Hindi Ko na Ginagamit ang Mahinang Kalibre Bilang Dahilan

Ni Lin Ran, Henan Province

Noon, sa tuwing nahaharap ako sa ilang paghihirap sa pagganap ng aking tungkulin, o kaya ay maling-mali ang ginawa kong trabaho, naiisip ko na ito ay dahil sa napakahina ng kalibre ko. Bilang bunga, madalas akong mamuhay noon sa negatibong kalagayan, na naghihintay lang. Madalas kong gamitin noon ang aking mahinang kalibre bilang pagdadahilan upang maalis sa akin ang mahihirap na tungkulin at maipasa sa ibang tao, at nadama kong walang masama rito, na iniisip ko ang gawain ng iglesia nang hilingin ko sa ibang tao na gawin ang isang bagay dahil sa mahinang kalibre ko, at hindi ko ito magawang mabuti. Bilang pasasalamat lamang sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos kaya’t iniba ko ang maling pananaw na ito, natatanto na tumitingin ako sa mga bagay ayon sa sarili kong mga pagkaintindi at pangangarap. May natutuhan din ako tungkol sa sarili kong tiwaling disposisyon.

Isang araw, nagpadala ang isang lider ng dokumento na nangailangan ng agarang pagproseso. Ang kapatid na babaing itinambal sa akin ay abala sa paggawa ng iba pang bagay, kaya’t hiniling niya na ako na ang mag-asikaso nito. Mabilis akong gumawa ng mga pagdadahilan: “Masyadong mahina ang kalibre ko. Hindi ako magaling sa pagsusulat at pag-edit ng teksto. Mas mainam kung ikaw na ang gagawa nito.” Sa gayon ko awtomatikong ipinapasa ang anumang bagay nang may panlilinlang sa aking kapareha. Kalaunan, sinabi niya sa akin, “Mula noong una tayong nagkita, sinasabi mo na mahina ang kalibre mo. Pero pagkatapos kitang makasama nang ilang araw napansin kong may kakayahan kang mahanap ang ilang problem sa trabaho. Sa palagay ko hindi ganoon kahina ang kalibre mo, pero sa tuwing nahaharap ka sa anumang paghihirap sa pagganap sa iyong tungkulin, palagi mong sinasabing mahina ang kalibre mo, ipinapasa mo pa nga ang tungkulin mo sa ibang tao. Hindi ko alam kung ano ang motibasyon mo sa palaging pagsasabi na mahina ang kalibre mo—pakiramdam ko hindi ka nagsasabi ng totoo!” Nang marinig kong sinabi niya ito, wala akong nasabi, ngunit ang puso ko’y puno ng pagkasuya: “Kapag sinasabi kong mahina ang kalibre ko, totoo ang sinasabi ko. Hindi mo alam ang mga tunay na pangyayari, at mali ang pagkaunawa mo sa akin.” Pagkatapos, pinag-isipan kong mabuti kung bakit sinabi iyon ng kapatid na babae. Hindi ako nagsisinungaling nang sabihin kong mahina ang kalibre ko—paano niya masasabing mayroon akong mga motibasyon? Sa puso ko’y hindi ko maisip iyon.

Minsan, sa pagtitipon namin ng mga kasama ko sa trabaho, nagsabi ako tungkol sa pagkalito ko sa iba pang mga kapatid. Inisa-isa ko ang mga dahilan kung bakit inisip ko na mahina ang kalibre ko: Halimbawa, talagang mabagal akong mag-type, hindi napakaganda ng estilo ko sa pagsusulat. Kapag ang ginagawa ko ay mga teksto kasama ang kapareha ko, siya ang gumagawa ng karamihan ng typing at editing, at kapag binabasa niya ang isang dokumento, mas mabilis niyang nakikita ang mga problema, samantalang mas mabagal ako, at marami pang iba. Pagkatapos akong marinig na nagbahagi, sinabi ng aming lider na si Brother Liu, “Sister, sa ganitong mga bagay ba natin sinusukat kung ang kalibre ng isang tao ay malakas o mahina? Nakaayon ba ito sa katotohanan? Nakaayon ba ito sa kalooban ng Diyos? Alam nating lahat na pinapahalagahan ng mga tao sa daigdig ang regalo at utak. Sinumang mabilis mag-isip, mahusay magsalita, at magaling sa paghawak ng mga bagay-bagay sa mundo sa labas ay mga taong malakas ang kalibre, samantalang ang mga pangit magsalita, ignorante at hindi nakapag-aral ay itinuturing na walang kalibre; ganyan ang tingin dito ng mga di mananampalataya. Tayo na naniniwala sa Diyos ay dapat tingnan ang mga bagay batay sa mga salita ng Diyos. Hinangad ba natin ang kalooban ng Diyos tungkol sa bagay na ito? Ano ang batayan ng pagsukat ng Diyos kung ang kalibre ng mga tao ay malakas o mahina? At ano nga ba talaga ang malakas at mahinang kalibre?” Umiiling-iling ako, at nagpatuloy si Brother Liu sa pagbabahagi: “Basahin natin ang isang talata ng sermon: ‘Kung malakas man o mahina ang kalibre ng isang tao ay tumutukoy sa kung gaano nila kahusay na nauunawaan ang mga salita ng Diyos. Kung ang kanilang kapangyarihang umunawa ay mabuti, ibig sabihin kapag binabasa nila ang mga salita ng Diyos, napapasok nila ang literal na kahulugan at nauunawaan ang kalooban ng Diyos, nakakamit ang katotohanan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at alam kung paano kumilos upang matiyak na kalooban ng Diyos ang kanilang asam. Upang taglayin ang gayong mga kapangyarihan ng pang-unawa ay nangangahuluan na malakas ang kalibre nila. Ang kalibre ay hindi katulad ng pagkakaroon ng talento, hindi ito katulad ng pagkakaroon ng mabilis na pag-iisip at kakayahan. May ilang tao na tila matalino sa panlabas na anyo ngunit talagang walang kakayahan pagdating sa pag-unawa sa mga salita ng Diyos. Iyan ang ibig sabihin ng mga hindi naniniwala kapag nagsasalita sila tungkol sa malakas na kalibre, ngunit ang gayong mga salita ay hindi tatagal sa bahay ng Diyos. Ang ilang tao ay mga estudyante sa unibersidad o masyadong matalino, ngunit sa bahay ng Diyos sila ay nasa sapa na walang sagwan, at talagang walang kakayahang pumasok sa katotohanan. Masasabi mo bang malakas ang kalibre nila? May ilang tao na hindi nakapag-aral na elementarya lamang ang natapos at walang mahalagang propesyon sa mundo sa labas, gayunman sila’y naging matagumpay sa paghahanap ng katotohanan at nagiging mga taong pinupuri ng Diyos. Ito lamang ang mga taong talagang malakas o mabuti ang kalibre. Ang antas ng edukasyon ay hindi ang dapat maabot ng lahat at maging wakas ng lahat. Ang susi ay kung nauunawaan ng mga tao ang espiritu’ (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Mula sa pagbabahaging ito ay nakikita natin na ang malakas o mahinang kalibre ng isang tao ay depende sa kakayahan nilang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi ito ang ibig sabihin ng mga hindi naniniwala kapag sinasabi nila na ang isang tao ay may kalibre o may talento o ismarte. Mauunawaan ng mga taong may malakas na kalibre ang kalooban ng Diyos kapag natapos nilang basahin ang Kanyang mga salita, makikita nila ang landas tungo sa pagsasabuhay at papasok sa katotohanan, at magagawa ang ayon sa hinihiling ng Diyos. Sa kabilang banda, may mga tao na mukhang napakatalino at mahuhusay sa pag-aasikaso ng mga bagay ng mundo sa labas—ngunit sila’y kaagad na naguguluhan kapag nahaharap sila sa mga katotohanan ng mga salita ng Diyos. Ang gayong mga tao ay hindi masasabing malakas ang kalibre. Ito ay katulad ng kung paanong ang ilang taong maalam at nakapag-aral ay tila may talento at matalino sa labas, gayon man ay hindi nila kayang maunawaan ang mga katotohanan ng mga salita ng Diyos. Ang ilan sa kanila ay mayroon pa ngang nakatutuwang pananaw sa mga bagay-bagay. Kung kaya’t ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan, mabilis na pag-iisip, at kakayahan ay hindi kumakatawan sa malakas na kalibre, ni hindi ito ang pamantayan kung saan nasusukat ang kalibre ng isang tao. Ang susi ay kung nauunawaan ng mga tao ang espiritu, kung nakakaya nilang maunawaan ang katotohanan. Hindi tayo maaaring umasa sa sarili nating mga pagkaintindi at pangangarap upang masukat kung malakas o mahina ang kalibre ng isang tao!” Sa pagkarinig dito, bigla kong nakita ang liwanag: Lumitaw na ang mga paniniwala ko ay sarili ko lamang na mga pagkaintindi at pangangarap—hindi tumugma ang mga ito sa katotohanan.

Kasunod, natagputan ng isang kapatid na babae ang dalawang talata ng mga salita ng Diyos at hiniling na basahin ko ang mga ito. Ang mga salita ng Diyos ay nagsasabing:“Kapag ang isang tao ay seryoso, responsable, nakalaan, at masipag, kung gayon magagawa nang tama ang gawain. … Napakahalaga ng pagtutulungan ng mga tao, napakahalaga ng pagtutuon ng mga puso ng mga tao, at napakahalaga ng pinagtutuunan ng kanilang mga isipan at ideya. Pagdating naman sa intensyon at sigasig na ibinibigay nila sa pagganap sa kanilang mga tungkulin, nasusuri at nakikita ito ng Diyos. Napakahalagang iniuukol ng mga tao ang kanilang buong puso at lakas sa kanilang ginagawa. Napakahalaga rin ng kanilang pakikipagtulungan. Ang sikapin na walang mapagsisihan o mapanghinayangan matapos magampanan ang mga tungkulin at mga nagawa sa nakaraan, at marating ang kalagayan kung saan naibigay na ng isang tao ang lahat sa Diyos—ito ang ibig sabihin ng pagbibigay ng buong puso at lakas” (“Paano Lulutasin ang Kawalan ng Malasakit at Sigasig sa Pagganap ng Iyong Tungkulin” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). “Kung tama ang saloobin mo sa pagharap sa katotohanan, natatanggap mo ang katotohanan, at nagpapakumbaba ka, kahit mahina ang iyong kakayahan, liliwanagan ka pa rin ng Diyos at tutulutan ka na may matamo. Kung malakas ang iyong kakayahan nguni’t lagi kang nagyayabang, palaging iniisip na ikaw ang tama at hindi tinatanggap kailanman ang anumang sabihin ng iba at laging sumasalungat, kung gayon hindi kikilos sa iyo ang Diyos. Sasabihin sa iyo ng Diyos na masama ang iyong disposisyon at hindi ka karapat-dapat tumanggap ng kahit ano, at babawiin pa ng Diyos ang dating mayroon ka. Ito ang ibig sabihin ng inilalantad” (“Sa Pagsasagawa Lamang ng Katotohanan Nakapagtataglay ang Isa ng Normal na Pagkatao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Sinabi ng kapatid na babae, “Ipinakikita ng mga salita ng Diyos na ang ating saloobin sa pagganap ng ating tungkulin ay napaimportante—ito’y napakahalaga. Kung tayo ay nasa wastong kaisipan, kung maibibigay natin ang ating buong puso at lakas sa pagganap ng ating tungkulin, makikita ito ng Diyos, at pakikitunguhan tayo ayon sa ating saloobin tungo sa ating tungkulin. Kahit mahina ang ating kalibre, tayo ay liliwanagin at gagabayan pa rin ng Diyos. Kung wala tayo sa wastong kaisipan, kung hindi tayo handang pagbayaran ang halaga at makipagtulungan sa Diyos, kung gayon hindi lamang sa hindi natin ginagampanan ang ating tungkulin sa wastong paraan, kundi tatanggihan din tayo ng Diyos. Kung tinitingnan natin ang mga kapatid sa ating paligid ayon sa mga salita ng Diyos, makikita natin na ang ilan ay karaniwan lamang ang kalibre ngunit may tamang motibasyon sa pagganap ng kanilang tungkulin; kapag nahaharap sa mahirap na kalagayan, inaako nila na hanapin ang katotohanan, at nakapokus sa pagpasok sa mga alituntunin, at patuloy silang nagiging epektibo sa pagganap ng kanilang tungkulin. Samantalang may mga kapatid na sa tingin natin ay may espesyal na malakas na kalibre, at may dalisay na pang-unawa sa mga salita ng Diyos, ngunit dahil sila ay nagmamayabang, kuntento na sa saliri, hindi nakikinig sa payo ng ibang tao, at inaangkin ang kaluwalhatian ng Diyos sa kanilang sarili sa tuwing mayroon silang mumunting tagumpay sa pagganap ng kanilang tungkulin, sa huli ay nawawala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Ginugulo pa ng ilan ang gawain ng iglesia at tinatanggalan ng karapatang gampanan ang kanilang tungkulin; sa mabibigat na kaso, pinapatalsik pa sila mula sa iglesia. Ipinakikita sa atin ng mga katotohanang ito na hindi ang malakas o mahinang kalibre ng isang tao ang nagpapasiya kung sila ay pinupuri ng Diyos; ang mahalaga ay kung hinahanap ba nila o hindi ang katotohanan.” Kasunod nito, ang mga kapatid ay humugot mula sa sarili nilang mga karanasan upang pag-usapan ang mga panganib at bunga ng paglalarawan sa kanilang sarili batay sa sarili nilang mga pagkaintindi at pinapangarap. Noon ko lang natanto kung gaano kahangal ang hindi pag-unawa noon sa katotohanan; hindi ko hinangad ang katotohanan, at sa halip ay inilarawan ang sarili ko na mahinang kalibre sa pamumuhay sa mga pagkaintindi ko at pinapangarap, hanggang sa punto na kadalasan ay ipinapasa ko ang mahihirap na tungkulin sa ibang tao. Hindi ako nagsikap na bumuti, ni hindi ako umasa sa Diyos o talagang nagbayad ng halaga upang malampasan ang mga hadlang na ito, kaya ni hindi ko na nakayanang gampanan ang mga tungkuling kaya kong gawin noon. Hindi lamang sa wala akong kakayahan sa aktuwal na pagsasanay, o paglago sa katotohanan at buhay, kundi direkta nitong naimpluwensyahan ang pagiging epektibo ko sa pagganap ng aking tungkulin. Naisip ko kung gaano kabilis nahahanap noon ng kapatid na babae na katrabaho ko ang mga problema. Bagamat may kaugnayan ito sa kanyang likas na kalibre, ang mas mahalaga ay, dahil sa kanyang matapat at responsableng saloobin sa kanyang tungkulin, nagawa niyang umasa sa Diyos at tahasang harapin ang mga paghihirap na dinaranas niya. Noon lamang siya naliwanagan at tinanglawan ng Banal na Espiritu. Sa kabilang banda, sinikap kong iwasan ang mga problema nang makaharap ko ang mga ito, at ginawang dahilan ang mahinang kalibre para hindi na ako masangkot pa. Hindi ako umasa sa Diyos at hindi ko sinubukang akuin at lutasin ang problema sa pamamagitan ng paghahanap ng kaugnay na katotohanan, na ibig sabihin ay hindi ko nakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Mula rito, nakita kong patas at matuwid ang Diyos sa lahat. Sa pamamagitan ng pagbabahagi, natanto ko rin na humihiling sa atin ang Diyos batay sa kaya natin. Hindi ito kaso ng Kanyang “pagpapastol sa mga bibe papunta sa kulungan.” Dapat akong gumawa ng tama sa sarili ko; sa halip na magtuon ng pansin sa aking kalibre, dapat akong magpokus sa pagbubuhos ng lahat ng lakas ko sa pagganap sa aking tungkulin. Dapat kong hangarin at pagnilayan ang mga prinsipyo ng katotohanan, matuto mula sa mga kalakasan ng iba, makinig sa payo ng ibang tao, at ilangkap ito sa ipinamumuhay ko—at sa paglipas ng panahon, tiyak na makikinabang at lalago ako.

Pagkatapos, ang pagbatikos sa akin ng kapatid na babae ay umalingawngaw sa aking tainga: “Hindi ko alam kung ano ang motibasyon mo sa palaging pagsasabi na mahina ang kalibre mo.” Tama siya—palagi kong sinasabi noon na mahina ang kalibre ko. Anong mga motibasyon at tiwaling disposisyon ang lihim na kumokontrol sa akin noon?

Isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito sa isang pagbabahagi: “Ang mga taong palaging nagsasabi sa iba na sila ay tiwali, na sila ay ignorante at hangal, mapurol at mabagal mag-isip, na mahina ang kalibre—hindi sila nagsasalita tungkol sa tunay na mga motibasyon at panlilinlang na nasa kanilang mga puso; itinatago nila ang masasamang motibasyon na ito, at ginagamit ang sarili nilang katiwalian at kahangalan at kamangmangan bilang pansamantalang taguan, isang kalasag. Wala nang mas tuso kaysa gayong mga tao, walang mas magaling magkunwari, na nagpapanggap para isipin ng mga tao na sila ay mabuti, na alam nila sa sarili nila, na sila ay mapagpakumbaba, na sila ay hindi nanlilinlang at bukas. Ito ay isang palabas para sa iba; ang totoo, ang gayong mga tao ay mapanganib at mga tusong hipokrito …” (Ang Pagbabahagi mula sa Itaas). Nang mabasa ko ang pagbabahaging ito ay doon ko lamang natanto na ang palagi kong pagbanggit sa mahina kong kalibre ay kagagawan ng likas kong panlilinlang, at ang masasamang motibasyon ay nakatago sa aking kalooban. Halimbawa, kapag nahaharap sa isang tungkulin na hindi ko pa nagawa kailanman, ang una kong gagawin ay sabihin sa mga kapatid na mahina ang aking kalibre, dahil natatakot akong maliitin nila ako kung hindi maayos ang pagganap ko sa tungkulin. Ginawa ko ito dahil na rin sa aking kapalaluan at katayuan. Ang implikasyon ay, hindi ko kasalanan kung hindi ko ito magawa nang maayos; hindi dahil sa hindi ko ibinuhos dito ang lahat ng lakas ko, kundi hindi ko ito kaya. Sa tuwing mahaharap ako sa anumang kahirapan sa pagganap ng aking tungkulin, hindi ako handang magdusa at bayaran ang halaga para maharap ko ito nang diretsahan. Natakot din ako sa responsibilidad. Kaya’t ginamit ko na lang ang mahina kong kalibre bilang dahilan upang maipasa ko sa iba ang aking mga tungkulin, para isipin nila na makatwiran ako at alam ko ang ginagawa ko. Halos sa tuwing dumaranas ako ng hirap at kailangang pagdusahan ang bunga o kailangang balikatin ang ilang responsibilidad, umaatras ako. Ang totoo, namumuhay ako ayon sa malasatanas na pakikipagpalitan ng pilosopiya na “manahimik para protektahan ang sarili at hangarin lamang na iwasang masisi.” Parang matalino—gamit ang sarili kong mapanlinlang na paraan upang umiwas sa responsibilidad—pero ang totoo maraming oportunidad ang nawala sa akin para hangarin at maunawaan ang katotohanan. Sa katunayan, ang kalibreng ibinibigay ng Diyos sa bawat isa sa atin ay akma para sa layunin; gayunman hindi ko ibinuhos ang buong puso at lakas ko sa pakikipagtulungan sa Diyos batay sa kaya kong makamit noon, upang makamtan ang gawain ng Banal na Espiritu at pagbutihin ang aking kalibre; sa halip, palagi kong ginamit na dahilan ang mahina kong kalibre sa hindi pamumuhay ng katotohanan, sa pagsisikap na dayain at linlangin ang Diyos. Hindi ba ito sobrang panlilinlang, sobrang sama? At paano ako magagabayan ng Diyos kapag ganoon?

Pagbasa ng salita ng Diyos

Sinasabi ng salita ng Diyos, “Lubos Kong kinalulugdan ang mga hindi nagkikimkim ng paghihinala tungkol sa iba at gustung-gusto Ko rin yaong mga tumatanggap kaagad ng katotohanan; ang dalawang uri ng mga taong ito ang lubos Kong kinakalinga, dahil sa Aking paningin sila ay matapat na mga tao” (“Paano Makikilala ang Diyos na Nasa Lupa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Magpatuloy tayo sa susunod na linya, ‘Kahit mahina ang kakayahan ko, tapat ang aking puso.’ Kapag naririnig ng karamihan sa mga tao ang linyang ito, sumasaya ang pakiramdam nila, ’di ba? Kabilang sa mga bagay na ito ang mga kinakailangan ng Diyos sa mga tao. Anong mga kinakailangan? Kung kulang sa kakayahan ang mga tao, hindi pa naman ito ang katapusan ng mundo, sa halip dapat silang magtaglay ng tapat na puso at, bilang gayon, makatatanggap sila ng papuri ng Diyos. Anuman ang iyong sitwasyon, dapat kang maging matapat na tao, nagsasabi nang tapat, kumikilos nang tapat, nagagampanan ang iyong tungkulin nang buong puso at isipan, at maging totoo, at hindi ka dapat magpabaya sa trabaho, madaya or mapanlinlang, tuso, nagtatangkang gulangan ang iba, o nagpapaikut-ikot ng mga sinasabi para manlito ng tao; dapat kang maging isang taong nagmamahal sa katotohanan at patuloy na naghahanap ng katotohanan. … Sinasabi mo, ‘Mahina ang kakayahan ko, pero tapat ang aking puso.’ Kapag may tungkuling dumarating sa iyo, gayupaman, natatakot ka na baka nakakapagod ito o hindi mo ito kayang tuparin nang mahusay, at dahil dito gumagawa ka ng mga dahilan para iwasan ito. Ito ba ang nakikita sa isang matapat na tao? Malinaw na hindi. Paano dapat kumilos ang matapat na tao? Dapat silang tumanggap at sumunod, at lubos na maging tapat sa paggawa ng kanilang tungkulin sa abot ng kanilang makakaya, nagsisikap na makatugon sa kalooban ng Diyos. Bakit kailangang gawin ito? May ilang aspeto ang pagpapakitang ito. Ang isang aspeto ay na dapat mong tanggapin ang iyong tungkulin nang may matapat at taimtim na puso, huwag mag-isip ng iba pa at huwag mag-dalawang-isip, nakikipagsabwatan para sa iyong kapakanan—ito ay pagpapakita ng katapatan. Isa pang aspeto ay na dapat mong gamitin ang iyong buong lakas at buong puso, at sabihing ‘Ihahayag ko sa Diyos ang lahat-lahat sa akin. Ito ang lahat ng magagawa ko; gagamitin kong lahat ito, at ilalaan ko ito nang lubusan sa Diyos.’ Ilaan mo ang lahat ng mayroon ka at lahat ng magagawa mo—ito ay pagpapakita ng katapatan” (“Sa Pagiging Matapat Lamang Tunay na Liligaya ang Isang Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Ang mga salita ng Diyos ay nag-alok sa akin ng landas na ipamumuhay: walang pakialam ang Diyos kung ang kalibre ng mga tao ay malakas o mahina; ang susi ay kung may puso silang tapat, kung kaya nilang tanggapin ang katotohanan, at isagawa ito. Bagamat mahina ang aking kalibre, at mas mabagal ako sa pag-unawa ng katotohanan, at kung minsan ay sumusunod sa doktrina, kung tapat ang puso ko, at palagi kong hinahangad ang katotohanan upang lutasin ang aking tiwaling disposisyon sa pagganap ko sa aking tungkulin, kung gagawin ko ang lahat sa abot-kaya ko para maisagawa ang hinihiling ng Diyos, sa gayon ay matatanggap ko ang patnubay at mga pagpapala ng Diyos, at unti-unti kong mauunawaan ang katotohanan. Sa pagpasok ko sa katotohanan makakabawi na ako sa aking mga pagkukulang sa pagkakaroon ko ng mahinang kalibre, at mas mabuti akong makauunawa at makikita ang mga bagay. Pagkatapos maunawaan ang kalooban ng Diyos, nagsimula akong umasa sa Diyos na mas bumuti sa pagganap ko sa aking tungkulin. Hindi ko na ipinasa sa ibang tao ang mga bagay na wala sa akin, na hindi ko nauunawaan, kundi sinikap kong mabuti na hanapin at gawin ko mismo ang mga ito. Salamat sa Diyos! Nang mamuhay ako gaya ng hinihiling ng Diyos, nagawa ko ring makita ang mga problem sa teksto—at kahit may mga pagkakataon noon na nanatiling malabo sa akin ang komplikadong mga isyu, sa paghahanap ng mga prinsipyo ng katotohanan kasama ng mga kapatid, tila unti-unting luminaw ang mga ito, at mas gumaan ang pakiramdam ko at mas malaya sa pagganap ng aking tungkulin.

Salamat sa pagdanas sa kapaligirang itinakda para sa akin ng Diyos, nagkaroon ako ng kaunting kaalaman tungkol sa aking katiwalian at mga pagkukulang, at napag-alaman kung paano ko haharapin ang mga isyu na may kinalaman sa aking kalibre. Noong ginagampanan ko ang tungkulin ko, hindi ako nagtuon ng pansin sa paghahanap sa katotohanan, ni hindi ko sinikap na lutasin ang aking tiwaling disposisyon. Palagi kong nakikita noon ang mga bagay ayon sa sarili kong mga pagkaintindi at pangangarap, na kadalasang umakay sa akin na magtakda ng mga hangganan sa sarili ko, at pagtatangkang makaiwas sa mga bagay sa pagsasabing mahina ang kalibre ko. Ang pagganap ko sa tungkulin ay puno ng pagmamadali, inantala ko ang gawain ng iglesia, at nawalan sa sarili kong buhay. Ngayon ay nauunawaan ko na ang kalibre ng bawat isa ay inorden ng Diyos noon pa man at bahagi ng maluwalhating intensiyon ng Diyos. Hindi dapat makapigil sa akin kung malakas ba o mahina ang kalibre ko. Sa hinaharap, sisikapin kong hanapin ang katotohanan sa lahat ng bagay, kikilos nang may prinsipyo, magiging isang taong tapat upang masiyahan ang Diyos.

Kaugnay na Content