Wala pa rito. Magdagdag ng isa ngayon!

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos"

Mga Video ng mga Himno 0  2020-01-26

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ang Resulta ng Pagkakakilala sa Diyos"

Isang araw, madarama mong ang Maylalang

ay 'di palaisipan,

S'ya ay di itinago,

'di tinakpan ang mukha sa iyo;

S'ya ay 'di naging malayo sa iyo;

Di na S'ya ang 'yong hangad araw at gabi

ngunit 'di maabot ng damdamin mo.

S'yang tunay mong tagapagbantay sa iyong tabi,

buhay mo'y tinustustusan,

at hawak ang 'yong kapalaran.

S'ya'y wala sa malayong abot-tanaw,

at 'di nakatago sa ulap.

S'ya'y sa tabi mo, naghahari sa lahat sa'yo.

Siya ay 'yong lahat at 'yong Nag-iisa.

Ang gayong Diyos ay ginagawa kang sambahin S'ya,

hangaan S'ya, kumapit sa Kanya, yapusin S'ya,

pinangangambahan mong mawala,

ayaw mo nang talikuran at suwayin,

o iwasan at layuan;

S'ya'y nais mo lang kalingain, sundin,

suklian sa lahat N'yang binibigay,

magpasailalim sa Kanyang kaharian.

Ika'y 'di na tumatanggi sa Kanyang gabay,

tustos, kalinga, at kanlong;

ika'y 'di na sumasalungat

sa Kanyang paghahari at panukala.

Tanging nais mo'y sundin S'ya,

makasama S'ya;

tanggapin S'ya na iyong nag-iisang buhay,

nag-iisang Panginoon at Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger