Inakay Ako ng mga Salita ng Diyos na Magpatotoo

Ni Xiao Min, Probinsya ng Shandong

Isinilang ako sa isang mahirap at di-maunlad na bahagi ng kanayunan at namuhay nang mahirap at maralita bilang isang bata. Upang magkaroon ng mas magandang buhay sa lalong madaling panahon, pagkatapos akong ikasal, nagsimula akong magtrabaho nang walang tigil. Gayunman, sa huli, nagkasakit ako dahil sa sobrang pagtatrabaho, at ang dati kong malakas at malusog na pangangatawan ay sinira ng mga karamdaman. Namuhay ako sa sakit na idinulot ng aking mga karamdaman at kumonsulta at nagpagamot ako sa mga doktor sa kung saan-saan. Bunga nito ay gumastos ako ng malaki, ngunit hindi gumaling ang mga karamdaman ko kahit kailan. Noong tagsibol ng 1999, dalawang kapatid na babae ang nangaral sa akin ng ebanghelyo ng gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naramdaman ko ang awtoridad at kapangyarihan ng mga salita ng Diyos, nalaman ko na hindi posible na isang tao ang bumigkas ng mga ito, at na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay siya ngang tinig ng Diyos. Talagang natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagbalik na Panginoong Jesus, at na maililigtas Niya tayo mula sa lahat ng ating pasakit. Nang lalo ko pang binasa ang mga salita ng Diyos, naunawaan ko ang ilang katotohanan at lubos kong naunawaan ang maraming bagay sa daigdig. Ang nasaktan at pigil kong espiritu ay nakadama ng paglaya, at unti-unti akong gumaling mula sa aking mga karamdaman. Walang hangganan ang pasasalamat ko sa Diyos, at sinimulan kong aktibong ipangaral ang ebanghelyo at magpatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Gayunman, hindi nagtagal ay tatlong beses akong sunud-sunod na inaresto ng gobyernong CCP dahil sa pangangaral ng ebanghelyo, at sa bawat pagkakataon na inaresto ako, ginabayan ako ng Makapangyarihang Diyos upang malampasan ang pag-uusig ni Satanas. Noong 2012, habang gumaganap sa aking tungkulin para sa iglesia, muli akong nahulog sa pugad ng halimaw na iyon at sumailalim sa parusa sa mga kamay ng diyablong si Satanas …

Inakay Ako ng mga Salita ng Diyos na Magpatotoo

Nang pagabi na noong Setyembre 13, 2012, bumalik ako sa aking tinutuluyang tahanan at, gaya ng dati kong ginagawa, ipinarada ko ang aking scooter sa labas at pinindot ang doorbell. Nagulat ako nang kabubukas ko pa lang sa pinto ay may apat na matitipunong lalaking sumunggab sa akin na parang mga lobo. Pinilipit nila ang mga kamay ko sa likuran ko at pinosasan ako, pagkatapos ay isinalya ako sa isang silya at itinali ako roon. Agad sinimulang halungkatin ng ilang pulis ang aking bag…. Naharap sa biglaan at marahas na pagpapakitang ito ng puwersa, natigilan ako sa takot, at pakiramdam ko para akong isang kaawa-awang munting tupa na sinila ng mababangis na lobo, walang anumang lakas para makalaban kahit paano. Pagkatapos ay inilabas nila ako at inilagay sa likod ng isang itim na kotseng sedan. Sa loob ng kotse, nilingon ako ng hepe ng pulis, na mukhang nakakaawang maliit na lalaking lasing sa sarili niyang tagumpay, at palihim akong nginisihan, at sinabing, “Hah! Alam mo ba kung paano ka namin nahuli?” Sa takot na baka magtangka akong tumakas, diniinan ako ng mga pulis sa magkabilang panig, na para bang ako’y isang mapanganib na kriminal. Nagalit at nataranta ako, at hindi ko mahulaan kung paano ako parurusahan at pahihirapan ng mga pulis. Matindi ang takot ko na baka hindi ko matiis ang kanilang pagpapahirap at maging isang Judas ako at magtaksil sa Diyos. Ngunit naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Hangga’t nananalangin kayo at nagsusumamo sa Akin nang malimit, ipagkakaloob Ko sa inyo ang buong pananampalataya. Yaong mga nasa kapangyarihan ay maaaring mukhang masama sa panlabas, nguni’t huwag matakot, sapagka’t ito ay dahil sa may mahina kayong pananampalataya. Hangga’t lumalago ang inyong pananampalataya, walang anumang magiging napakahirap” (“Kabanata 75” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay nagbigay sa akin ng pananampalataya at lakas at, unti-unti akong pinanatag ng mga ito. “Oo,” naisip ko. “Gaano man kabagsik at kalupit ang masasamang pulis, mga kasangkapan lamang sila sa mga kamay ng Diyos at nasa mga pagsasaayos ng Diyos. Basta’t ako ay nagdarasal at nananawagan sa Diyos nang may tunay na puso, sasamahan ako ng Diyos at wala akong dapat ipag-alala. Kung malupit akong pahihirapan at bubugbugin ng masasamang pulis na ito, iyon ay dahil nais lamang subukin ng Diyos ang aking pananampalataya. Gaano man nila pahirapan ang aking katawan, hindi nila mapipigilan ang puso ko kailanman sa pag-asam at pagtawag sa Diyos. Kahit patayin nila ang aking katawan, hindi nila mapapatay ang aking kaluluwa, dahil nasa mga kamay ng Diyos ang aking kabuuan.” Nang maisip ko ito, hindi na ako natakot sa diyablong si Satanas at nagpasiya na akong tumayong saksi para sa Diyos. Sa gayo’y nanawagan ako sa puso ko, “O Makapangyarihang Diyos! Anuman ang gawin nila sa akin ngayon, handa akong harapin ang lahat. Bagama’t mahina ang aking katawan, nais kong mabuhay na umaasa sa Iyo at hindi bigyan si Satanas ng kahit isang pagkakataong pagsamantalahan ako. Protektahan Mo sana ako, huwag Mong hayaang magtaksil ako sa Iyo, at huwag Mong hayaang maging isang walanghiyang Judas.” Habang sakay kami ng kotse, patuloy kong inawit sa aking isipan ang isa sa mga himno ng iglesia: “Sa Kanyang banal na plano’t soberanya, hinaharap ko ang mga pagsubok sa ’kin. Paano ako susuko o magtatago? Ang una’y kaluwalhatian ng Diyos. Sa mga panahon ng kahirapan, salita ng Diyos gabay ko’t pananalig ko’y piniperpekto. Lubos at ganap akong nakalaan, nakalaan sa Diyos na walang takot sa kamatayan. Laging higit sa lahat, ang Kanyang kalooban” (“Tanging Kahilingan Ko ay Masiyahan ang Diyos” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Habang tahimik akong umawit, napuspos ng saganang lakas ang puso ko, at naging determinado akong umasa sa karunungan at lakas na ibinibigay ng Diyos sa akin upang labanan si Satanas hanggang kamatayan. Nang dalhin na nila ako sa interrogation room, nagulat akong makita na naroon din ang isang kapatid na babae na kapareho ko ang tungkuling ginampanan sa iglesia, ang kapatid na nagmula sa tinutuluyan kong bahay, at isang lider ng iglesia. Nahuli rin silang lahat! Nakita ako ng isa sa mga opisyal na pulis na nakatingin sa aking mga kapatid sa iglesia at tinitigan niya ako at pinagalitan, sinasabing, “Ano ang tinatanga-tanga mo riyan? Pasok diyan!” Para hindi kami makapag-usap, ikinulong kami ng mga pulis sa magkakaibang interrogation room. Walang pakundangan nila akong kinapkapan, hinubad ang aking sinturon at kinapkapan ang buong katawan ko. Pakiramdam ko’y nainsulto ako nang todo, at nakita ko kung gaano kasama, kasuklam-suklam at kasalbahe itong demonyong mga tauhan ng gobyernong CCP! Galit na galit ako, pero kinailangan kong lunukin ang matinding galit ko, sapagkat walang dahi-dahilan sa lunggang ito ng mga halimaw. Matapos nilang makumpiska ang isang bagong scooter na pag-aari ng iglesia at mahigit 600 yuan na hawak ko, sinimulan nila akong tanungin. “Ano’ng pangalan mo? Ano ang katungkulan mo sa iglesia? Sino ang lider ninyo? Nasa’n sila ngayon?” Hindi ako sumagot, kaya’t sinigawan ako ng pulis, “Akala mo ba hindi namin malalaman kung hindi mo sasabihin sa amin? Wala kang ideya kung ano ang kaya naming gawin! Dapat mong malaman na inaresto na rin namin ang matataas na lider n’yo!” Pagkatapos ay inilista nila ang ilang pangalan at itinanong kung may kilala ako sa kanila, at patuloy nila akong pinagtatanong. “Saan nakatago ang lahat ng pera ng inyong iglesia? Sabihin mo sa ’min!” Binara ko ang lahat ng sinabi nila, sinasabing, “Wala akong kilala! Wala akong alam!” Nang makita nilang bigo ang unang pagtatanong nila, nagpasiya silang ilabas na ang huling baraha nila, at nagsimula silang maghalinhinan sa pagtatanong at pagpapahirap sa akin sa pagtatangkang sairin ang lakas ko. Walang tigil akong tinanong at pinahirapan ng mga pulis sa loob ng tatlong araw at apat na gabi. Sa mahirap na sandaling ito, taimtim akong nanawagan sa Diyos, at ginabayan ako ng mga salita ng Diyos: “Hindi ka dapat matakot dito at doon. Kahit na gaanong karaming hirap at panganib ang iyong harapin, mananatili kang hindi natitinag sa Aking harapan; huwag kang magpapagambala sa kahit anong bagay, upang ang Aking kalooban ay maisasakatuparan. Ito ang iyong magiging tungkulin…. Huwag kang matakot; sa tulong Ko, sino ang makahaharang sa daan? Tandaan mo ito! Tandaan! Bawat nangyayari ay Aking mabuting hangarin at lahat ay nasa ilalim ng aking pagmamasid” (“Kabanata 10” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Oo!” naisip ko. “Ang Makapangyarihang Diyos ang aking matatag na tore, at dahil Siya ang matatag na suporta ko, wala akong dapat ikatakot! Basta’t mayroon akong pananampalataya na makipagtulungan sa Diyos, naniniwala ako na tutulungan Niya akong matiis ang mga panunukso ni Satanas at malampasan ang mahirap na sandaling ito.”

Dahil sa unang araw ay hindi nagawang makuha ng pulis ang impormasyong gusto nilang makuha mula sa akin, nagalit sila dahil napahiya sila, at buong bangis na sinabi sa akin ng kanilang hepe, “Hindi ako patatangay sa kanyang kasutilan. Pahirapan siya!” Nang marinig kong sinabi niya ito, nanghina ang aking espiritu at nagsimula akong matakot, at nag-alala ako na nasisira na ang loob ko dahil sa kanilang pagpapahirap. Ang tanging nagawa ko ay taimtim na manawagan sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos! Hinang-hina po ako ngayon at wala na akong lakas. Pero gusto akong pahirapan ng mga pulis at hindi ko talaga alam kung mananatili akong matatag. Samahan Mo sana ako at bigyan ako ng lakas.” Hinawakan ng pulis ang mga kamay kong nakaposas pa rin sa likuran ko at isinabit ang mga ito sa isang sirang mesa, pagkatapos ay pinilit nila akong manatali na medyo naka-iskuwat. Pagalit nila akong tiningnan at pinagtatanong. “Nasa’n ang lider n’yo? Nasa’n ang lahat ng pera ng iglesia?” Gustung-gusto nilang bumigay na ako sa pagpapahirap na iyon at sumuko na sa kanila. Matapos na patuloy na gawin ng masasamang pulis ang pagpapahirap na ito sa loob ng mga kalahating oras, nagsimulang sumakit at mangalog ang aking mga binti. Malakas ang tibok ng puso ko at masakit na masakit na rin ang mga braso ko. Sagad na ang pagtitiis ko at parang hindi na ako tatagal ni isang saglit, kaya’t buong taimtim akong nanawagan sa puso ko: “O Makapangyarihang Diyos! Iligtas Mo sana ako. Hindi ko na kaya. Ayaw kong magtaksil sa Iyo na gaya ni Judas. Protektahan Mo sana ako.” Sa sandaling iyon, sumaisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sa likod ng bawat hakbang na ginagawa ng Diyos sa inyo ay pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kapag ang Diyos at si Satanas ay naglalaban sa espirituwal na dako, paano mo dapat pasayahin ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo” (“Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ginising ako ng mga salita ng Diyos at binigyan ako ng kakayahang mapagtanto na pinahihirapan ako noon ni Satanas sa ganitong paraan upang pagtaksilan ko ang Diyos at tumigil ako sa paghahanap ng katotohanan. Ito’y isang pakikibaka sa espirituwal na daigdig: Iyon si Satanas na nagtatangkang tuksuhin ako, at iyon din ang paraan ng Diyos para subukin ako. Iyon mismo ang sandaling kinailangan ako ng Diyos na magpatotoo. May mga inasahan ang Diyos sa akin at napakaraming anghel ang nakamasid sa akin ngayon, gaya ng diyablong si Satanas, na pawang naghihintay na ideklara ko ang aking posisyon. Hindi maaaring basta na ako sumuko at humilata at hindi ako maaaring sumuko kay Satanas; alam ko noon na kailangan kong hayaang maisagawa ang gawain ng Diyos sa pamamagitan ko upang matugunan ang kalooban ng Diyos. Sa di-mababagong prinsipyo, ito ang tungkuling dapat kong ginagampanan bilang isang nilalang—ito ang aking tungkulin. Sa mahalagang sandaling ito, ang aking saloobin at pag-uugali ay ang magkaroon ng direktang epekto sa kakayahan kong matagumpay na magpatotoo para sa Diyos, at higit pa rito ay ang magkaroon ng direktang epekto sa kakayahan kong magpatotoo sa pagtalo ng Diyos kay Satanas at sa Kanyang pagkakamit ng kaluwalhatian. Nalaman ko na hindi ako dapat maging sanhi ng kalungkutan ng Diyos o biguin Siya, at hindi ko mapapayagang magtagumpay ang mga tusong pakana ni Satanas na nagpahirap sa akin. Habang iniisip ko ang mga ito, bigla akong nakaramdam ng lakas sa puso ko at matatag kong sinabi, “Bugbugin man ninyo ako hanggang sa mamatay, wala pa rin akong anumang alam!” Pagkasabi niyon, isang babaing opisyal na pulis ang pumasok sa silid. Nakita niya ako at sinabing, “Bilisan ninyo, ibaba n’yo siya. Ano’ng gusto ninyong gawin, patayin siya? Kayo ang mananagot kapag may mangyari sa kanya!” NaIaman ko sa puso ko na sinagot ng Makapangyarihang Diyos ang aking mga panalangin at nailigtas ako mula sa kapahamakan sa sandaling ito ng panganib. Nang ibaba na ako ng masasamang pulis, agad akong namaluktot sa sahig. Hindi ako makatayo, at nawalan ng pakiramdam ang mga kamay at paa ko. Halos wala akong lakas para huminga at ni hindi ko maramdaman ang mga paa’t kamay ko. Takot na takot ako sa oras na iyon mismo at walang tigil sa pagdaloy ang mga luha mula sa aking mga mata. Naisip ko: “Malulumpo ba ako?” Sa kabila nito, gayunman, hindi pa rin ako pinakawalan ng masasamang pulis. May tig-isa sa magkabilang tabi ko, hinawakan nila ang mga braso ko at kinaladkad akong parang bangkay papunta sa isang sirang silya, at isinalya ako roon. Mabagsik na sinabi ng isa sa mga pulis, “Kung hindi siya magsasalita ibigti n’yo siya ng lubid!” Dali-daling kinuha ng isa pang masamang pulis ang isang manipis na lubid na nylon at ginamit ito upang ibitin ang nakaposas kong mga kamay sa isang heating pipe. Agad na nabatak nang tuwid ang mga bisig ko, at agad nagsimulang sumakit ang likod at mga balikat ko. Patuloy akong tinanong ng masasamang pulis ng, “Sasabihin mo ba sa amin ang gusto naming malaman?” Hindi pa rin ako sumagot. Nagalit sila nang husto kaya’t sinabuyan ako ng isang tasang tubig sa aking mukha, sinasabing ito ay para magising ako. Sa sandaling ito, napahirapan na ako hanggang sa wala na akong natirang ni katiting na lakas, at pagod na pagod ang mga mata ko kaya’t ni hindi ko maimulat ang mga ito. Nakikitang tahimik pa rin ako, walang-awa at walang kahiya-hiyang pilit na ibinuka ng isa sa masasamang pulis ang mga mata ko para gawin akong katawa-tawa. Matapos sumailalim sa ilang oras na pagtatanong at pagpapahirap, nagawa na ng masasamang pulis ang lahat ng paraang alam nila, ngunit minsan pang nabigong lahat ang mga pagtatangka nilang pagsalitain ako.

Nakikitang wala silang makukuha sa akin sa kanilang pagtatanong, nagpasiya ang masasamang pulis na gumamit ng napakahayop na paraan: Pinapunta nila ang isang tao mula sa lungsod na tinatawag ang kanyang sarili na isang “eksperto sa interogasyon” para harapin ako. Dinala nila ako sa ibang silid at inutusan akong umupo sa isang silyang bakal, pagkatapos ay ikinadena nila nang mahigpit ang mga bukung-bukong ko sa mga paa ng silya at ang mga kamay ko sa mga patungan ng kamay. Makaraan ang ilang saglit, isang nakasalamin at mukhang maginoong lalaki ang pumasok na may dalang portpolyo. Ngumiti siya nang todo sa akin at, nagpapanggap na mabait, kinalag niya ang mga kadenang gumagapos sa aking mga kamay at bukung-bukong sa silya at pinayagan akong maupo sa isang kama sa isang panig ng silid. Isang sandali pa binigyan niya ako ng isang basong tubig, pagkatapos ay binigyan niya ako ng mga kendi. Lumapit siya sa akin at sinabi na may pakunwaring kabaitan na, “Bakit kailangan mong magdusa nang ganito? Sobra na ang pagdurusa mo, pero ang totoo’y hindi ito malaking bagay. Sabihin mo sa amin ang nais naming malaman, at magiging maayos ang lahat….” Naharap sa bagong sitwasyong ito, hindi ko alam kung paano ako dapat makipagtulungan sa Diyos, kaya’t dali-dali akong nanalangin sa Diyos sa puso ko at nanawagan sa Kanya na liwanagan at gabayan ako. Pagkatapos niyon, naisip ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Dapat mong tiisin ang anumang mga pagsubok, at tanggapin ang lahat nang nagmumula sa Akin. Dapat mong sundan kung anuman ang ginagawa ng Banal na Espiritu upang akayin ka. Dapat ay magkaroon ka ng matalas na espiritu at ng kakayahang makita ang kaibhan ng mga bagay-bagay. Dapat mong maunawaan ang mga tao at huwag bulag na sundan ang iba, panatilihin mong maningning ang iyong espirituwal na mga mata at mag-angkin ng lubos na kaalaman sa mga bagay-bagay” (“Kabanata 18” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang landas ng pagsasagawa at tinulungan akong matanto na ang diyablo ay lalaging isang diyablo, at hindi kailanman mababago ng diyablo ang makademonyong pagkalaban nito sa Diyos, ang diwa ng pagkamuhi nito sa Diyos. Gumagamit man sila ng mahihirap na taktika o magigiliw na taktika, ang mithiin nila palagi ay hikayatin akong magtaksil sa Diyos at talikuran ang tunay na daan. Salamat sa babala ng mga salita ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting pagkahiwatig sa mga tusong pamamaraan ni Satanas, luminaw ang aking isipan, at nagawa kong matatag na manindigan. Pagkatapos ay sinabi sa akin ng tagapagtanong, “Pinagbabawalan ng gobyernong CCP ang mga tao sa paniniwala sa Diyos. Kung patuloy kang maniniwala sa Makapangyarihang Diyos, madadamay ang buong pamilya mo, at maaapektuhan nito ang kinabukasan, pagkakaroon ng mga trabaho, at mga inaasahang serbisyo sibil ng mga bata sa inyong pamilya. Makabubuting pag-isipan mo itong mabuti….” Pagkatapos niyang sabihin ito, nagsimulang magtalo ang kalooban ko, at lalo akong nabahala. Nang pakiramdam ko ay nawawala na ako, bigla kong naisip ang mga karanasan ni Pedro nang matagumpay siyang tumayo bilang saksi sa harap ni Satanas; palaging sinikap ni Pedro na maunawaan ang Diyos sa bawat tusong pamamaraang ibinato sa kanya ni Satanas. Kaya’t, sa kaibuturan ng aking puso, umasa ako sa Diyos at ipinagkatiwala ko sa Kanya ang lahat, at hinangad ko ang Kanyang kalooban. Hindi ko namalayan, sumaisip ko ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Ang Diyos lamang ang umaaliw sa sangkatauhang ito, at ang Diyos lamang ang nagmamalasakit sa sangkatauhang ito gabi’t araw. Ang pag-unlad at paglago ng tao ay hindi mapaghihiwalay mula sa kapangyarihan ng Diyos, at ang kasaysayan at hinaharap ng sangkatauhan ay hindi mailalabas mula sa mga disenyo ng Diyos. …Diyos lamang ang nakakaalam sa kapalaran ng isang bayan o bansa, at Diyos lamang ang kumokontrol sa landasin ng sangkatauhang ito” (“Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Pinuspos ako ng liwanag ng mga salita ng Diyos. “Oo!” naisip ko. “Ang Diyos ang Lumikha at nasa mga kamay Niya ang ating kapalaran. Ang diyablong si Satanas ang uring sumusuway sa Diyos. Kung ni hindi nila mabago ang kanilang sariling tadhana na mabulid sa impiyerno, paano pa kaya nila mapapamahalaan ang kapalaran ng tao? Ang tadhana ng tao ay itinakda na ng Diyos noon pa man, at anuman ang gawin ng mga anak ko sa hinaharap at paano man mangyari ang mga inaasahan nila ay Diyos na ang bahala—walang kontrol si Satanas sa mga bagay na ito.” Nasasaisip ito, nakita ko nang mas malinaw kung gaano kasuklam-suklam at kawalanghiya si Satanas at ang mga demonyo. Kaya’t upang mapuwersa akong ikaila at tanggihan ang Diyos, gumamit ito ng mga walang-kabuluhan at masasamang taktika—itong mga “paglalaro sa isipan”—upang akitin akong magpalinlang. Kung hindi dahil sa napapanahong kaliwanagan at patnubay ng Makapangyarihang Diyos, sana ay naitumba na ako at nabihag ni Satanas. Ngayong alam ko na kung gaano kasuklam-suklam at kasama si Satanas noon, ang tiwala kong huwag patangay sa mga tusong pamamaraan nito ay lumakas. Sa huli, hindi na makapag-isip ang masamang pulis at hindi na alam kung ano pa ang gagawin, kaya’t umalis siya na gulung-gulo ang isipan.

Inakay Ako ng mga Salita ng Diyos na Magpatotoo

Sa ikatlong araw, nakita ng hepe ng pulisya na wala silang nakuhang impormasyon mula sa akin at galit na galit na nagreklamo sa kawalan ng kakayahan ng kanyang mga tauhan. Lumapit siya sa akin at nakangising may pang-iinis na nagsabing, “Bakit hindi ka pa umaamin? Sino ka ba sa akala mo, Liu Hulan? Akala mo ba nagawa na namin ang pinakamatindi sa iyo kaya hindi ka natatakot, ha? Bakit hindi pumarito ang iyong Makapangyarihang Diyos para iligtas ka? …” Habang nagsasalita siya, tinakot niya ako sa pagpapakita ng maliit na stun gun sa harap ng mga mata ko na tumutunog pa at naglalabas ng asul na ilaw, pagkatapos ay itinuro niya ang isang malaking stun gun na kasalukuyang naka-charge at binantaan ako, na nagsasabing, “Nakikita mo ba ’yon? Malapit nang ma-discharge ang maliit na stun gun na ito. Maya-maya, gagamitin ko ang malaking stun gun na iyon na naka-charge para kuryentihin ka, at titingnan natin kung magsasalita ka! Alam kong magsasalita ka na noon!” Tiningnan ko ang malaking stun gun at hindi ko napigilang matakot: “Masyadong malupit at parang demonyo ang masamang pulis na ito. Papatayin kaya niya ako? Matitiis ko ba ang pagpapahirap na ito? Kukuryentihin ba ako hanggang sa mamatay?” Sa sandaling iyon, pumasok lahat sa isip ko ang kahinaan, karuwagan, at sakit at kawalan ng magagawa…. Dali-dali akong nanawagan sa Diyos: “O Makapangyarihang Diyos, bagama’t nananakit nang husto at hinang-hina ang aking katawan, ayaw ko pa ring ibigay kay Satanas ang gusto nito. Aba at walang-silbi ang aking katawan, at ang nais ko lamang ay makamit Mo at tanggapin ang puso ko. Protektahan Mo sana ako at tulungang huwag magtaksil sa Iyo na gaya ni Judas.” Nang manawagan ako sa Diyos, pumasok sa isipan ko ang ilang linya mula sa isang himno ng mga salita ng Diyos: “Ang pananampalataya ay gaya ng isang tulay na may iisang troso, sila na matinding nakakapit sa buhay ay mahihirapang tumawid rito, ngunit sila na handang isakripisyo ang kanilang mga sarili ay makatatawid nang walang pangamba. Kung ang tao ay mayroong mga isipang nag-aalala at natatakot, sila ay nililinlang ni Satanas, Natatakot ito na makatatawid tayo sa tulay ng pananampalataya upang makapasok sa Diyos” (Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Pumasok din sa aking isipan ang mga salitang ito ng Panginoong Jesus: “At huwag kayong mangatakot sa mga nagsisipatay ng katawan, datapuwa’t hindi nangakakapatay sa kaluluwa: kundi bagkus ang katakutan ninyo’y yaong makapupuksa sa kaluluwa at sa katawan sa impierno” (Mateo 10:28). Malayang dumaloy ang aking mga luha dahil sa mga salita ng Diyos—labis akong naantig. Parang apoy na naglalagablab ang lakas sa aking puso. “Mamatay man ako ngayon,” naisip ko, “ano ang dapat ikatakot? Maluwalhati ang mamatay para sa Diyos, at ibibigay ko ang lahat upang labanan si Satanas hanggang kamatayan!” Sa sandaling iyon mismo, pumasok sa aking isipan ang ilang linya mula sa isa pang himno ng mga salita ng Diyos: “Habang nasa daan patungong Jerusalem, nadama ni Jesus ang paghihirap, na para bang ang isang kutsilyo ay iniikot sa Kanyang puso, subali’t Siya ay walang bahagya mang intensyong talikuran ang Kanyang salita; palaging mayroong isang malakas na puwersang humihimok sa Kanya na sumulong kung saan Siya ay ipapako sa krus. Sa kahuli-hulihan, Siya ay ipinako sa krus at naging wangis ng makasalanang laman, tinatapos ang gawaing iyon ng pagtubos sa sangkatauhan” (“Tularan ang Panginoong Jesus” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Umawit ako nang umawit sa aking puso, at walang tigil na tumulo ang mga luha sa aking mga pisngi. Napanood ko sa harap mismo ng aking mga mata ang tagpo ng pagpapako sa Panginoong Jesucristo sa krus: Ang Panginoong Jesus ay hinamak, tinuya at siniraan ng mga Fariseo, hinagupit Siya ng berdugo ng isang latigong may mga bakal hanggang sa matadtad Siya ng mga sugat at pasa, hanggang sa buong kalupitan Siyang ipinako sa krus, gayunma’y walang narinig sa Kanya…. Lahat ng pinagdaanan ng Panginoong Jesus ay pinagdusahan dahil sa Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan, at nadaig ng pagmamahal na ito ang Kanyang pagmamahal sa sarili Niyang buhay. Sa sandaling iyon, nabigyang-inspirasyon at naantig ng pagmamahal ng Diyos ang puso ko, at napuspos ako ng matinding lakas at pananampalataya. Hindi na ako takot sa anumang bagay, at pakiramdam ko magiging maluwalhati ang mamatay para sa Diyos, samantalang ang pagiging gaya ni Judas ang magiging pinakamalaking kahihiyan. Nagulat ako nang magpasiya akong tumayong saksi para sa Diyos kahit buhay ko pa ang maging kapalit nito, muli akong tinulungan ng Diyos na matakasan ang mga kuko ng kamatayan, at nagbukas Siya ng daan para makatakas ako. Sa sandaling iyon, patakbong pumasok ang isang masamang pulis sa silid, na nagsabing, “May gulo sa liwasan ng lungsod, kailangan nating pakilusin ang kapulisan para sugpuin iyon at mapanatili ang kaayusan ng publiko!” Nagmamadaling naglabasan ang masasamang pulis. Nang bumalik sila, gabing-gabi na, at wala na silang lakas para tanungin pa ako. Mabangis nilang sinabi sa akin, “Dahil ayaw mong magsalita, ipapadala ka namin sa detention house!”

Kinaumagahan ng ikaapat na araw, kinunan ako ng retrato ng masasamang pulis at sinabitan ng malaking kuwadradong karatula ang leeg ko na may nakasulat na pangalan ko gamit ang isang brush. Para akong isang kriminal na binabatikos, hinahamak at nililibak ng masasamang pulis. Pakiramdam ko isinasailalim ako sa pinakamalaking kahihiyan, at hinang-hina ang kalooban ko. Gayunman, natanto ko na hindi tama ang iniisip ko, kaya’t dali-dali akong nanawagan nang tahimik sa Diyos sa puso ko: “Diyos ko! Pangalagaan Mo sana ang puso ko at bigyan ako ng kakayahang maunawaan ang Iyong kalooban at hindi mahulog sa mga tusong pamamaraan ni Satanas.” Pagkatapos manalangin, isang talata ng mga salita ng Diyos ang malinaw na sumaisip ko: “Isa kang nilalang—syempre dapat mong sambahin ang Diyos at maghangad ng isang makahulugang buhay. … Dahil isa kang taong nilalang, dapat kang gumugol para sa Diyos at tiisin ang lahat ng pagdurusa! Dapat mong tanggapin nang may kagalakan at may katiyakan ang maliit na pagdurusa na iyong pinagdaraanan sa kasalukuyan at isabuhay ang isang makahulugang buhay, kagaya ni Job, kagaya ni Pedro. … Kayo ay mga tao na naghahangad ng tamang landas, yaong mga naghahangad ng pagsulong. Kayo’y mga tao na naninindigan sa bansa ng malaking pulang dragon, yaong mga tinatawag na matuwid ng Diyos. Hindi ba iyon ang pinakamakahulugang buhay?” (“Pagsasagawa (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). May awtoridad at lakas ang mga salita ng Diyos, pinuspos nito ng liwanag ang puso ko at iwinaksi ang lahat ng kadiliman, at binigyan ako ng kakayahang maunawaan ang kahulugan at kahalagahan ng buhay. Tinulutan ako nitong maunawaan na, ang mahanap ang katotohanan bilang isang nilalang, at mabuhay upang sambahin at bigyang-kasiyahan ang Diyos, ang pinakamakahulugan at pinakamakabuluhang buhay. Ang mabihag at madetena ngayon dahil sa aking paniniwala sa Diyos, ang magdanas ng lahat ng kahihiyan at pasakit na ito, at makabahagi sa mga pagdurusa at sa kaharian ni Cristo, ay hindi nakakahiya, kundi maluwalhati. Hindi sinasamba ni Satanas ang Diyos; bagkus, ginagawa nito ang lahat upang patigilin at hadlangan ang gawain ng Diyos, at ito ang pinaka-nakakahiya at kasuklam-suklam. Nasasaisip ang mga ito, napuno ako ng lakas at kagalakan. Nakita ng masasamang pulis ang ngiti sa aking mukha at tinitigan ako nang may pagkamangha, at sinabing, “Ano ang nakakatuwa?” Sumagot ako nang makatwiran at buong diin, “Lubos na makatarungan ang maniwala at sumamba sa Diyos. Wala talagang mali rito. Bakit hindi ako matutuwa?” Sa patnubay ng Diyos, muli kong nagawang umasa sa Diyos upang madaig si Satanas.

Inakay Ako ng mga Salita ng Diyos na Magpatotoo

Pagkatapos ay dinala ako sa detention house. Lahat ng nasa lugar na iyon ay mas madilim at nakakatakot, at pakiramdam ko nakababa ako sa kung anong klaseng impiyerno. Sa bawat pagkain, binigyan ako ng maliit at maitim na piraso ng pinasingawang tinapay at kaunting pinakuluang bok choy sa isang mangkok ng malinaw na sabaw na may ilang nakalutang na dahon ng gulay sa ibabaw. Gutom na gutom ako araw-araw, kumukulo ang tiyan ko sa gutom. Gayunman, sa kabila nito, kinailangan ko pa ring magtrabaho na parang hayop na may kargada, at kung hindi ko maabot ang kota ko, binubugbog ako o kaya’y tumayong guwardiya bilang parusa. Dahil tumagal nang maraming araw ang malupit na pagpapahirap na ito, nagkapasa at nasugatan ako mula ulo hanggang paa, at kahit ang lumakad ay hirap ako, pero pinilit pa rin ako ng mga opisyal sa piitan na magbuhat ng mabibigat na copper wire. Dahil sa mabigat na trabahong ito, sumakit nang husto ang napinsala kong likod, at wala akong nagawa sa pagtatapos ng bawat araw kundi ang gumapang papunta sa aking higaan. Ngunit sa gabi, ako pa rin ang pinatayong guwardiya ng masasamang pulis sa mga bilanggo, at imposibleng matiis ang labis at nakakapagod na trabahong ito. Isang gabi habang ako ang nakatayong guwardiya, sinamantala ko habang wala ang masasamang pulis at palihim akong yumukyok, na umaasang makapagpahinga. Gayunman, hindi ko inaasahan na nakita ako ng masasamang pulis sa kamerang nasa surveillance room at sinugod ako na sumisigaw, “Sino’ng nagsabi sa ’yo na puwede kang umupo?” Binulungan ako ng isa sa mga bilanggo, “Bilisan mo, humingi ka ng tawad, kung hindi ‘patutulugin ka niya sa tabla.’” Ang ibig niyang sabihin dito ay ang pahirap kung saan dadalhin ang isang pintong tabla sa selda ng preso, ikakadena ang kanilang mga binti at paa rito, at itatali rito ng lubid ang mga kamay nila sa bandang pulso. Pagkatapos ay itatali ang preso sa tabla, at hindi sila papayagang kumilos ulit sa loob ng dalawang linggo. Nang marinig ko ito, nagalit ako at napoot, ngunit alam kong hindi ako dapat magpakita ng kahit kaunting paglaban—ang tanging nagawa ko ay lunukin ang galit ko, napakahirap palang tiisin ang gayong pananakot at pagpapahirap. Nang gabing iyon, nahiga ako sa kama kong naninigas sa lamig at iniyakan ko ang kawalang-katarungan ng lahat ng ito, puno ng reklamo at paghiling sa Diyos ang puso ko, na iniisip na: “Kailan ’to matatapos? Isang araw lang sa impiyernong lugar na ito ay sobra-sobra na.” Pagkatapos ay naisip ko ang mga salita ng Diyos: “Kung nauunawaan mo ang kahalagahan ng buhay ng tao, at tinahak ang tamang landas ng buhay ng tao, at kung sa hinaharap, hindi alintana paano man tratuhin ka ng Diyos, pasasakop ka sa Kanyang mga panukala nang walang anumang reklamo o mga pagpipilian, at hindi ka magkakaroon ng anumang mga kinakailangan ng Diyos, sa ganitong paraan, magiging isa kang tao na may halaga” (“Paano Mo Dapat Lakaran ang Huling Bahagi ng Landas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Nahiya ako sa sarili ko dahil sa mga salita ng Diyos. Naisip ko kung paano ko palaging sinasabi na titiisin ko ang anumang pasakit para sa Diyos, na palagi kong susundin ang Diyos sa lahat ng paraan, tulad ng ginawa ni Pedro, gaano man katindi ang sakit at hirap, at na hindi ako gagawa ng mga desisyon o hihiling para sa sarili kong kapakanan. Gayunman, nang dumanas ako ng pag-uusig at paghihirap, at kinailangan kong magdusa at pagbayaran ang halaga, lubusan akong nabigong patunayan ang aking mga salita. Napuno ako ng di-makatwirang mga kahilingan sa Diyos at pagkontra sa Diyos, at ginusto ko lamang matakasan ang mahirap na sitwasyong ito upang hindi na mahirapan pa ang aking katawan—paano ko posibleng makakamtan ang katotohanan at buhay na ibinibigay sa akin ng Diyos sa paggawa niyon? Noon ko lamang naunawaan ang mabubuting intensyon ng Diyos: tinulutan ng Diyos na danasin ko ang paghihirap na ito upang mag-ingat ako sa pagpapasiya na magtiis ng pagdurusa, at tulutan akong matutuhan kung paano sumunod sa aking pagdurusa, upang magawa kong magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos at maging karapat-dapat akong matanggap ang Kanyang pangako. Lahat ng ginawa sa akin noon ng Diyos ay ginawa dahil sa pagmamahal, ginawa iyon upang iligtas ako, at ginawa iyon upang gawin akong tunay na tao. Pagkatapos niyon lumaya ang puso ko, at hindi ko na nadama na ginawan ako ng masama o sinaktan. Ang ginusto ko lamang ay magpasakop sa mga pagsasaayos at plano ng Diyos, makipagtulungang mabuti sa Diyos sa sitwasyong ito, at hangaring makamit ang katotohanan.

Makalipas ang isang buwan, bagama’t wala silang gaanong nakuhang ebidensya mula sa akin, pinalaya ako ng mga pulis. Gayunman, pinaratangan nila akong “nanggugulo sa pagpapatupad ng batas at nakikibahagi sa isang organisasyong xie jiao” para limitahan ang aking personal na kalayaan. Sa loob ng isang taon, hindi ako pinayagang umalis ng probinsya o ng bayan, at kinailangan kong magpunta sa mga pulis kahit kailan nila ako gustong tawagin. Pag-uwi ko, saka ko lamang nalaman na ninakaw at kinuha ng mga pulis ang lahat ng pag-aari ko na nasa bahay na tinuluyan ko. Bukod pa rito, hinalughog na ng masasamang pulis ang bahay ko na parang mga tulisan, at pinagbantaan na nila ang pamilya ko, sinasabing kailangan nilang magbigay ng 25,000 yuan bago nila ako pakawalan. Hindi na nakayanan ng aking biyenang babae ang takot sa lahat ng ito at inatake siya sa puso, at gumaling lamang matapos siyang maospital at magamot, sa halagang mahigit sa 2,000 yuan. Sa huli, napilitan ang pamilya ko na lapitan ang bawat kakilala nila para humiram ng pera upang makalikom sila ng 3,000 yuan para sa mga pulis, at noon lamang ako pinakawalan. Dahil sa malulupit na pagpapahirap na ginawa sa akin ng masasamang pulis, nahirapan ang katawan ko sa matitinding epekto nito: Madalas mamaga ang mga braso at binti ko at sumasakit dahil sa matinding pahirap dito noong nabilanggo ako; ni hindi ko mabuhat ang dalawa’t kalahating kilo ng mga gulay o malabhan ang mga damit ko, at tuluyan akong nawalan ng kakayahang magtrabaho. Dahil sa malupit na pang-uusig na ipinalasap sa akin ng gobyernong CCP, lalo akong napoot kay Satanas—napopoot ako sa reaksyonaryo at masuwayin sa langit na diyablong si Satanas.

Sa pagdanas sa pang-uusig at paghihirap na ito, talagang napahalagahan ko na ang gawain ng Diyos ay tunay na napakapraktikal at matalino. Noong nagdurusa ako, unti-unting itinimo sa akin ng Diyos ang katotohanan, sa gayo’y nagawa kong talikuran ang kadiliman, takasan ang kamatayan, at matamo ang kalayaan at mapalaya sa katotohanan. Ganito ako ginabayan ng Diyos upang madaig si Satanas, nang paulit-ulit, sa pamamagitan ng pang-uusig at mga paghihirap na ipinalasap sa akin ni Satanas. Tinulutan Niyang makamit ko ang pagdidilig at panustos ng Kanyang mga salita, maunawaan ko ang katotohanan at magkaroon ako ng paghiwatig, at binago Niya ang aking kalooban, ginawang perpekto ang aking pananampalataya, tinuruan akong umasam at umasa sa Kanya, at unti-unting lumago at maging ganap ang buhay ko. Talagang nakita ko na nagtagumpay na ang Diyos at natalo na si Satanas, gaya ng kinakanta sa himnong ito ng mga salita ng Diyos: “Makikita ang patunay ng sumusulong na pagbagsak ng malaking pulang dragon sa patuloy na paggulang ng mga tao. Maliwanag na makikita ito ninuman. Tanda ng pagpanaw ng kaaway ang paggulang ng mga tao. Personal Akong pumupunta sa lugar kung saan ang malaking pulang dragon ay namamalaging nakapulupot, upang makipaglaban dito. At kapag nakilala PAko ng lahat ng sangkatauhan mula sa loob ng katawang-tao, at nakakayang makita ang Aking mga gawa mula sa loob ng katawang-tao, kung gayon ang pugad ng malaking pulang dragon ay magiging abo at maglalaho nang walang bakas” (“Mas Gumugulang ang mga Tao ng Diyos, mas Bumabagsak ang Malaking Pulang Dragon” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).

Kaugnay na Content