, mabubunyag ang tunay na pangit at maladiyablong anyo nito sa likod ng pag-aanyong tupa. Sa sandaling mahayag sa liwanag ang mga pamamaraan ni Satanas, sa sandaling malantad ang tunay nitong anyo, magpupuyos ito sa labis na pagkapoot at ilalantad ang kalupitan nito; ang pagnanais nitong pinsalain at lamunin ang mga tao ay lalo lamang titindi. Ang dahilan nito ay sumiklab ito sa galit dahil sa pagkagising ng tao; nagbubuo ito ng isang malakas na paghihiganti laban sa tao dahil sa kanilang hangarin na manabik sa kalayaan at kaliwanagan, at makawala mula sa kulungan nito. Ang labis na poot nito ay naglalayong ipagtanggol ang kasamaan nito at ito rin ay isang tunay na pagbubunyag ng malupit na kalikasan nito.

Sa bawa’t pagkakataon, inilalantad ng gawi ni Satanas ang masamang kalikasan nito. Mula sa lahat ng mga masasamang gawa na dinala ni Satanas sa tao—mula sa naunang mga pagsisikap nito na dayain ang tao upang sundin ito, hanggang sa panggagamit nito sa tao, kung saan ay kinakaladkad nito ang tao tungo sa masasama nitong gawa, at paghihiganti ni Satanas tungo sa tao matapos malantad ang tunay nitong mga anyo at nakilala at tinalikdan ito ng mga tao—wala kahit isa ang nabigong ilantad ang masamang diwa ni Satanas; wala kahit isa ang nabigong patunayan na si Satanas ay walang kaugnayan sa mga positibong bagay; wala kahit isa ang nabigong patunayan na si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng masasamang mga bagay. Ang bawa’t isa sa mga kilos nito ay pangangalaga sa kasamaan nito, pagpapanatili sa pagpapatuloy ng masasamang mga gawa nito, pagkalaban sa matuwid at positibong mga bagay, pagsira sa mga batas at kaayusan ng karaniwang pag-iral ng sangkatauhan. Ang mga ito ay napopoot sa Diyos at ang mga ito ang wawasakin ng galit ng Diyos. Bagaman si Satanas ay may sariling pagkapoot, ang poot nito ay isang pamamaraan upang mailabas ang masamang kalikasan nito. Ang dahilan kung bakit si Satanas ay naiinis at galit na galit ay: Nalantad ang di-masambit na mga pamamaraan nito; ang mga lihim na balak nito ay hindi madaling takasan; ang marahas na mithiin at pagnanasa nito na palitan ang Diyos at kumilos bilang Diyos ay nasira at nahadlangan; ang layunin nitong kontrolin ang buong sangkatauhan ay hindi nangyari at hindi na kailanman matutupad.

—mula sa “Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

1. Ang “hindi napaparusahan at hindi nakakawala” ay nagpapahiwatig na nagngagalit at naghuhuramentado ang diyablo.

2. Ang “isang ganap na kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paanong hindi makayanan ng mga tao na makita ang marahas na paggawi ng diyablo.

3. Ang “lamog at bugbog” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga diyablo.

4. Ang “ubusin” ay tumutukoy sa marahas na paggawi ng hari ng mga diyablo, na sumasamsam sa kabuuan ng mga tao.

5. Ang “nagpaparatang nang walang batayan” ay tumutukoy sa mga paraan kung saan sinasaktan ng diyablo ang mga tao.

6. Ang “mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga paraan kung saan pinahihirapan ng diyablo ang mga tao ay lalo nang malupit, at kontrolado nang labis ang mga tao na wala na silang makilusan.

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “Ang ilan ay humihiyaw pa nga.”

Kaugnay na Content