Paggamit ng Salita ng Diyos Bilang Isang Salamin

Wu Xia Siyudad ng Linyi, Lalawigan ng Shandong

Matapos tanggapin ang gawain ng Diyos sa mga huling araw at kainin at inumin ang salita ng Diyos, naging malinaw sa akin na napakahalaga na nauunawaan ko ang aking sarili. Dahil dito, habang kinakain at iniinom ang salita ng Diyos, sinigurado ko na suriing mabuti ang sarili ko laban sa salitang ginamit ng Diyos para ilantad ang tao. Karaniwan, nagawa kong kilalanin ang aking mga kakulangan at kawalang-kakayahan. Nadama ko na talagang mauunawaan ko ang sarili ko. Gayunpaman, nakita ko lang na hindi ko talaga naunawaan ang sarili ko ayon sa salita ng Diyos sa pamamagitan ng isang paghahayag mula sa Diyos.

Ang Paggamit ng Salita ng Diyos bilang isang Salamin

Isang araw, nagpunta ako sa isang lugar kasama ang isang district leader upang mag-withdraw ng pera. Nang makumpirma ang halaga ng pera at maisulat ang resibo, naisip ko na mas lalong tumitindi ngayon ang malupit na pang-aapi ng gobyernong CCP sa paniniwala sa relihiyon, at ginagawa nila ang lahat ng pagtatangkang subukang agawin ang mga ari-arian ng iglesia. Kaya para ligtas, iminungkahi ko na sirain ang lahat ng lumang resibo sa pera. Nang oras na iyon, biglang bumulalas ang district leader: “Kung sisirain mo ang huling resibo, mawawalan ng katibayan. Kung itago mo na lang kaya ang pera?” Hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko nang marinig ko ito, pero talagang pakiramdam ko malaking insulto iyon sa aking integridad; napakahirap para sa akin na lunukin iyon. Naisip ko: Anong klaseng tao ba ang tingin mo sa akin? Sinunod ko ang Diyos nang napakaraming taon at isa akong mabuting tao. Paano ko magagawa ang ganoong bagay? Bukod pa riyan, pinamunuan ko na ang trabahong ito nang napakaraming taon at hindi ako kailanman nagkamali sa pangangasiwa sa pananalapi, kaya bakit ko nanakawin ang pera ng iglesia? Sa anong paraan ako naging katulad ni Judas? … Nang lalo kong isipin ito, lalo akong nagalit. Nang lalo kong isipin ito, lalo kong nadama na hinamak at inutus-utusan niya ako. Labis akong nasaktan at halos mapaluha ako.

Sa sakit na nadama ko, bigla kong naalala ang mga salita ng Diyos, “Ang kapaligirang pumapalibot sa atin gayundin ang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay, lahat ay pinahintulutan ng Kanyang trono” (“Kabanata 6” ng Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Naisip ko rin noon: Bakit lilikha ng sitwasyon ang Diyos kung saan sasabihin ng sister na ito ang gayong bagay? Ano ang itinuturo sa akin ng Diyos? Habang pinagninilayan ito, nagsimula akong makaramdam ng kapayapaan sa puso ko. Nagsimula akong magreklamo sa isipan ko tungkol sa masasakit na reaksyon ko sa komento ng sister na ito: Mali ba siya nang sabihin niyang “Kung itago mo na lang kaya ang pera?” Sinabi ng Diyos na ipagkakanulo ng tao ang katuwiran at ilalayo ang kanilang sarili sa Diyos kahit kailan at kahit saan. Walang sinuman ang tunay na mapagkakatiwalaan. Naiiba ba ako? Bukod pa riyan, gaano ba nagbago ang aking disposisyon? Gaano kalaking katotohanan na ba ang natamo ko? Kung hindi ko natamo ang katotohanan o hindi man lang gaanong nagbago ang aking disposisyon, bakit hindi ko dapat pinahintulutan ang iba na makita ako sa ganoong paraan at sa anong batayan ko dapat makita ang sarili ko na marangal at dalisay? At bakit ako dapat magtiwala nang husto na hindi ko kailanman nanakawin ang handog? Minsa’y sinabi ng Diyos: “… Ipinaaalala ng Diyos sa lahat ng tao sa pamamagitan ng dalawang kabanatang ito na gaano man kagulang ang iyong buhay, gaano man kalalim ang iyong karanasan, gaano man kalaki ang kumpiyansa mo, at saan ka man ipinanganak at saan ka man patungo, maaaring lumabas anumang oras at saanmang lugar ang kalikasan mong ipagkanulo ang Diyos. Ang ibig sabihin ng Diyos sa bawat tao ay ito: Pantaong kalikasan ang pagkakanulo sa Diyos” (Panimula sa Ang mga Salita ni Cristo nang Siya’y Naglakad sa mga Iglesia sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). “Ang kalikasan ng tao ay punung-puno ng kalikasan ni Satanas, sila ay lubusang makasarili, mapag-imbot, sakim, at maluho” (“Masyadong Maraming Hinihingi ang mga Tao Mula sa Diyos” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo). Naaangkop lang ba ito sa iba at hindi sa sarili ko? Bawat isa ay likas na sakim, naiiba ba ako? Hindi ba naaayon sa mga katotohanan ang sinabi ng sister na iyon? Kapag madalas akong kumakain at umiinom ng salita ng Diyos, parang kaya kong sadyang suriin ang sarili ko ayon sa liwanag ng paghahayag ng Diyos. Gayunpaman, nang sabihin ng sister na iyon ang totoo, nang hindi nagiging emosyonal, batay sa paghahayag ng Diyos tungkol sa likas na pagkatao ng tao, nagalit ako nang husto. Hindi ba nito inihahayag na hindi ko kilala ang sarili ko ayon sa salita ng Diyos? Hindi ba nito ipinapahiwatig na wala akong tunay na pagkaunawa sa likas na pagkatao ni Satanas na nasa aking kalooban? Noon ko lamang napagtanto na ang pagkilala ko sa sarili ko sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos ay walang iba kundi teoretikal na pagkilala at mababaw na pagkaunawa lamang. Hindi ko gaanong pinansin ang pagkaunawa ko sa tunay kong likas na pagkatao sa pamamagitan ng paghahayag ng salita ng Diyos. Samakatuwid, kinailangang mangyari sa akin ang sitwasyong ito: Kapag nakikipag-usap ako, karaniwan ay nagsasalita ako na para bang nauunawaan ko ang sarili ko; tumatango ako at sumasang-ayon sa salita ng Diyos na naglalantad sa tao, ngunit kapag naharap ako sa mga katotohanan, mamamatay muna ako bago ko aminin na ako ang taong ipinapakita sa akin ng Diyos. Nang pagbulayan ko ang nakaraan: Ilang beses ko nang ipinahayag na wala akong pakiramdam, ngunit kapag sinasabi ng iba na wala akong pakiramdam, agad kong ikinakaila iyon at ipinagtatanggol ko ang sarili ko hanggang kamatayan. Ilang beses nang sinambit ng mga labi ko na ginagampanan ko ang aking tungkulin nang paimbabaw, pero kapag ibang tao ang nagsasabi na ginagampanan ko ang tungkulin ko nang paimbabaw, palagi akong nag-iisip ng lahat ng posibleng paraan para maipagtanggol at mapangatwiranan ang sarili ko para mapawalang-sala ako. Ilang beses kong kinilala sa harap ng iba na balewala ako, mas masahol pa kaysa uod, pero kapag sinasabi ng iba na wala akong ginagawang tama, nalulungkot ako at napakanegatibo ko kaya hindi ko magawang magsaya. Ilang beses ko nang ipinahayag na mahinang klase ako at wala akong kakayahang magtrabaho, ngunit kapag naririnig kong sinasabi ng iba na mahinang klase ako at hindi ako magiging mahusay na pinuno kailanman, agad akong sumusuko at nanghihina. … Malinaw na mapagkunwari ako. Kapag sinasabi ko sa sarili ko na masama ako, ayos lang, ngunit kapag may sinasabi ang iba tungkol sa akin, hindi ko iyon matanggap, at nilalabanan ko iyon. Ipinapakita nito nang sapat na ang pagkaunawa ko sa sarili ko ay bukambibig ko lang. Nililinlang nito ang iba at ito ay mapagkunwari. Dahil hindi ko pa talaga nasusuri at nauunawaan ang tunay kong likas na pagkatao sa pamamagitan ng paghahayag ng mga salita ng Diyos, hindi ko pa talaga tunay na nauunawaan ang sarili ko at hindi pa nagbabago ang aking disposisyon.

Noon, pinagbulayan ko ang sobrang pagmamahal ko sa sarili at natanto ko na talagang kahiya-hiya iyon. Talagang nakumbinsi ako ng mga paghahayag ng Diyos at pinahintulutan akong makita nang malinaw na hindi ko talaga nauunawaan ang sarili ko. Mula ngayon, handa akong kilalanin ang masamang pagkatao ko sa pamamagitan ng salita ng Diyos na naglalantad sa tao; handa akong buong-tapang na harapin ang mga katotohanan at tunay na unawain ang sarili ko upang mabago ko ang aking disposisyon sa lalong madaling panahon.

Kaugnay na Content

  • Paglabas Mula sa Pagkalito

    Gaya ng sinabi ng Diyos: “Sa ngayon, hindi ka maaring masiyahan na sa kung paano ka nalupig, kundi dapat mo ring isaalang-alang ang daan na iyong tatahakin sa hinaharap. Dapat kang magkaroon ng mga hangarin at ng lakas-ng-loob upang magawang perpekto, at hindi mo dapat isipin na hindi kaya ng iyong sarili. May pinapanigan ba ang katotohanan?”

  • Ang Pinakamainam na Regalong Ibinigay sa Akin ng Diyos

    Yixin    Lungsod ng Shijiazhuang, Lalawigan ng Hebei Noon, madalas kong marinig na sinasabi ng aking mga kapatid, “Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay p…

  • Pagtatapon sa mga Kadena

    Salita ng Diyos: “Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi Ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang.”

  • Sinong Nakakaalam ng Makainang Puso ng Diyos

    Ang mga katotohanang ito ang nakapagpakita sa akin ng ang ugali ng Diyos ay katulad ng kung paano tinatrato ng mga magulang ang pagbabalik ng kanilang alibughang anak - nang may di matutumbasang pag-ibig. Naipakita rin nila sa akin na ang ginagawa ng Diyos ay ang pagliligtas sa mga tao, pagbabago ng mga tao, at pagpeperpekto ng mga tao.