Suwerte at Kasawian

Ni Dujuan, Japan

Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa isang nayon sa probinsiya. Magmula noong bata ako, mahirap na ang naging buhay ko at minaliit ako ng ibang mga tao. Kung minsan ni hindi ko pa alam kung may kakainin ako sa susunod na kainan, mas lalo pa ang mga meryenda at laruan. Dahil mahirap ang aking pamilya, noong maliit pa ako, isinusuot ko ang dating damit ng aking ate. Karaniwang masyadong malaki para sa akin ang kanyang mga damit. Bilang resulta, noong pumasok ako sa paaralan, pinagtatawanan ako ng ibang mga bata at hindi sila nakikipaglaro sa akin. Ang aking pagkabata ay napakasaklap. Magmula sa puntong iyon, palihim kong sinasabi sa aking sarili: Kapag malaki na ako, ako ay magiging importanteng tao at kikita ng maraming pera. Hindi ko hahayaang maliitin muli ako ng ibang mga tao. Dahil walang pera ang aking pamilya, napilitan akong tumigil sa pag-aaral bago ang junior high school. Pumunta ako sa bayan ng county upang magtrabaho sa isang pagawaan ng gamot. Upang kumita ng mas maraming pera, madalas akong nagtatrabaho hanggang 9 o 10 PM. Gayunpaman, hindi pa rin sapat ang kinita kong pera upang maabot ko ang aking mga layunin. Pagkatapos, noong narinig ko na kumikita ang aking kapatid na babae sa limang araw ng katumbas ng kinikita ko sa isang buwan sa pagtitinda ng mga gulay, nagbitiw ako sa aking trabaho sa pagawaan ng gamot at nagtinda ng mga gulay. Pagkatapos ng ilang panahon, nalaman ko na maaari akong kumita ng mas marami pang pera sa pagbebenta ng mga prutas, kaya nagdesisyon akong magsimula ng negosyo na pagbebenta ng mga prutas. Pagkatapos kong magpakasal sa aking asawa, nagsimula kami ng negosyong kainan. Inakala ko na ngayong mayroon na akong kainan, kikita na ako ng mas marami pang pera. Sa sandaling kumikita na ako ng malaki-laking halaga ng pera, siyempre, makakamit ko ang paghanga at paggalang ng ibang mga tao. Magsisimulang humanga sa akin ang ibang mga tao at kasabay nito, magagawa kong mabuhay ng mas magandang buhay. Subalit, matapos patakbuhin ang negosyo nang ilang panahon, natuklasan ko na sa katunayan ay hindi ako kumikita ng maraming pera. Nagsimula akong mabalisa. Kailan ako magkakaroon ng buhay na hahangaan ng ibang mga tao?

Noong 2008, nagkataon na narinig kong sinabi ng isang kaibigan na ang pagtatrabaho nang isang araw sa Japan ay katumbas ng pagtatrabaho nang sampung araw sa China. Noong nalaman ko ang balitang ito, naging napakasaya ko. Naramdaman ko na sa wakas, nakatagpo na ako ng magandang pagkakataon para kumita ng pera. Naisip ko na dapat kong kamtin ang mas malaking benepisyo sa pamamagitan ng pagsasakripisyo sa mas maliit. Ang tanging kinakailangan kong gawin ay pumunta sa Japan at magtrabaho at magagawa ko nang mabawi ang aking mga gastos. Upang magkatotoo ang aming mga pangarap, hindi namin inalintana ng aking asawa kung magkano ang magiging bayad sa ahente. Nagdesisyon kaming pumunta kaagad sa Japan. Pagkarating namin sa Japan, napakabilis naming nakahanap ng trabaho. Bawat araw, magtatrabaho kami ng aking asawa nang 13 o 14 na oras. Medyo matindi ang istres sa trabaho. Lubos akong pagod sa maghapon. Pagkatapos ng trabaho, ang tanging gusto kong gawin ay humiga at magpahinga. Ni hindi ko gustong kumain. Nahirapan akong tiisin ang ganoong napakabilis na takbo ng pamumuhay. Subalit, sa sandaling maisip ko ang tungkol sa perang mahahawakan ko pagkatapos kong magpakahirap nang ilang taon, pinatapang ko ang aking sarili. Kahit pa mahirap at nakakapagod ngayon, sa kalaunan, magiging maganda ang aking buhay. Kailangan kong magpatuloy. Bilang resulta, bawat araw ay nagbanat ako ng buto sa pagtatrabaho nang husto na para bang ako’y makinang gumagawa ng pera. Pagdating ng 2015, bumagsak ako sa sobrang bigat ng trabaho. Pumunta ako sa ospital para sa eksaminasyon at sinabi ng doktor sa akin na mayroon akong pagdulas ng bahagi ng gulugod at iniipit nito ang isang ugat. Kung patuloy akong magtatrabaho tulad ng dati, sa kalaunan ay mararatay ako sa kama at hindi ko maaalagaan ang aking sarili. Tumama sa akin ang balitang ito na parang kulog mula sa malinaw na kalangitan. Kaagad akong nanghina nang husto. Kakasimula lang na bumuti ang aking buhay, at palapit na ako nang palapit sa aking pangarap. Hindi ko kailanman naisip na ako ay magkakasakit. Tumanggi akong sumuko. Naisip ko: “Bata pa ako. Kailangan ko lang pagtiimin ang aking mga ngipin at malampasan ito. Kung hindi ako kikita ng mas maraming pera ngayon, sa panahong uuwi ako, wala akong maraming pera. Hindi ba mas nakakahiya iyon? Bilang resulta, pinagtiim ko ang aking mga ngipin at hinila ang aking mahinang katawan pabalik sa trabaho. Subalit, makalipas ang ilang araw, sumama nang husto ang aking pakiramdam na literal na hindi na ako makabangon.

Napakamiserable ng pakiramdam ko habang nakahiga ako sa kama sa ospital nang walang nangangalaga sa akin. “Paano ako napunta sa sitwasyong ito? Posible kayang hindi ko talaga makakayang bumangon sa kama?” Umasa talaga ako na may isang tao sa aking tabi. Sa kasamaang palad, ang aking asawa ay nasa trabaho at ang aking anak ay nasa paaralan. Ang aking amo at ang aking mga kasamahan ay nakatuon lamang sa tubo. Talagang wala silang pag-aalala kahit katiting para sa akin. Ang ward ay puno ng lahat ng uri ng maysakit na tao. Wala akong magawa kundi mag-isip nang malalim: Para sa anong layunin ba nabubuhay ang mga tao? Paano magkakaroon ang isang tao ng makabuluhang buhay? Talaga bang mabibili ng pera ang kaligayahan? Pinagnilayan ko ang nakamit ko pagkatapos ng 30 taon ng paghihirap. Nagtrabaho ako sa isang pagawaan ng gamot, nagbenta ng prutas, nagpatakbo ng kainan at pumunta dito sa Japan upang magtrabaho. Kahit pa kumita nga ako ng ilang pera sa mga nakalipas na taon, subalit, tiniis ko ang napakaraming kalungkutan. Akala ko na sa sandaling makarating ako sa Japan, makakamit ko na nang napakabilis ang aking mga pangarap. Pagkatapos ng ilang taon sa Japan, kapag bumalik ako sa China, makapagsisimula na ako ng bagong buhay bilang isang mayamang tao at kaiinggitan ng ibang mga tao. Subalit, ngayon ay nakaratay ako sa kama at nahaharap sa posibilidad na hindi ko na maaalagaan ang aking sarili at buong kapaitan kong gugugulin ang ikalawang kalahati ng aking buhay sa isang wheel chair…. Nang maisip ko ito, nagsimula kong pagsisihan na inilagay ko sa panganib maging ang sarili kong buhay upang kumita ng pera at umangat sa buhay. Habang lalo kong iniisip ang tungkol dito, lalong nagsisimulang tumulo ang mga mapapait na luha sa aking pisngi. Dahil sa paghihirap, hindi ko mapigilang umiyak ng: Diyos ko! Iligtas Ninyo ako! Bakit napakalupit ng buhay?

Noong nasasaktan at walang-wala akong magawa, iyon ang sandali na dumating sa akin ang pagliligtas ng Makapangyarihang Diyos at ang aking “karamdaman” ay naging aking “biyaya.” Napakagandang pagkakataon na may kakilala akong tatlong mga kapatid na babae mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Mula noong nakipag-usap sila sa akin, naintindihan ko kung saan nagmumula ang aking karamdaman at nalaman ko kung saan nagmumula ang aking paghihirap. Bilang isang tao na hindi kailanman nagkaroon ng pananampalataya noon, ngayon ay isa na akong tao na may direksiyon ang buhay at alam ko kung para kanino dapat ako nabubuhay. Binigkas ng kapatid ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa akin: “Saan nagmula ang sakit ng panganganak, kamatayan, karamdaman, at pagtanda sa buong buhay ng tao? Ano ang naging dahilan para magkaroon ng mga bagay na ito ang mga tao? Wala namang ganitong mga bagay ang mga tao noong una silang likhain, hindi ba? Kaya, saan nagmula ang mga bagay na ito? Dumating ang mga bagay na ito matapos tuksuhin ni Satanas ang mga tao at naging masama ang kanilang laman. Ang karamdaman ng laman, ang mga hirap at kahungkagan nito, gayon din ang napakamiserableng mga problema sa mundo ng mga tao ay nagdatingang lahat matapos gawing tiwali ni Satanas ang mga tao, mula nang simulang pahirapan ni Satanas ang mga tao; ang resulta ay mas lalo silang naging masama. Ang mga karamdaman ng sangkatauhan ay lalo pang tumindi, at ang kanilang pagdurusa ay lalo pang lumala. Unti-unti, nadama ng mga tao ang kahungkagan at trahedya ng mundo, gayon din ang kanilang kawalan ng kakayahang patuloy na mabuhay roon, at mas lalong nabawasan ang kanilang pag-asa para sa mundo. Dumating ang lahat ng ito matapos itong gawing tiwali ni Satanas. Sa gayon, ang pagdurusang ito ay ipinadama ni Satanas sa mga tao, at dumating lang matapos silang magawang tiwali ni Satanas at sila ay naging masama” (“Ang Kahulugan ng Pagdaranas ng Diyos ng Kirot ng Mundo” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Isa sa mga kapatid na babae ang nagsabi sa akin na noong nilikha ang tao sa simula, wala sa tao ang sakit ng panganganak, pagkamatay, karamdaman at katandaan at wala rin sa kanya ang pagkabalisa at pagkaligalig. Sa halip, nasa kanya ang buhay na walang inaalala sa Halamanan ng Eden, tinatamasa ang lahat ng mabubuting bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa tao. Subalit, pinagtaksilan ng sangkatauhan ang Diyos at hindi na nakinig sa Diyos simula noong inakit at itiniwali ni Satanas ang sangkatauhan. Hindi na binantayan, pinangalagaan at biniyayaan ng Diyos ang tao at nabuhay siya sa ilalim ng sakop ni Satanas. Nabuhay siya ayon sa mga batas ni Satanas. Nagsimula siyang mabuhay para sa katanyagan, katayuan, pera. Kung kaya tayong mga tao ay nagplano laban sa isa’t isa. Nilabanan natin ang isa’t isa nang napakalupit. Nilinlang natin ang isa’t isa, at pinatay pa natin ang isa’t isa. Dito nagmumula ang ating karamdaman, ang mga kahirapan sa ating buhay, at ang sakit at dalamhati sa ating mga puso. Ang sakit at pagkaligalig na ito ay nagiging sanhi upang maramdaman ng bawat isa at lahat ng tao na ang buhay sa mundo ay labis na napakapait, nakakapagod at mahirap. Lahat ng bagay na ito ay lumitaw matapos itiwali ni Satanas ang tao. Si Satanas ang pumipinsala sa atin. Matapos kong pakinggan ang sinasabi ng kapatid na babae, naintindihan kong: Sa simula, nabubuhay tayo sa ilalim ng mga biyaya ng Diyos. Ang ating mga buhay ay masaya at walang karamdaman o pagkaligalig. Matapos tayong itiwali ni Satanas, nawala natin ang pangangalaga ng Diyos at nagsimula tayong magkasakit at nagsimula nating danasin ang lahat ng uri ng paghihirap. Sa puntong ito, tunay kong naramdaman na kasuklam-suklam talaga si Satanas. Naintindihan ko rin na ang sakit na dinaranas ko sa lahat ng nakaraang taon ay nagresulta mula kay Satanas.

Nagpatuloy sa pagbabahagi sa akin ang kapatid na babae, na sinasabing: “Hindi matitiis ng Diyos na panoorin ang sangkatauhang patuloy na itiwali at saktan ni Satanas at kaya nagkatawang-tao Siya sa gitna ng mga tao nang dalawang beses upang tubusin at iligtas tayong mga tiwaling tao. Lalung-lalo na sa mga huling araw, ang nagkatawang-taong Cristo ay nagpahayag nang milyun-milyong salita; ang mga ito ang katotohanan na nagtutulot sa mga tao na makipagbuno sa kanilang mga sarili mula sa pagtitiwali ni Satanas, upang madalisay at lubos na maligtas. Hangga’t nakikinig tayo sa salita ng Diyos at naiintindihan ang katotohanan sa loob ng salita ng Diyos, makakaya nating tukuyin at makita nang malinaw ang lahat ng pamamaraan at paraan na itinitiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Makikita natin ang masamang diwa ni Satanas at magkaroon ng lakas upang talikuran si Satanas, makawala mula sa pinsala ni Satanas, bumalik sa harapan ng Diyos, kunin ang pagliligtas ng Diyos at sa katapusan, madala ng Diyos sa kahanga-hangang huling hantungan.” Noong narinig ko na personal na pumunta ang Diyos upang iligtas ang sangkatauhan, ako ay naging napaka-emosyonal. Hindi ko talaga gustong patuloy akong saktan ni Satanas, sinabi ko sa aking mga kapatid na babae ang aking sakit at pagkalito: “May isang bagay na hindi ko masyadong maintindihan. Sabi ng isang kawikaan, ‘Nagsusumikap ang tao pataas, umaagos ang tubig pababa.’ Nagpakahirap ako upang maging tanyag at mabuhay nang maginhawa, ayon sa pamantayan ng lipunan, titingnan ito bilang isang idealista at ambisyoso. Maaari bang ang paraan ng buhay na ito ay ang paraan din kung saan pinipinsala tayo ni Satanas?” Binasa ng kapatid na babae ang ilan pang mga salita ng Diyos sa akin: “Sa proseso ng pagkatuto ng tao ng kaalaman, gagamitin ni Satanas ang anumang paraan, maging ito man ay pagpapaliwanag sa mga kuwento, simpleng pagbibigay sa kanila ng kapirasong kaalaman, o pagpapahintulot sa kanila na pasiyahin ang kanilang mga kagustuhan o mapalugod ang kanilang mga mithiin. Anong daan ka nais akayin ni Satanas? Iniisip ng mga tao na walang mali sa pag-aaral ng kaalaman, na ito ay isang natural na proseso. Kung tutuusin, ang magtaguyod ng matatayog na mithiin o ang magkaroon ng mga ambisyon ay pagkakaroon ng mga hangarin, at ito dapat ang tamang landas sa buhay. Kung matatanto ng mga tao ang kanilang sariling mga mithiin, o susubukan ang isang karera sa kanilang buhay—hindi kaya mas maluwalhati ang mabuhay sa ganoong paraan? Hindi lamang ang igalang ang sariling mga ninuno ng isang tao sa ganoong paraan subalit ang mag-iwan din kung maaari ng isang tatak sa kasaysayan—hindi ba ito isang mabuting bagay? Ito ay isang mabuting bagay sa mga mata ng mga taong makamundo, at sa kanila dapat itong maging angkop at positibo. Si Satanas ba, gayunpaman, kasama ang masasamang motibo nito, dinadala lang ang mga tao sa ganitong uri ng daan at pagkatapos ay nagpapasiya na tapos na? Tiyak na hindi. Sa katunayan, gaano man katayog ang mga mithiin ng tao, gaano man katotoo ang mga pagnanais ng tao o gaano man maaaring kaangkop ang mga ito, ang lahat ng ninanais matamo ng tao, ang lahat ng hinahanap ng tao ay hindi maiiwasang nakadugtong sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang mahalaga sa buhay ng bawat tao, at ang mga ito ay ang mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Aling dalawang salita ito? Ang mga ito ay ‘katanyagan’ at ‘pakinabang.’ Si Satanas ay gumagamit ng isang napakatusong uri ng paraan, isang paraang lubos na kaayon sa mga pagkaunawa ng mga tao; hindi ito anumang uri ng radikal na paraan. Sa gitna ng kawalang-malay, natatanggap ng mga tao ang uri ng pamumuhay ni Satanas, ang mga patakaran nito ng pamumuhay, pagtatatag ng mga layunin sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at sa ganoon nagkakaroon din sila ng mga mithiin sa buhay nang hindi namamalayan. Gaano man katayog magmistula ang mga mithiing ito sa buhay, ang mga ito ay pagdadahilan lamang na may mahigpit na kaugnayan sa katanyagan at pakinabang. Sinumang dakila o bantog na tao, lahat ng tao sa katunayan, anumang bagay na sinusundan nila sa buhay ay nauugnay lamang sa dalawang salitang ito: ‘katanyagan’ at ‘pakinabang.’ Iniisip ng mga tao na sa sandaling magkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito upang tamasahin ang mataas na katayuan at malaking kayamanan, at upang masiyahan sa buhay. Sa sandaling magkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, maaari na nila kung gayong samantalahin ang mga ito sa kanilang paghahanap ng kasiyahan at walang-prinsipyong pagtatamasa sa laman. Ang mga tao ay buong-puso, kahit na hindi namamalayan, na dinadala ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana at ibinibigay ang lahat ng ito kay Satanas upang makamit ang katanyagan at pakinabang na kanilang ninanais. Sa totoo lang ginagawa ito ng mga tao nang wala ni isang sandali ng pag-aatubili, kailanman ay mangmang sa pangangailangan na mabawi itong lahat. Magkakaroon pa ba ng anumang kontrol ang mga tao sa kanilang mga sarili sa sandaling manganlong sila kay Satanas at maging tapat dito sa ganitong paraan? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na nalublob sa isang putikan at hindi magawang mapalaya ang kanilang mga sarili. Kapag ang isang tao ay nadungisan ng katanyagan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang liwanag, ang matuwid o ang mga bagay na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang katanyagan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki, at ang mga ito ay nagiging mga bagay para hangarin ng mga tao sa buong buhay nila at maging sa walang hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo?” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Kaya ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao hanggang sa ang maaari nilang isipin ay pawang katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagtitiis ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, tinitiis ang kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakrispisyo ang lahat ng mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at gagawa sila ng anumang paghatol o pagpapasiya para sa katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan iginagapos ni Satanas ang tao sa kadenang hindi nakikita. Ang mga kadenang ito ay nakapasan sa mga tao, at wala silang lakas ni tapang na pakawalan ang mga ito. Kaya, nang walang kaalam-alam, ang mga tao ay dinadala ang mga kadenang ito at nakagulapay na lumalakad nang hirap na hirap” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagbubunyag ng salita ng Diyos ang naging sanhi upang magkaroon ako ng biglaang kabatiran. Ako ay klasikong halimbawa ng isang tao na naging alipin ni Satanas, isang tao na sumisira sa kanyang sarili sa pamamagitan ng paghahangad ng katanyagan at pakinabang. Nawala ko ang aking sarili sa paghahangad na maging mas mabuti kaysa sa ibang mga tao at kumikita ng napakaraming pera upang kainggitan. Talagang ako ay naging makina na gumagawa ng pera. Para sa katanyagan at kapalaran isinakripisyo ko pa ang aking sariling kalusugan. Talagang naging alipin ako ng katanyagan at pakinabang. Idinidirekta ng pananaw sa buhay na kumita ng pera at kainggitan, nagsikap akong mabuti upang makamit ang aking mga layunin hanggang napagod na nang husto ang aking katawan. Ang mga pagnanais na ito para sa katanyagan at kayamanan ang nagdulot sa akin ng napakaraming pisikal at emosyonal na paghihirap. Kung hindi dahil sa pagbubunyag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, hindi ko kailanman malalaman na ang mga bagay na hinahanap ko ay mali. Sa katunayan, isa ito sa mga paraan ni Satanas para saktan ang tao.

Dahan-dahan, habang madalas akong binibisita ng mga kapatid na babae na iyon at sinasabi sa akin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ako ay naging lalong mas kumbinsido sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Kasabay nito, naging mas magaling ako sa pagtukoy sa mga pamamaraan at paraan ni Satanas na nakakapinsala ng tao. Sa panahong ito, napansin ko ang sitwasyon ng isa sa aking mga babaeng kasamahan. Upang kumita ng pera, siya at ang kanyang asawa ay pumunta dito sa Japan upang magtrabaho. Kahit pa pareho silang kumikita ng pera, ang kanyang asawa ay nagsimulang magkaroon ng ilang kahirapan sa katawan. Wala siyang nagawa kung hindi bumalik (sa China) para magpagamot. Ang resulta ay natuklasang mayroon siyang malala nang kanser. Matapos nilang malaman ang tungkol dito, hindi na nila ginustong pumunta muli sa Japan upang kumita ng pera. Ang buong pamilya ay nabubuhay noon sa takot at dalamhati. Sinabi ng Makapangyarihang Diyos: “Ginugugol ng mga tao ang kanilang mga buhay sa paghahanap ng salapi at katanyagan; mahigpit silang kumakapit sa mga dayaming ito, iniisip na ang mga ito ang tanging paraan ng suporta, na para bang kung mayroon sila nito maaari silang patuloy na mabuhay, na maaari silang malibre sa kamatayan. Subalit kung malapit na silang mamatay doon lamang nila natatanto kung gaano kalayo ang mga bagay na ito sa kanila, kung gaano sila kahina sa harap ng kamatayan, kung gaano sila kadaling mabasag, kung gaano sila kalungkot at kawalang-magawa, na walang matatakbuhan. Natatanto nila na ang buhay ay hindi nabibili ng salapi at katanyagan, na gaano man kayaman ang isang tao, gaano man kataas ang kanyang posisyon, lahat ng tao ay pantay-pantay na mahihirap at walang halaga sa harap ng kamatayan. Natatanto nila na hindi nabibili ng pera ang buhay, na di mabubura ng katanyagan ang kamatayan, na alinman sa pera o katanyagan ay di-makakapagpahaba ng buhay ng isang tao kahit na nang isang minuto, nang isang segundo” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dahil sa kasawiang palad ng aking kasamahan mas naramdaman ko na totoo ngang napakahalaga ng buhay. Kasabay nito, nakikita ko ang paraan ng paggamit ni Satanas ng “katanyagan” at “pakinabang” upang saktan ang mga buhay ng maraming tao. Sa mismong sandaling ito, labis na mapalad ang aking pakiramdam dahil nagawa kong tanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Kung hindi ko nabasa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, hindi ko kailanman makikita ang katotohanan kung paano sinasaktan ni Satanas ang tao. Sa malao’t madali, nilamon na sana ako nang buhay ni Satanas.

Pagkatapos, madalas na pumupunta ang mga kapatid na babae mula sa iglesia sa aking bahay upang bisitahin ako. Dahil hindi ko maigalaw ang aking mga balakang, tumutulong ang mga kapatid na babae na imasahe ako at gumamit ng mga tasa sa aking balat. Isa sa mga kapatid na babae na nagsanay sa medisina ang nagsabi sa akin na kung didiinan ko ang isang partikular na punto ng acupuncture, magbibigay-ginhawa ito sa aking kondisyon. Nagkukusa din silang tulungan ako sa mga gawaing-bahay. Inalagaan nila ako na para bang sila ay mga kamag-anak ko. Bilang isang tao na nainirahan sa isang banyagang bansa, wala akong kaibigan sa mundo. Ngayon ay tunay na naantig ako sa mga kapatid na babae na ito na nag-alaga sa akin nang mas mabuti kaysa sa aking mga kamag-anak. Pinasalamatan ko sila nang paulit-ulit. Subalit, sinabi sa akin ng aking mga kapatid na babae, “Libu-libong taon na ang nakakaraan, itinadhana at pinili kami ng Diyos. Ngayon, inayos Niya para maipanganak kami sa mga huling araw at upang tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sama-sama, nilalakad namin ang landas na ito. Ito ang pamamahala ng Diyos. Sa katunayan, kami ay isang pamilya noon pa sa matagal nang nakaraan. Naghiwalay lang kami at ngayon lamang namin natagpuan ang isa’t isa.” Sa sandaling sinabi ito ng aking mga kapatid na babae, hindi ko na makontrol ang aking mga emosyon at niyakap ko sila habang tumutulo ang aking mga luha sa aking mukha. Sa sandaling ito, naramdaman ko ang isang kalapitan ng loob sa aking mga kapatid na babae na hindi ko mailarawan. Mas lalo pang nagpasalamat ang aking puso sa Makapangyarihang Diyos.

Hindi ko namalayan, patuloy na akong gumagaling. Matapos maranasan ang sakit at pagdurusa ng pangyayaring ito ng pagkakasakit, pinag-isipan ko kung paano ako nasa ilalim noon ng kontrol ng hindi tamang pananaw sa buhay ni Satanas na “pagsisikap na maging mas mabuti kaysa sa lahat ng tao.” Iyon pala, hinangad kong mahigitan ang aking mga kaibigan at magkaroon ng masaganang buhay upang hangaan at kainggitan ako ng ibang mga tao. Subalit, hindi ko kailanman naisip na sa halip ay magtatamo ako ng sakit at kalungkutan. Ni hindi man lang ako nagkaroon ng kaunting kapayapaan at kaligayahan. Natikman ko na ang prosesong ito ng sakit at hindi ko na gustong labanan ang kapalaran o maghangad ng katanyagan at pakinabang. Hindi ito ang buhay na gusto ko. Hindi na ako tulad ng isang makinang mabilis na gumagawa ng pera. Sa halip ay namumuhay na ako ng karaniwang buhay araw-araw. Bukod sa pagpasok sa trabaho, madalas akong dumadalo ng mga pagpupulong, binabasa ang salita ng Diyos at ibinabahagi ang aking sariling mga karanasan at pagkaunawa sa aking mga kapatid. Natutuhan ko ring umawit ng mga himno ng salita ng Diyos at mamuhay nang maligaya. Nagkaroon ako ng isang uri ng kasiguruhan at kapayaaan na hindi ko kailanman natikman noon sa aking puso. Isang araw nabasa ko ang sumusunod na sipi ng mga salita ng Diyos: “Kapag ang isang tao ay lumingon sa daan na kanyang tinahak, kapag ginugunita niya ang bawat yugto ng kanyang paglalakbay, makikita niya na sa bawat hakbang, nakakapagod man o magaan ang landas ng isang tao, ang Diyos ay gumagabay sa landas ng isang tao, pinaplano ito. Ang maingat na mga pagsasayos ng Diyos, ang Kanyang maingat na pagpaplano, ang umakay sa tao, nang di niya nalalaman, tungo sa ngayon. Ang makayang tanggapin ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, tanggapin ang Kanyang pagliligtas—anong dakilang kayamanan yaon! … Kapag ang saloobin ng isang tao sa dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao ay aktibo, samakatwid kapag nilingon niya ang sarili niyang paglalakbay, kapag tunay niyang nauunawaan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, mas marubdob niyang nanaisin na pasailalim sa lahat na isinasaayos ng Diyos, magkakaroon ng mas higit na pagpupunyagi at pagtitiwala na hayaan ang Diyos na isaayos ang kanyang kapalaran, huminto sa pagrerebelde laban sa Diyos. Sapagkat nakikita ng isang tao na kapag hindi niya naiintindihan ang kapalaran, kapag hindi niya nauunawaan ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, kapag nangangapa siya nang pasulong nang kusang-loob, pasuray-suray at pagiray-giray, sa kalituhan, ang paglalakbay ay napakahirap, masyadong nakakasakit ng damdamin. Kaya kapag nakilala ng mga tao ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa kapalaran ng tao, pinipili ng matatalino na alamin at tanggapin ito, na magpaalam sa masasakit na araw nang sinubukan nilang magtatag ng isang mabuting buhay sa sarili nilang dalawang mga kamay, sa halip na ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa kapalaran at hangarin ang kanilang tinatawag na mga layunin sa buhay sa sarili nilang kaparaanan. Kapag walang Diyos ang isang tao, kapag hindi niya Siya nakikita, kapag hindi niya malinaw na nakikilala ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang bawat araw ay walang kabuluhan, walang-halaga, kahabag-habag. Saanman naroroon ang isang tao, anuman ang trabaho niya, ang paraan ng paghahanap-buhay niya at ang pagsisikap niya sa sariling mga layunin ay nagdadala lamang sa kanya ng walang-katapusang sakit ng damdamin at di-maibsang pagdurusa, kung kaya hindi niya kayang lumingon. Tanging kapag tinanggap ng isang tao ang dakilang kapangyarihan ng Lumikha, pasailalim sa Kanyang mga pagsasaayos at paghahanda, at hanapin ang tunay na buhay ng tao, na siya ay unti-unting makakalaya mula sa lahat ng sakit ng damdamin at pagdurusa, mapapagpag ang lahat ng kahungkagan sa buhay” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Mula sa mga salita ng Diyos, naintindihan ko na ang kahulugan ng buhay ng tao ay ang mabuhay ayon sa mga salita ng Diyos at sumunod sa pamamahala at mga kaayusan ng Lumikha. Ito ay totoong buhay ng tao. Ang mga bagay na matatamo ng tao sa kanyang tanang buhay ay hindi nakasalalay sa kanyang abalang pagkilos at puspusang pagtatrabaho. Sa halip, ito ay nakabatay sa pamamahala ng Diyos at sa pagtatalaga ng Diyos. Kasabay nito, naintindihan ko rin na hindi mahalaga kung gaano karaming kayamanan ang naiipon ng isang tao dahil ito ay pawang mga makamundong pag-aari. Hindi mo dinala ito noong ipinanganak ka at hindi mo ito madadala kapag mamamatay ka. Pagkatapos kong maintindihan ito, ginusto kong sundin ang pamamahala at mga kaayusan ng Diyos. Ganap kong ipinagkatiwala ang ikalawang yugto ng aking buhay sa Diyos. Hindi ko na hinangad ang paghanga ng ibang mga tao. Sa halip, hinangad kong maging isang tao na sumusunod sa Diyos. Ngayon, nagtatrabaho ako nang tatlo hanggang apat na oras bawat araw. Ang aking amo ay isang Hapon. Kahit hindi kami nakakapag-usap sa pamamagitan ng mga salita, inaalagaan ako ng aking amo. Tuwing mayroon siyang ipapagawa sa akin, gumagamit siya ng mga simpleng salita upang iparating ang kanyang mensahe sa akin. Hindi niya ako kailanman binibigyan ng istres. Mas lalo kong nararamdaman ito ngayon na hangga’t sinusunod ng tao ang Diyos, magagawa niyang mabuhay nang maluwag at maligayang buhay.

Tuwing ako ay nag-iisa, madalas kong naiisip ang proseso ng aking pagdating sa harapan ng Diyos. Kung hindi dahil sa aking pagkakasakit na nagpahinto sa akin sa paghahangad ng katanyagan at pakinabang, hanggang ngayon sana ay isa pa rin akong makinang gumagawa ng pera sa mundo. Magiging bulag ako dito hanggang sa patayin ako ng kasiraan ni Satanas. Sinaktan ako ni Satanas gamit ang katanyagan, pakinabang, at karamdaman. Ang kasalungat, ginamit ng Makapangyarihang Diyos ang aking karamdaman upang dalhin ako sa Kanyang harapan. Sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, malinaw kong nakita na si Satanas ang responsable para sa katiwalian ng tao. Malinaw ko ring nakita kung gaano kasama at kasuklam-suklam na gamitin ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang lamunin ang mga tao. Sa wakas ay nasa posisyon na ako upang iwaksi ang mga kadena ng katanyagan at pakinabang at magtatag ng tamang pananaw sa buhay. Napalaya ang aking espiritu. Ang Diyos ay talagang makapangyarihan sa lahat at matalino! Nagpapasalamat ako na minahal at iniligtas ako ng Diyos.

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger

Kaugnay na Content