Wala pa rito. Magdagdag ng isa ngayon!

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ikaw Ba'y Isang Naghahangad na Magawang Perpekto ng Diyos?"

Mga Video ng mga Himno 116  2020-02-05

Tagalog Christian Song With Lyrics | "Ikaw Ba'y Isang Naghahangad na Magawang Perpekto ng Diyos?"

Kung isa ka sa mga taong sinisikap magawang perpekto,

magpapatotoo ka, at sasabihin mo:

I

"Sa bawat isang hakbang ng ginagawa ng Diyos,

tinanggap ko 'tong gawain ng pagkastigo't paghatol.

Kahit lubha akong nahirapan, nakamit ko gawain ng Diyos, nakilala ko katuwiran Niya at pa'no Niya pineperpekto ang tao.

II

Matuwid na disposisyon ng Diyos dumating na sa 'kin, dala'y pagpapala't biyaya.

Paghatol Niya'y niligtas ako, dinalisay at iningatan ako.

Sa masakit na salita ng Diyos, pagkastigo at paghatol Niya, ako'y ligtas at kilala ko Siya."

'Yan ang landas na nilalakad ng mga pineperpekto, kaalamang sinasabi nila.

Sila'y nagkamit na ng buhay, mga taong tulad ni Pedro, tangan katotohanan ng Diyos.

'Pag nilakad nila 'to hanggang dulo,

sa pagkastigo at paghatol, sila'y tiyak na malilinis,

lubos maiaalis impluwensiya ni Satanas,

at sila'y makakamit ng Diyos.

Kung isa ka sa mga taong sinisikap magawang perpekto,

magpapatotoo ka, at sasabihin mo:

III

"Ngayon nakita ko, bilang nilalang ng Diyos,

'di lang natin tinatamasa lahat ng likha ng Lumikha.

Ngunit mas mahalaga, mga nilalang na likha Niya

dapat magtamasa ng Kanyang matuwid na disposisyon at paghatol.

IV

Dahil disposisyon ng Diyos nararapat namnamin ng tao,

at tiwaling nilalang dapat tikman Kanyang katuwiran.

May paghatol at pagkastigo, may dakilang pag-ibig din.

Kahit 'di buong makakamit pag-ibig ng Diyos,

pinagpala akong makita ito."

'Yan ang landas na nilalakad ng mga pineperpekto, kaalamang sinasabi nila.

Sila'y nagkamit na ng buhay, mga taong tulad ni Pedro, tangan katotohanan ng Diyos.

'Pag nilakad nila 'to hanggang dulo,

sa pagkastigo at paghatol, sila'y tiyak na malilinis,

lubos maiaalis impluwensiya ni Satanas,

at sila'y makakamit ng Diyos.

mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.
Makipag-ugnayan sa Amin
Kontakin Kami Gamit ang Messenger