Wala pa rito. Magdagdag ng isa ngayon!

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Diyos sa Katawang-tao Ay Isang Buhay na Bukal ng Buhay"

Mga Video ng mga Himno 91  2020-02-11

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Diyos sa Katawang-tao Ay Isang Buhay na Bukal ng Buhay"

I

Ang pinakamahalagang gawain para sa tiwaling tao

ay ang nagbibigay ng tumpak na mga salita,

malinaw na mga layunin upang itaguyod,

at maaaring makita at mahawakan,

maaaring makita at mahawakan.

Tanging ang makatotohanang gawain at gabay na napapanahon

ang bagay na angkop sa mga panlasa ng tao.

Oo, praktikal na gawain lamang ang nagliligtas sa tao mula

sa kanyang tiwali at masamang disposisyon.

II

Karamihan sa mga tao ay naging mga kaaway,

kaaway ng Diyos, dahil sa katawang-tao na ito.

Nguni't kapag winakasan Niya ang Kanyang gawain,

titigil sila sa pagiging mga kaaway,

hindi na nila Siya tututulan.

Sa halip, sila ay magiging mga saksi Niya, lahat na nilupig Niya,

naging kaayon, sila'y kaayon Niya

at hindi maaaring mawalay sa Kanya.

Tanging ang Diyos na nagkatawang-tao lamang ang makakagawa nito,

magligtas sa tao mula sa kanyang kasamaan at tiwaling disposisyon.

Ipapakita Niya sa tao ang kahalagahan

ng Kanyang gawa sa pamamagitan ng Kanyang katawang-tao,

upang malaman ng tao ang kahalagahan,

ang kabuluhan ng katawang-taong ito

sa pinakakahulugan ng pag-iral ng tao,

malalaman ang tunay na halaga Niya

sa paglago ng buhay ng tao.

At, higit pa rito,

malalaman na ang katawang-tao na ito

ay magiging isang buhay na bukal ng buhay,

kung saan di nais mawalay ng tao,

kung saan di nais mawalay ng tao.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.