Wala pa rito. Magdagdag ng isa ngayon!

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat" (Sipi 2)

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Panaghoy ng Makapangyarihan sa Lahat" (Sipi 2)

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Hindi alam ng sangkatauhan, na iniwan ang panustos ng buhay mula sa Makapangyarihan sa lahat, kung bakit sila umiiral, gayunma’y natatakot sa kamatayan. Walang suporta, walang tulong, ngunit ang sangkatauhan ay nag-aatubili pa ring magsara ng kanilang mga mata, naglalakas-loob pa rin, nagpapatuloy sa walang dangal na pag-iral sa mundong ito sa mga katawang walang kamalayan sa mga kaluluwa. Namumuhay ka nang gayon, na walang pag-asa; at siya ay umiiral nang ganyan, na walang layunin. Nariyan lamang ang Tanging Banal sa mga alamat na darating upang iligtas ang mga taong nananaghoy sa paghihirap at sabik na sabik na naghihintay para sa Kanyang pagdating. Ang paniniwalang ito ay hindi maaaring matanto sa ngayon ng mga tao na walang kamalayan. Gayunpaman, patuloy na hinahangad ito ng mga tao. Ang Makapangyarihan sa lahat ay may awa sa mga taong ito na malalim ang pagdurusa. Ganoon din, Siya ay sawang-sawa na sa mga tao na walang kamalayan, dahil kailangan pa Niyang maghintay ng napakahabang panahon para sa sagot ng mga tao. Hinahangad Niyang maghanap, hanapin ang iyong puso at ang iyong espiritu. Nais ka Niyang dalhan ng pagkain at tubig at gisingin ka, upang hindi ka na uhaw, hindi na gutom. Kapag ikaw ay nanghihina at kapag ikaw ay nagsimula nang maramdaman ang kapanglawan ng mundong ito, huwag nang maguluhan, huwag kang umiyak. Ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagabantay, ang tatanggap sa iyong pagdating anumang oras. Nagbabantay Siya sa iyong tabi, naghihintay para sa iyong pagbabalik. Siya ay naghihintay para sa araw ng biglaang pagbabalik ng iyong gunita: ang pagkakaroon ng kamalayan ng katunayan na ikaw ay nagmula sa Diyos, kahit paano at kahit saan ay minsang nawala, bumabagsak na walang malay sa tabing daan, at pagkatapos, walang kaalamang nagkaroon ng isang “ama.” Lalo mo pang naunawaan na ang Makapangyarihan sa lahat ay nagmamasid doon, hinihintay pa rin ang iyong pagbabalik noon pa man. Nananabik Siyang may kapaitan, naghihintay ng tugon na walang kasagutan. Ang Kanyang pagbabantay ay hindi mababayaran at ito ay para sa puso at diwa ng mga tao. Marahil ang pagbabantay na ito ay walang katapusan, at marahil ang pagmamatyag na ito ay malapit nang magwakas. Ngunit dapat mong malaman nang tamang-tama kung nasaan ngayon ang iyong puso at espiritu."

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Espesyal na pahayag: Ginawa ang video production na ito bilang isang proyektong hindi pangkalakal ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Hindi maaaring ipamahagi ang video na ito bilang pangkalakal sa anumang ikatlong partido, at umaasa kaming ibabahagi at ikakalat ito ng lahat nang walang bayad. Kapag ipinamahagi ninyo ito, mangyaring tandaan ang pinagmulan. Nang walang pahintulot ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, walang organisasyon, panlipunang grupo, o indibidwal ang maaaring pakialaman o katawanan nang mali ang mga nilalaman ng video na ito.