Wala pa rito. Magdagdag ng isa ngayon!

Tagalog Christian Song | "Ang Pagsasagawa ng Katotohanan ay Nangangailangan ng Tunay na Kabayaran"

Mga Video ng mga Himno 0  2020-03-11

Tagalog Christian Song | "Ang Pagsasagawa ng Katotohanan ay Nangangailangan ng Tunay na Kabayaran"

Kung mahihirapan ka, ika'y magdasal: "O Diyos! Nais Kitang bigyang kasiyahan,

paghihirap tinitiis, para Ika'y masiyahan, gaano man kalaki haraping balakid.

Kahit pa ibuwis aking buhay, bibigyan pa rin Kita ng kasiyahan."

Sa ganitong panata, 'pag nagdarasal ka, paninindigan mo ang patotoo mo.

Sa tuwing isinasagawa ang katotohanan,

bawat kadalisayan, bawat sandaling sila'y sinusubukan,

sa tuwing nasa kanila ang gawain ng Diyos,

tinitiis ng mga tao ang matinding sakit.

Pagsubok ito, digmaan sa kalooban, ang tunay na halaga na dapat bayaran.

Kung may nais kang sabihin, ngunit nadarama mong hindi ito tama sa iyong kalooban,

kung di yun makakabuti sa mga kapatid mo, kung masasaktan sila,

wag mo na lang sabihin, pinipiling masaktan at maghirap ang kalooban,

pagkat ang mga salitang ito'y 'di magbibigay kasiyahan sa Diyos.

Sa tuwing isinasagawa ang katotohanan,

bawat kadalisayan, bawat sandaling sila'y sinusubukan,

sa tuwing nasa kanila ang gawain ng Diyos,

tinitiis ng mga tao ang matinding sakit.

Pagsubok ito, digmaan sa kalooban, ang tunay na halaga na dapat bayaran.

Tumitindi digmaan sa kalooban, ngunit handa kang harapin ang sakit, para isuko ang iyong iniibig,

hirap titiisin mabigyang kasiyahan lamang ang Diyos,

nagtitiis ngunit di nagpapadala sa laman,

binibigyang kasiyahan ang puso ng Diyos, kaya bibigyan ka rin ng kasiyahan. Ito ang kabayarang nais ng Diyos.

Sa tuwing isinasagawa ang katotohanan,

bawat kadalisayan, bawat sandaling sila'y sinusubukan,

sa tuwing nasa kanila ang gawain ng Diyos,

tinitiis ng mga tao ang matinding sakit.

Pagsubok ito, digmaan sa kalooban, ang tunay na halaga na dapat bayaran,

ang tunay na halaga na dapat bayaran.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.