Bakit sinasabi na tinatahak ng lahat ng relihiyosong pastor at elder ang landas ng mga Fariseo? Ano ang diwa nila?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At nagpasimulang pinagsalitaan niya sila sa mga talinghaga. Nagtanim ang isang tao ng isang ubasan, at binakuran ng mga buhay na punong kahoy, at humukay roon ng isang pisaan ng ubas, at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala yaon sa mga magsasaka, at napasa ibang lupain. At sa kapanahunan ay nagsugo siya ng isang alipin sa mga magsasaka, upang tanggapin niya sa mga magsasaka ang mga bunga ng ubasan. At hinawakan nila siya, at hinampas siya, at siya’y pinauwing walang dala. At siya’y muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin; at ito’y kanilang sinugatan sa ulo, at dinuwahagi. At nagsugo siya ng iba; at ito’y kanilang pinatay: at ang iba pang marami; na hinampas ang iba, at ang iba’y pinatay. Mayroon pa siyang isa, isang sinisintang anak na lalake: ito’y sinugo niyang kahulihulihan sa kanila, na sinasabi, Igagalang nila ang aking anak. Datapuwa’t ang mga magsasakang yaon ay nangagsangusapan, Ito ang tagapagmana; halikayo, atin siyang patayin, at magiging atin ang mana. At siya’y kanilang hinawakan, at siya’y pinatay, at itinaboy sa labas ng ubasan. Ano nga kaya ang gagawin ng panginoon ng ubasan? siya’y paroroon at pupuksain ang mga magsasaka, at ibibigay ang ubasan sa mga iba” (Marcos 12:1–9).

Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! … Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?” (Mateo 23:29–33).

2. Bakit sinasabi na tinatahak ng lahat ng relihiyosong pastor at elder ang landas ng mga Fariseo? Ano ang diwa nila?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

May pagkahilig ang ilang tao sa pag-akit ng pansin para sa kanilang mga sarili. Sa harapan ng kanilang mga kapatid, sinasabi nilang may utang na loob sila sa Diyos, ngunit sa likuran nila, hindi nila isinasagawa ang katotohanan at kabaligtaran ang lahat ng ginagawa. Hindi ba sila tulad ng mga relihiyosong Fariseo? Ang isang taong tunay na nagmamahal sa Diyos at nasa katotohanan ay ang taong matapat sa Diyos, ngunit hindi niya ibinubunyag sa labas. Nakahanda niyang isagawa ang katotohanan kapag may pagsubok at hindi nagsasalita o kumikilos sa paraang labag sa kanyang konsensya. Nagpapakita siya ng karunungan kapag may pagsubok at may prinsipyo sa kanyang mga gawa, anuman ang kalagayan. Ang taong tulad nito ay ang tunay na naglilingkod. May ilan namang madalas na hanggang salita lamang pagdating sa pagkakautang nila sa Diyos. Ginugugol nila ang kanilang mga araw nang may mga nakakunot na noo, na nagpapakitang-gilas, at nagkukunwaring kahabag-habag ang mukha. Talagang kasuklam-suklam! At kung tatanungin mo sila, “Sa anong mga paraan ka may utang na loob sa Diyos? Mangyaring sabihin sa akin!” wala silang maisasagot. Kung ikaw ay matapat sa Diyos, huwag mo iyon banggitin sa publiko, kundi gamitin ang iyong aktwal na pagsasagawa upang ipakita ang iyong pagmamahal sa Diyos, at manalangin sa Kanya nang may tapat na puso. Mga ipokrito ang lahat ng gumagamit lamang ng salita upang pakitunguhan ang Diyos! Ang ilan ay nagsasalita ng pagkakautang sa Diyos sa bawat panalangin, at nagsisimulang umiyak kapag nananalangin sila, kahit na walang pag-antig ng Banal na Espiritu. Namamayani sa mga taong tulad nito ang mga relihiyosong ritwal at pagkaunawa; namumuhay sila sa mga naturang ritwal at pagkaunawa, laging naniniwala na ang mga naturang kilos ay kalugud-lugod sa Diyos, at ang paimbabaw na kabanalan o malulungkot na luha ay nililingap ng Diyos. Anong mabuting maidudulot ng mga kakatwang bagay na ito? Upang ipakita ang kanilang pagpapakumbaba, kunwaring nagpapakita ng kagandahang-loob kapag nagsasalita sa presensya ng iba. Ang ilan ay sinasadyang magpa-alila sa presensya ng iba, gaya ng isang tupa na walang kahit anong lakas. …

Sa tuwing nagtitipun-tipon ang mga naturang relihiyosong tao, tinatanong nila, “Kapatid, kumusta ka sa mga araw na ito?” Sumasagot siya, “Pakiramdam kong may utang na loob ako sa Diyos at hindi ko kayang tuparin ang nais ng Kanyang puso.” Sinasabi ng isa pa, “May utang na loob din ako sa Diyos nguni’t hindi ko Siya kayang bigyang-kasiyahan.” Sa mga pangungusap at salita lamang na ito ay ipinapahayag ang kasuklam-suklam na mga bagay na nasa loob ng kanilang mga puso. Ang mga naturang salita ang pinaka-nakapandidiri at lubos na kasuklam-suklam. Ang kalikasan ng naturang tao ay sumasalungat sa Diyos.

—mula sa “Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos, Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ikaw ay naglilingkod sa Diyos gamit ang iyong likas na karakter, at ayon sa iyong personal na mga kagustuhan; ano pa nga ba, patuloy mong iniisip na nalulugod ang Diyos sa anumang nais mong gawin, at napopoot sa anumang hindi mo nais gawin, at lubusan kang ginagabayan ng iyong sariling mga kagustuhan sa iyong gawain. Maaari bang matawag itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang iyong disposisyon sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, ikaw ay lalong magiging mas matigas ang ulo sapagka’t napaglilingkuran mo ang Diyos, at gagawin nito ang iyong tiwaling disposisyon na nakatanim nang malalim. Sa paraang ito, bubuo ka sa iyong loob ng mga alituntunin tungkol sa paglilingkod sa Diyos na pangunahing batay sa iyong sariling karakter, at sa karanasang nakuha mula sa iyong paglilingkod ayon sa iyong sariling disposisyon. Ito ang aral mula sa karanasan ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa buhay. Ang mga taong katulad nito ay nabibilang sa mga Fariseo at mga relihiyosong namumuno. Kung hindi sila kailanman magising at magsisi, sa kahuli-hulihan sila ay magiging mga huwad na Cristo na lilitaw sa mga huling araw, at magiging mga manlilinlang ng mga tao. Ang sinabi noon na mga huwad na Cristo at manlilinlang ay magmumula sa ganitong uri ng tao. Kung yaong mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa kanilang sariling karakter at kumikilos ayon sa kanilang sariling kalooban, kung gayon sila ay nasa panganib na mapalayas anumang oras. Yaong mga gumagamit ng maraming taon ng karanasan nila sa paglilingkod sa Diyos upang mahalin sila ng iba, pangaralan at sawayin nila ang iba, at manatili sa mataas na posisyon—at hindi nagsisisi kailanman, hindi kailanman nangungumpisal ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman nagtatatwa sa mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay mahuhulog sa harapan ng Diyos. Sila ang mga uri ng tao na katulad ni Pablo, ipinangangahas ang kanilang pagiging nauna sa panunungkulan at ipinagmamagaling ang kanilang mga kwalipikasyon. Hindi dadalhin ng Diyos ang mga taong tulad nito sa pagkaperpekto. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos.

—mula sa “Dapat Ipagbawal ang Relihiyosong Paraan ng Paglilingkod” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Masdan mo lang ang mga pinuno ng bawat denominasyon—lahat sila’y mapagmataas at mapagmalinis, at binibigyang-kahulugan nila ang Biblia nang wala sa konteksto at ayon sa kanilang sariling imahinasyon. Lahat sila’y umaasa sa mga kaloob at pag-aaral sa paggawa ng kanilang gawain. Kung sila’y walang kakayahang mangaral ng anuman, susunod ba sa kanila ang mga taong iyon? Sila, kung sa bagay, ay nagtataglay ng kaunting kaalaman, at makakapangaral ng ilang doktrina, o alam kung paano makaakit ng iba at paano gumamit ng ilang pagkukunwari. Ginagamit nila ang mga ito para dalhin ang mga tao sa harapan nila at linlangin sila. Sa pangalan, ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos, nguni’t sa realidad sinusunod nila ang kanilang mga pinuno. Kung nakakatagpo sila ng sinumang nangangaral ng tunay na daan, ang ilan sa kanila’y nagsasabing, “Kailangang konsultahin namin ang aming pinuno tungkol sa aming pananampalataya.” Ang kanilang pananampalataya ay dapat dumaan sa isang tao; hindi ba problema iyan? Nagiging ano na kung gayon ang mga pinunong iyan? Hindi ba sila nagiging mga Fariseo, huwad na mga pastol, mga anticristo, at mga katitisuran sa pagtanggap ng mga tao sa tunay na daan?

—mula sa “Tanging ang Paghahabol sa Katotohanan ang Tunay na Paniniwala sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo

Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos, malaya mula sa mga paninikil ng kahit na anong anyo o bansa, ay upang makaya Niyang matapos ang gawain alinsunod sa Kanyang plano. Gaya lamang ito nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea, ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Nguni’t naniwala ang mga Judio na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng magiging katawang-tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang “imposible” ang naging batayan ng kanilang paghatol at pagkontra sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay humantong sa pagkawasak ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa na ng parehong pagkakamali. Buong-kalakasan nilang ipinahahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, nguni’t sila rin ang bumabatikos sa Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong ng pagpapakita ng Diyos sa loob ng mga hangganan ng kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita Ko na ang maraming tao na bumubunghalit sa pagtawa matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Nguni’t hindi ba ang pagtawang ito ay walang ipinagkaiba sa pambabatikos at pagsalangsang ng mga Judio? Hindi kayo nagpipitagan sa harap ng katotohanan, lalong hindi ninyo hinahangad ang katotohanan. Ang ginagawa lamang ninyo ay nagsusuri nang walang pakundangan at walang-pakialam na naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pagsusuri at paghihintay nang ganito? Maaari kayang makuha ninyo ang personal na patnubay ng Diyos?

—mula sa “Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manampalataya sa lahat ng salita ng Diyos at sa Kanyang buong gawain. Ibig sabihin niyan, yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo ito nakakayang gawin, kung gayon hindi na mahalaga kung naniniwala ka man sa Diyos. Kung naniwala ka na sa Diyos sa loob ng maraming taon, datapwa’t hindi pa kailanman nakasunod sa Kanya o natanggap ang lahat ng Kanyang mga salita, bagkus ay hiningi sa Diyos na magpasakop sa iyo at kumilos ayon sa iyong mga pagkaunawa, kung gayon ikaw ang pinaka-mapanghimagsik sa mga tao, at ikaw ay isang hindi mananampalataya. Paano na ang isang gaya nito ay nakakayang sumunod sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga pagkaunawa ng tao? Ang pinaka-mapanghimagsik na tao ay siya na sadyang hinahamon at nilalabanan ang Diyos. Siya ay ang kaaway ng Diyos at ang anticristo. Ang gayong tao ay patuloy na nagtataglay ng palabang saloobin tungo sa bagong gawain ng Diyos, hindi pa kailanman nagpakita ng pinakamaliit na hangaring magpasakop, at hindi pa kailanman galak na nagpakita ng pagpapasakop o nagpakumbaba sa kanyang sarili. Itinataas niya ang kanyang sarili sa harap ng iba at hindi kailanman nagpapakita ng pagpapasakop sa kaninuman. Sa harap ng Diyos, ipinapalagay niya ang sarili niya na pinakasanay sa pangangaral ng salita at ang pinakamahusay sa paggawa sa iba. Hindi niya kailanman itinatapon ang mga “kayamanang” nasa kanya nang pag-aari, kundi itinuturing ang mga iyon bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit ang mga iyon para bigyan ng aral yaong mga hangal na umiidolo sa kanya. Talagang may ilang taong ganito sa loob ng iglesia. Masasabi na sila ay mga “di-nalulupig na mga bayani,” na ang bawat lumilipas na mga salinlahi ay nananahang pansamantala sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang kanilang pinakamataas na tungkulin. Taun-taon at sa paglipas ng bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang kanilang “banal at di-malalabag” na tungkulin. Walang sinumang nangangahas na salingin sila at wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Sila ay nagiging “mga hari” sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang tinatakot nila ang iba sa bawat lumilipas na mga kapanahunan. Itong bungkos ng mga demonyo ay naghahangad na magtulung-tulong at gibain ang Aking gawain; paano Ko mapapahintulutan itong mga buhay na diyablo na umiral sa harap ng Aking mga mata?

—mula sa “Yaong mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Hindi ba maraming tao ang sumasalungat sa Diyos at hinahadlangan ang gawain ng Banal na Espiritu dahil hindi nila alam ang iba’t iba at malawak na gawain ng Diyos, at, higit pa, dahil sila ay nagtataglay ng napakaliit na kaalaman at doktrina na ginagamit bilang panukat sa gawain ng Banal na Espiritu? Kahit na ang mga karanasan ng mga taong iyon ay mababaw, sila ay mapagmataas at likas na abusado, at hinahamak nila ang gawain ng Banal na Espiritu, hindi pinapansin ang mga disiplina ng Banal na Espiritu, at, bukod dito, ginagamit nila ang kanilang mga walang halagang lumang argumento upang pagtibayin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sila rin ay nagkukunwari, at lubos na naniniwala sa kanilang sariling natutuhan at kaalaman, at sila ay nakakapaglakbay sa ibang dako ng mundo. Hindi ba ang ganoong mga tao ay yaong mga kinasusuklaman at tinatanggihan ng Banal na Espiritu, at hindi ba sila ang mga aalisin ng bagong kapanahunan? Hindi ba silang mga taong lumalapit sa Diyos at lantarang sinasalungat Siya ay mga hamak na taong makitid ang pananaw, na nagpapakita lamang kung gaano sila katalino? Sa kanilang kaunting kaalaman sa Biblia, sinusubukan nilang sakupin ang mga “academia” sa mundo, may angking mababaw na doktrina na upang turuan ang mga tao, sinusubukan nilang baligtarin ang gawain ng Banal na Espiritu, at tinatangkang paikutin ito sa kanilang mga pansariling proseso ng pag-iisip, at dahil sila ay maigsi ang pananaw, sinusubukan nilang makita sa isang tingin ang 6,000 taong gawain ng Diyos. Walang karapatang magsalita ang mga taong ito! Sa katunayan, habang mas malawak ang pagkakilala ng mga tao sa Diyos, mas mabagal nilang huhusgahan ang Kanyang gawain. Bukod dito, kaunti lamang ang kanilang sinasabi tungkol sa kaalaman nila sa gawain ng Diyos ngayon, nguni’t hindi sila padalus-dalos sa kanilang mga paghatol. Kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, mas mapagmataas sila at may labis-labis na pagtitiwala sa sarili, at mas lalo nilang walang-pakundangang inihahayag ang kabuuan ng Diyos—nguni’t ang kanila lamang sinasalita ay teorya, at walang tunay na katibayang ipinakikita. Sila ang mga taong walang halagang anuman. Silang nagtuturing sa gawain ng Banal na Espiritu bilang isang laro ay di-seryoso! Silang mga hindi maingat kapag kanilang nakakatagpo ang bagong gawain ng Banal na Espiritu, mabibilis ang mga bibig na magsalita, mabibilis humusga, na malayang hinahayaan ang kanilang likas na pakiramdam na tanggihan ang pagkamatuwid ng gawain ng Banal na Espiritu, at iniinsulto rin at nilalapastangan ito—ang mga ganoong napakawalang-galang na tao ba ay hindi mangmang sa gawain ng Banal na Espiritu? Hindi ba sila, bukod dito, ang mga mayabang, likas na mapagmataas at hindi nagpapasakop? Kahit na dumating ang araw na ang ganoong uri ng mga tao ay tumanggap sa bagong gawain ng Banal na Espiritu, hindi pa rin sila palalampasin ng Diyos. Hindi lamang nila hinahamak ang mga taong gumagawa para sa Diyos, nilalapastangan din nila ang Diyos Mismo. Ang ganoong mga mapangahas na hangal na mga tao ay hindi patatawarin, maging sa kapanahunang ito o sa darating mang kapanahunan at sila ay walang-hanggang mapapahamak sa impiyerno! Ang ganoong napakawalang-galang at maluhong mga tao ay nagpapanggap na naniniwala sa Diyos, at habang mas lalo nilang ginagawa ito, maaaring mas lalo silang nagkakasala sa mga atas administratibo ng Diyos. Hindi ba lahat yaong mga mapagmataas na likas na pakawala, at hindi pa kailanman sumunod sa kahit kanino, ay lalakad lahat sa landas na ito? Hindi ba nila sinasalungat ang Diyos sa bawat araw, Siya na laging bago at hindi kailanman luma?

—mula sa “Pag-alam sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos ang Landas tungo sa Pagkilala sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang sinumang hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos ay yaong naninindigan laban sa Diyos, at lalo na yaong mga alam ang layunin ng gawain ng Diyos ngunit hindi hinahangad na bigyang kasiyahan ang Diyos. Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga engrandeng iglesia ay nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, nguni’t ni isa ay hindi nauunawaan ang layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang nakaaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawagayway nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat. Kahit tinatawag nila ang kanilang mga sarili na mananampalataya ng Diyos, sila yaong mga kumakain ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng taong iyon ay mga demonyong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong diyablong sinasadyang manggambala sa mga sumusubok lumakad sa tamang landas, at mga balakid na humahadlang sa landas ng mga naghahanap sa Diyos. Kahit sila ay may “matipunong laman”, paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga anticristo na umaakay sa tao sa pagsalungat sa Diyos? Paano nila malalaman na sila ay mga demonyong nabubuhay na sadyang naghahanap ng mga kaluluwang lalamunin?

—mula sa “Ang Lahat ng Hindi Kilala ang Diyos ay Yaong Sumasalungat sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Gusto ba ninyong malaman ang ugat kung bakit kinalaban ng mga Fariseo si Jesus? Gusto ba ninyong malaman ang diwa ng mga Fariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinanap ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman, at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagkamali silang magbigay ng walang-saysay na parangal sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa anumang paraan. Ang diwa ng mga Fariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng pananalig nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito? Tatanungin Ko kayong muli: Hindi ba napakadali ninyong magawa ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Fariseo, yamang wala kayong kahit katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang makilala ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo kakalabanin si Cristo? Kaya mo bang sumunod sa gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung kakalabanin mo si Cristo, sinasabi Ko na nasa bingit na ng kamatayan ang buhay mo. Yaong lahat na hindi nakakilala sa Mesiyas ay kayang kalabanin si Jesus, tanggihan si Jesus, siraan Siya ng puri. Ang mga taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kayang lahat na itatwa Siya, at laitin Siya. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at maraming tao ang huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagkawasak sa mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at paghamak sa lahat ng ipinapahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litung-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus kapag bumabalik Siya sa katawang-tao sa ibabaw ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag kilalanin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko ito sa inyo: Ang mga taong hindi tumatanggap ng katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sa ibabaw ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang kategoryang wawasakin. Hinahangad lamang ninyo ang biyaya ni Jesus, at gusto lamang ninyong tamasahin ang napakaligayang dako ng langit, subalit hindi pa naman ninyo nasunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi pa ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus kapag bumabalik Siya sa katawang-tao. Ano ang panghahawakan ninyo bilang kapalit ng katunayan ng pagbabalik ni Jesus na nasa ibabaw ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo sa paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay pangungumpisal ng mga iyon, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sa ibabaw ng puting ulap? Ang mga taon ba ng paggawa na nagpapadakila sa inyong sarili? Ano ang panghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Ang inyo bang likas na kayabangan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?

—mula sa “Mamamasdan Mo ang Espirituwal na Katawan ni Jesus Kapag Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Naghuhuramentado na ang mga demonyo at masasamang espiritu sa lupa at nasarhan na ang kalooban at matiyagang pagsisikap ng Diyos, ginagawa ang mga yaong hindi-mapapasok. Anong mortal na kasalanan! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong ang Diyos ay hindi makadarama ng poot? Sila ang sanhi ng mabigat na paghadlang at pagsalungat sa gawain ng Diyos. Masyadong mapanghimagsik! Kahit yaong mga demonyong malaki at maliit ay naging mapagmataas sa lakas ng mas makapangyarihang diyablo at nagsisimulang magsikilos. Sinasadya nilang labanan ang katotohanan sa kabila ng malinaw na kamalayan dito. Mga anak ng paghihimagsik! Para bang, ngayong umakyat na ang kanilang hari ng impiyerno sa luklukang makahari, nagiging mayabang sila at tinatrato ang lahat ng iba nang may panlalait. Ilan ang naghahanap sa katotohanan at sumusunod sa katuwiran? Silang lahat ay mga hayop na tulad ng mga baboy at aso, namumuno sa isang pangkat ng mababahong langaw sa isang tumpok ng dumi para iwagwag ang kanilang ulo at mag-udyok ng kaguluhan.[1] Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ang pinakamataas sa mga hari, nang hindi natatanto na sila ay walang-iba kundi mga langaw sa bulok. Hindi lamang iyon, gumagawa sila ng mga mapanirang puna laban sa pag-iral ng Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa kanilang mga baboy at asong magulang. Ang tingin ng mga maliit na langaw sa kanilang mga magulang ay kasinlaki ng balyenang may-ngipin.[2] Hindi ba nila napapagtanto na sila ay maliit, gayunman ang kanilang mga magulang ay di-malinis na mga baboy at mga aso na isang bilyong beses na mas malaki kaysa kanilang mga sarili? Walang kamalayan sa kanilang sariling kababaan, sumusulong silang naghuhuramentado batay sa bulok na amoy niyaong mga baboy at mga aso at mayroong guniguning ideya na magpakarami para sa hinaharap na mga henerasyon. Iyan ay ganap na kakapalan ng mukha! May berdeng mga pakpak sa kanilang mga likuran (tumutukoy ito sa pahayag nila na naniniwala sila sa Diyos), nagsisimula silang maging mayabang at ipinagmamalaki sa lahat ng dako ang kanilang sariling kagandahan at pagiging kaakit-akit, lihim na itinatapon ang kanilang mga karumihan sa tao. At hambog pa sila, na para bang maitatago ng isang pares ng mga pakpak na kulay-bahaghari ang kanilang sariling mga karumihan, at sa gayo’y inuusig nila ang pag-iral ng tunay na Diyos (tumutukoy ito sa kuwentong nakapaloob sa relihiyosong daigdig). Hindi alam ng tao na, kahit maganda at nakabibighan ang mga pakpak ng langaw, isa pa rin itong maliit na langaw na puno ng dumi at nababalot ng mga mikrobyo. Sa lakas ng kanilang mga baboy at aso ng mga magulang, naghuhuramentado sila sa buong lupain (tumutukoy ito sa mga relihiyosong opisyal na umuusig sa Diyos batay sa malakas na suporta mula sa bansang nagtataksil sa tunay na Diyos at sa katotohanan) na may napakalaking kasamaan. Parang nagbalik ang mga multo ng mga Judiong Fariseo na kasama ng Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, pabalik sa dati nilang pugad. Nasimulan na nilang muli ang kanilang gawain ng pag-uusig, itinutuloy ang kanilang gawain na ilang libong taon ang saklaw. Ang pangkat na ito ng masasamang tao ay tiyak na mawawala sa lupa sa huli! Lumalabas na, pagkatapos ng ilang libong taon, ang mga karumal-dumal na espiritu ay naging mas tuso pa at mandaraya. Patuloy silang nag-iisip ng mga paraan upang lihim na pahinain ang gawain ng Diyos. Sila ay matalino at tuso at nais ulitin sa kanilang lupang-tinubuan ang trahedya ng ilang libong taong nakaraan. Halos mapasigaw dito ang Diyos, at bahagya na Niyang mapipigil ang Sarili Niya sa pagbabalik sa ikatlong langit upang lipulin sila.

—mula sa “Gawain at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

1. Ang “mag-udyok ng kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paano ginugulo, hinahadlangan at kinokontra ng demonyong mga tao ang gawain ng Diyos.

2. Ang “isang balyenang may-ngipin” ay ginagamit nang patuya. Ito’y metapora kung paanong para sa napakaliliit na langaw, ang mga baboy at mga aso ay mukhang kasinlaki ng mga balyena.

Kaugnay na Content